004

4 1 0
                                    

“Ano nga ulit kakantahin natin?” tanong ko habang nagre-rehearsal kami sa garahe ng bahay nina Hades.

“Opening ng plaza kaya more on teenagers ang pupunta niyan, love songs?” saad ni North.

If you are wondering kung ano ang name ng banda namin, Take Back Time ang pangalan namin. Yie, gandaaa talaga.

Dahil anim na kanta ang tutugtugin namin, nag-brainstowm kami ng mga kanta. Todo ang practice namin panigurado.


1. Pictures

2. Better

3. Sining

4. No erase

5. Museo

6. Pasilyo


Yan ang pagkakasunod-sunod ng kanta namin. Sa una-una naming kanta which is ang Pictures ay dalawa kami ni Tristan ang kakanta.

Busy ako sa pagsaulo ng lyrics ng tawagin ako ng walang kwentang si Justin.

“Ali, kayo na!” pumunta ako sa pwesto ng standing microphone at inis na inirapan ang pito. Mga walang sakit sa ulo!

Nagsimula na ring magstrum ng guitar si Hades at piano si Zeke.

“There are so many things I wanna say but I can’t tell you anyway.. ay,” pipikit pikit pa ako dahil hindi ko masyadong saulo ang lyrics.

“Cuz he’s worst won’t ever make you stay, so I lay here alone.. thinking have you could be mine tonight...”

Pagbukas ng mata ay hindi sadyang nagkatitigan kami ni North. Inirapan ko tuloy siya at ang walang hiya ay binelatan pa ako. The nerve of this guy talaga!

“Galing galing!!” manghang sigaw ni Sean na may sabay pang palakpak. Ang oa.

“Pwede ka na sa tawag ng tanghalian!” sigaw ni North kaya walang habas ko itong binato ng tsinelas.

Ang gago, tumakbo kaya hindi natamaan. May araw ka rin sakin! Hintayin mo ang bagsik ng paghihiganti ko!

Akala niya nadelete ko iyong picture nang brief niyang Power Rangers ang design! Ha! Akala niya lang! Myday sakin yun!

“More practice pa, lalo ka na, Hades dahil medyo nawawala ka.” sabi ni Justin.

Nagthumbs up lang kami at sabay nang naglipit ng mga gamit. Alas tres na rin ng hapon at kanina pa alas otso ng umaga kami rito nagp-practice at nagsasaulo ng mga script! Deserve namin ng .......

“Strawberry shake tsaka blueberry cheesecake akin ah? Huwag niyong kalimutan!” habilin ko nang pumasok na sa Sweet Bites store ang apat.

Dito namin sa labas naisipang pumwesto. Maganda ang cafè na itech dahil old vintage ang style at sobrang relaxing!

“Flavor ng shake na inorder mo?” tanong ko kay Hades.

“Matcha,”

Napasimangot ako. Hayop talaga ‘to siya sa past life niya, hindi lang halata dahil pinagbigyan ata ni Lord sa kagwapuhan ngayon.

“Ikaw?” tanong ko naman kay Justin.

“Iced coffee macchiatto akin,”

“Ah, okay.” tumango tango ako at si Timothy naman ang hinarap.

Nilingon din ako nito at mukhang alam na ang itatanong ko kaya sumagot na ito agad.

“Oreo milkshake,” napa star ang mata ko. Sa wakas! May masarap na rin ang order!

“Bakit?” nagtataka nitong tanong.

I beamed. “Patikim ako ha? Hehe!” tumango lang ito.

Dumating na ang apat. Ewan kung sino ang umorder ng muffins, cookies, and macaroons  basta kumuha lang ako. Matamis ngipin ko eh!

“Hoy! Kumalma ka, Ali kaloka! Hindi mauubos ‘yan!” naiistress na suway ni Sean.

Umayos ako ng upo at nilunok ang natitirang pagkain sa bunganga.

“Exchange tayo, Zeke. Bet ko amoy ng iyo,” sabi ko na agad naman niyang inagreehan. Nag change kami ng milkshake. Blueberry cheesecake pala flavor ng kaniya kaya masarap. Inubos ko na at hindi binalik.

Hindi nakakapagtaka pero umabot ng 1k+ ang binayaran namin. Dahil sa kabaitan ay sinalo iyon ni Timothy. Charing, yayamanin.

Dahil ayaw ko pang umuwi, dumaan kami sa seaside. Sakay kami ng van na nagiging service na rin namin.

Malamig at sariwa ang hangin ng dagat. Buti nalang at medyo makapal ang tela ng suot ko kaya nilabanan talaga ang lamig.

Umupo kaming walo sa tabing dagat. Katabi ko si North at Justin. Sinandal ko ang ulo sa balikat ni North nang tumayo si Hades at kinuha ang gitarang nasa van.

Pagbalik niya ay dala niya ang dalawang gitara. Binigay niya ang isa kay Zeke.

Akala ko magiging peaceful at relaxing ang pagmamasid namin sa dagat ng bigla nalang akong mapabalikwas.

“Malamang meron na namang iiyak pag nilabas ang track na ‘to... anong aasahang bisdak sainyo e puro mga wack kayo,”

Ampota?! Anong klaseng kanta to?!

Bigla tuloy ako nalingon ni North! HAHAHA!

Tumayo si Justin at Tristan at kunwaring fine-flex ang biceps at muscle. Wala tuloy akong tigil sa pagtawa! Hoy!

“Donggalo sakalam, donggalo sakalam!” sabay sabay na kanta nilang lahat maliban kay North na kasama kong walang tigil tumawa.

Hanepp! HAHAHAHAHA! Mga baliw na sila! Kaiyak! HAHAHAHAHA!

“T-tama na hoy! HAHAHAHA!” tawang tawa na sigaw ko kaya napatawa na rin sila.

Umalis na kami sa dagat matapos tanawin ang sunset. Ilang picture taking at gomora na kami. Ako ang una nilang hinatid. Pagbaba ay agad akong nagpaalaam sakanila at dahan dahang pumasok sa bahay.

Naabutan kong nag aayos ng sa hapag ng makakain si Mama at nanonood ng Tv si Papa at ang kapatid kong babae na si Ashianna.

“Oh? Tulungan mo nang mag-ayos ng makakain ang mama mo at nang makakain na tayo.” bungad ni Papa.

Wala akong nagawa kundi ang ilagay sa hagdan ang gamit at tinulungan si Mama. Mabilis kaming natapos. Etong kapatid kong niregla na ay puro lang hilata at ayaw magtrabaho. Ang kapal ng mukha.

Ako na rin ang naghugas ng plato at pagkatapos ay umakyat na ako para makapagpahinga. Saglitang naghugas ako ng katawan at saka binagsak ang katawan sa kama.


“Bumawi ka nalang sa Tita Marie mo kapag nakapagtapos ka na, anak ha? Kung hindi dahil sakaniya, baka pinadala ka na ng Papa mo sa ibang bansa para magtrabaho...”














a&. does this story suits your taste? if YES then kindly vote for this story and comment below your thoughts about this story na rin!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Number One FanWhere stories live. Discover now