“Ali!”
Napalingon ako sa tawag na iyon. Patakbong lumapit sa akin ang pito kong mga kaibigan.
“Oh? Kamusta ang screening?” tanong ko agad nang mag-akbayan na silang lahat at pinagitna ako.
“Pasado. Pero lima lang daw ang kailangan eh,” dismayadong sagot ni Tristan.
Nilingon ko sila ng nakakunot ang noo.
“Oh? Bakit malungkot pa kayo e nakapasa naman pala kayo?” tanong ko.
“Hina talaga ng comprehension mo, Ali.” kinurot ko tuloy ang tagiliran ni Timothy.
“Ayaw naming may maiwan, Ali. Sama-sama kaming nag-screening pero may maiiwan.” paliwanag ni Justin.
Tumango si Sean.
“Oo nga naman, Ali! Wala kayang iwanan sa samahang ‘to! Pero maiba ako, bakit ayaw mo bang sumama sa mga screenings? Ayaw mo nun? Only princess ka namin kahit saan! Hahaha!”
“Duh? Vocalist niyo na nga ako tuwing may mga raket eh! Tsaka, hindi appropriate tingnan na nag-iisang babae ako noh? Iisipin nilang pakarat ako.” sabat ko.
Tinampal bigla ni Zeke ang bibig ko at pinanlisikan ako ng tingin.
“Bibig mo. Masyado nang pasmado.”
“Yan napapala ng walang prenong bibig eh. Libreng tampal.” sulsol pa ni Hades.
Tinikom ko na ang bibig ko at nakinig nalang sa mga kwento nila. Nginisihan naman ako ni North dahil napagalitan at nasermonan na naman ako.
Sabay sabay na kaming lumabas ng campus nang puno ng halakhakan.
“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” biglang tanong ni Justin nang may ngisi sa labi.
Napamasid tuloy kami sa paligid. Nakita namin ang cart na nagbebenta ng mga tusok-tusok.
Nagtinginan kaming lahat at isa-isang nagtanguhan at may ngising tumakbo.
“Hoy! Ang mahuhuli ang magbabayad ng kakainin nating lahat!” sigaw ni Sean kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko.
Pero dahil nga mahahaba ang biyas nila at matatangkad, mabilis nilang narating ang cart ng walang pagod habang ako ay hingal na hingal.
“Ang daya!” reklamo ko habang hinahabol ang hiningang sumandal sa cart.
Tumawa silang lahat maliban kay North na lumamutak na agad.
“Manong tutusok na kami ah? Bilangin nalang namin.”
“Hoy, kalamahan mo naman! Uubusin niyo naman laman ng pitaka ko eh!” sita ko nang walang tigil na nagsitusok silang lahat.
“Kasalanan ba naming pandak ka?” ngumunguyang tanong ni Sean.
“Hindi ako pandak! Masyado lang kayong matangkad eh!” maktol ko na kinahalakhak lang nila.
Walang tigil sila sa pagtusok hanggang sa sinabi ni Hades na 180 na lahat ng nakakain nila!
Hoy!
“Pinagkakaisahan niyo talaga ako! Sige, ubusin niyo allowance ko at kayo ang magpapabaon sakin!” usal ko at nag-cross-arm.
Ginulo lang ni Zeke ang buhok ko at sapilitan akong sinubuan ng kikiam.
“Kain ka muna. Masyado ka nang madaldal,” sumimangot ako at tumusok na rin ng squid balls dahil hindi ako magpapatalo!
“Mayaman cha naman ih! HAHAHA!” tumalsik pa ang nginunguyang squid balls ni Tristan nang magsalita ito.
Napaiwas tuloy kami. Parang gago.
“Lunukin mo muna ‘yang kinakain mo, Tris. Parang awa mo na.” saad naman ni Hades.
Tutal ako lang din naman ang babayad nito ay susulitin ko na rin. Basta sila naman ang manlilibre sakin sa buong week. Hindi ako magpapatalo noh.
Ang pitong patay gutom at ang isang uto-uto.
a&. does this story suits your taste? if YES then kindly vote for this story and comment below your thoughts about this story na rin!
YOU ARE READING
Number One Fan
Short StoryI am their first fan and supporter. Their number one fan and will always be. I'll support them no matter what happend. I want to see them succeed. I want to see them reached their dreams and goals. But, what will happen to us once they finally reac...