TW: ⚠️ ⚠️
Napasinghap ako nang natanaw si Zep kasama ang kanyang mga kaibigan. Buti pa siya may mga kaibigan habang ako... Hayst. Hindi ako nagtagal sa kinatayuan ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Canteen nang harangin ako ni Lerna at ang kanyang mga pangit na kaibigan, inirapan ko lang siya.
Ano? Siya lang ba ang matapang? Hindi ako lumaban kanina kasi wala ako sa mood at ngayon.
"Ano na naman?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila. Bumuntong-hininga ako at hinigpitan ko ang hawak sa aking mga libro.
"Sa'n ka galing?" tanong niya habang naka-ekis ang mga kamay.
"Paki-alam mo?" Itinaas ko ang isa kong kilay at ngumisi. "Makipagkaibigan ka na ba?" pang-iinis ko sa kanya, alam ko naman... Alam kong hindi siya makipagkaibigan sa akin. Gusto kong galitin si Lerna kasi kahit papaano makaganti ako kanina. Siya lang naman ang may galit sa akin kasi anak siya ng sinungaling na si Aling Seng at itong kasama niya mga props lang na gusto ding magpabida.
Nakita ko kung paano umasim ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko, nawala ang ngisi.
"Iww, as if I want to be your friend," pandidiri niya sa akin, tinignan ako mula paa hanggang dulo, napayuko at tinignan ang aking lumang sapatos. Nawala lahat ng tapang ko kanina. Pero hindi ko iyon pinapahalata dahil alam kong magpakita ako ng naapektuhan mas lalo silang mang-aaway sa akin.
"Edi wag kang harangin kung ayaw mo palang makipagkaibigan," inirapan ko siya at akma nang lumayo nang biglang hablutin niya ang aking siko.
"Ano ba problema mo?" Hindi ko na napigilan na tumaas ang boses.
Nakita ko ang paglaki sa kanilang mga mata at gulat dahil sa inasta ko. Hindi nila inaasahan na lalaban ako sa kanila ngayon. Napalingon ako sa kamay niya na naka-hawak sa akin at pwersahang ko iyong hinablot dahilan para bitawan niya.
"Abah, matapang na ang anak ng magnanakaw," kutya nila sa akin. Napalingon ako sa ibang studyante na nagtatawanan. "Kawawa ka naman, wala kang kaibigan kasi magnanakaw ang mama mo."
Lord, bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya.
"Hindi bale na, alam naman naming nagpagbintangan lang si mama eh... keysa anak ng sinungaling at mapagbintang," ngiting aso ko at tinignan din siya mula ulo hanggang paa.
Ano ka ngayon Lerna!
"Hindi sinungaling si mama!" sigaw niya sa akin.
"At mas lalong hindi magnanakaw si mama!" sigaw ko pabalik, kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Lerna.
Akmang aalis na ako nang bigla niyang hilahin ang bag ko at bumagsak ako sa sahig sa bilis ng pangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang pumatong siya sa akin at hinihila ang aking buhok, sa sobrang sakit naitulak ko si Lerna nang malakas dahilan para bumagsak din siya. Nakita kong nasaktan siya sa pagbagsak niya, agad ko siyang pinatungan at sinampal, kinamot niya ako sa siko pero hindi ako nagpapatalo, hinila ko ang buhok niya, hindi rin siya tumigil sa paghila sa aking buhok nang may naisip kong paraan kung paano siya tumigil. Pinisil ko ang kanyang ilong para hindi siya makahinga, unti-unti siyang bumitaw sa aking buhok at pinagsasampal ang aking kamay na nakahawak sa ilong niya.
Nabitawan ko si Lerna nang may umawat sa amin. Pinatayo nila ako at inalalayan din si Lerna na tumayo, hinawakan niya ang kanyang namumulang ilong at nakita ko ang mga luha na saglit na ng mga mata niya.
Ano ka? Masakit ba? Bida-bida ka kasi.
"Anong nangyayari dito?" Napalingon ako kung sino ang nagsalita. Nakita ko ang galit, dismayado, at pagkalito sa kanyang mga mata, agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
YOU ARE READING
The Unfulfilled Dreams
Romansa"Aria Hope Seraphina is an ordinary young girl filled with many dreams and ambitions in her life. Even at a young age, she has been exposed to hardships, and because of this, she needs to persevere and strive in life, believing that her struggles ar...