Chapter 6 : Di Makauwi

326 23 0
                                        

Gavin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin

Walang dumadaan na jeep?!

Sa tingin mo ba Gavin may nadaan pang jeep kung alas onse na ng gabi? At for sure hinahanap na rin ako ni Mama sa oras na 'to at alam kong nag-aalala na 'yun dahil wala akong paramdam sa kanya dahil nalowbat ang phone ko. 

Ilang oras na rin kasi kaming nasa labas ni Javi kakahintay ng jeep na masasakyan. May nadaan naman na jeep, kaso nga lang puno ang loob. 

Saan ako sasakay? Sa bubong?

I already told him naman na he can go first dahil malapit lang naman ang bahay nila sa bar na pinuntahan namin at kaya ko naman ang sarili ko na umuwi mag-isa at maghintay ng jeep pero hindi niya raw ako kayang iwanan.

At oo, nagbar kami after ng party.

"Magba-bar kami," sambit niya. "Sama ka?" At dahil curious ako kung ano talaga ang totoong itsura ng bar kaya napasama ako.

Naging maayos naman ang pagi-inuman nila, not until nung nasobrahan na sila sa pag-inom. I already told him na huwag siyang magpa-sobra dahil baka hindi siya sanay uminom. Pero hindi siya nakinig sa'kin. 

"Isa pa-" agad kong itinabi ang baso niya at dinala siya palabas ng bar. 

Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan niya na mauuna na kami dahil baka hinahanap na rin kami ng mga magulang namin.

Kaya ang ending, bukod sa naghihintay kami rito sa labas ng sobrang tagal, hindi ko rin maiwasang mag-alalala sa kanya na unti-unti nang natutulog sa sahig ng kalsada.

"Sabi ko naman sa'yo huwag kang iinom ng marami kung 'di mo kaya!" Reklamo ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang tumayo pero hindi naman ako gano'n kalakas para mapatayo siya kaya wala na akong nagawa kundi ang paupuin ko nalang siya sa kalsada. 

Unti-unti rin akong bumaba para tumabi sa kanya. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa pagod at napatingin sa kanya nang bigla siyang sumandal sa balikat ko. Nagulat nga ako ro'n at hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yun.

Muli akong napatingin sa kanya para tignan kung tulog ba siya? Pero agad na pumukaw sa aking atensyon ang kapansin-pansing haba ng pilik-mata niya at ang matangos niyang ilong. 

I slowly raised my index finger to poked his cheeks. I smiled while watching him sleeping and laying his head on my shoulders.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya para tignan kung may clogged pores ba siya. 

But I can't see anything, no traces found! My eyes slowly going down to his lips, it look so soft and I want to touch it.

"Do you want to kiss me?" Agad akong napalayo sa kanya when he suddenly opened his eyes. 

"N-no." I stuttered. Fuck!

"Eyes never lies, Gavin," he said at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Damn, he's so close! "Lasing ako pero hindi ako bulag, Gavin."

Hinawakan niya ang collar ng polo ko dahilan para mapalunok ako. I can feel my heartbeat beating so fast. I can't even look at him straight. 

"Look at me, Gavin."

Naramdaman kong nanginginig ang dalawang kamay ko dahil sa kaba. I can't do anything, ano bang nangyayari sa'yo Gavin?! 

Mas lalong lumapit ang mukha niya sa mukha ko, I can now clearly see his dark brown eyes. I could feel his breath touching my skin. Ramdam ko rin ang pagdampo ng ilong niya sa ilong ko. I close my eyes.

"Bro, uwi na kami!" Rinig kong paalam ng isa sa mga kaibigan ni Javi sa isa pa nilang kaibigan na nasa loob pa ng bar dahilan para buksan ko ulit ang mga mata ko. 

Nakita kong lumipat ang tingin niya sa'min kaya agad kong inilayo si Javi sa'kin . "Hindi pa pala kayo nakakauwi?" Tanong niya nang makalapit siya sa'min.

"Panira naman ng moment," rinig kong reklamo ni Javi dahilan para mapatingin ako sa kanya at manlaki ang mga mata ko.

"May sinasabi ka ba bro?" Tanong ng kaibigan niya at akmang lalapit para silipin si Javi.

"Pani-" agad kong pinutol ang sasabihin ni Javi. 

"Naghihintay lang kami ng masasakyan. Nagsleep talking lang 'tong kaibigan mo," palusot ko sa kanya pero mukhang mahirap utuin 'tong kaibigan niya dahil hindi pa rin siya umaalis.

"Baka nagpapanggap lang 'yan na natutulog. Gusto mo ba ihatid ko na kayo-"

"Ha?! Hindi na. Baka inaantok ka na rin. Baka naaabala ka pa namin. Padating na rin naman yung sasakyan namin," muli kong palusot sa kaibigan niya at hopefully this time, maniwala siya.

Napangisi siya habang tumatango-tango at bakas pa rin sa mukha niya ang pagdududa sa mga sinabi ko.

"Sure ka ha? Sige, una na ako! Ingat kayo!" Saad niya at naglakad palayo.

Agad akong napabuntong-hininga at ramdam ko ngang namawis ako sa pangyayaring 'yon. Ibinaling ko ang tingin ko kay Javi at napansin kong parang natatawa siya dahilan para magkunot-noo ako.

"May nakakatawa ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Wala," sagot niya habang natatawa. "But seriously, why are you lying at him?" Natatawa niyang tanong dahilan para mas lalo akong magtaka. "You acted earlier na parang you just want me and you lang together even though nag-offer siya to help us na makauwi."

"Alam mo boy conyo kapag lasing? May tama ka na. Ang dami mong alam," saad ko habang pinipilit ko siyang itayo.

"But that's the fact," sagot niya habang tumatayo.

"Alam mo yung fact?" Tanong ko sa kanya at napatingin siya sa'kin para hintayin ang susunod kong sasabihin. "Mapapagalitan na tayo ng mga magulang natin dahil anong oras na tayong uuwi."

"Sino bang nagsabi sa'yo na sumama ka?" Tanong niya dahilan para magsalubong ang kilay ko. 

Aba siya na nga tinutulungan ko at ako na ang naaabala rito?

"Sino bang nag-aya?" Pabalik kong tanong.

"Pinilit ba kita?" Muli niyang tanong para mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Pinilit ba kita- huwag nalang tayo umuwi!" 

"Sige," sagot niya para mas lalo akong mastress.

Kausapin mo na talaga ang lahat, huwag lang ang lasing na conyo.

I Wrote Something About YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon