Gavin.
10 years later...
Nagising ako sa tunog na nagmumula sa phone ko. Mas nauna pa nga ang call na 'yun kaysa sa alarm clock ko. Hindi pa nga ako nakakabawi ngayon ng tulog dahil sa overtime duty ko kagabi sa hospital.
Sino ba 'to?
Parang hindi naman ata ako aware na may schedule ako ng morning shift ngayong araw.
I rolled my eyes nang makita ko ang name ni Jaydee sa screen ng phone ko. He's my friend and my co-nurse at the ward. Nakilala ko lang siya dahil sabay kaming nagstart magwork dito sa hospital na pinapasukan namin dahil pareho lang din kaming fresh graduates that time.
Napabuntong-hininga ako bago ko sagutin ang tawag na 'yun. Gisingin mo na talaga ang lahat, huwag lang ang kulang pa sa tulog.
"Ang tagal mong sumagot bakla ka!" unang pagbati niya.
"Ikaw pa may ganang magreklamo?! Ang aga-aga mo ngang tumawag. Alam mo namang ang daming pasyente kagabi kaya late na rin ako nakauwi." reklamo ko sa kanya habang iniinda ang sakit ng ulo ko dahil sa kakulangan sa tulog. "Bakit ka ba napatawag?"
Tila tunog lamang ng electricfan ang narinig ko mula sa kabilang call. Ano bang trip niya?
"Hoy!" sigaw ko.
"Ay, sorry beh! Nand'yan ka nga pala." sabi niya na may halong nakakaasar na tawa. "May nasagap kasi akong chika!"
"Go spill mo na, para matapos na 'yan. Inaantok pa ako!" reklamo ko.
Gusto ko man siya babaan ng call pero hindi ko rin naman maitatanggi na nacurious na rin ako sa sasabihin niya.
Hindi ako chismoso 'no! Data gathering procedure lang po eme!
"May bago raw na doctor sa hospital natin mamaya!" rinig na rinig ko mula sa kabilang call ang excitement niya.
"Oh ano naman ngayon?" walang emosyong kong tanong sa kanya. "Dapat ba akong matuwa? Kailangan ba i-welcome party siya?"
"Ang suplado ni Baks-"
"ANG AGA-AGA MO KAYANG MANG-GISING!" pagputol ko sa sasabihin niya.
"Buti nga inupdate kita na gwapo yung doctor- ay shocks! Nasabi ko nga ba?" sambit niya at for sure kung harap-harapan ko siyang kausap ngayon ay sure akong may pilyong ngiti sa labi niya. "Feel ko type mo 'to. Agahan mong pumasok mamaya ha? Mamayang duty mo dating niya rito sa hospital. Wait ka namin ni Pau."
"Wala akong time." saad ko at 'saka ibinaba ang call.
Humiga ulit ako sa kama ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam ang humiga lang sa kama. Kung wala lang talaga akong iniisip na duty mamaya ay for sure tulog pa ako hanggang mamayang hapon.
Pinipilit ko nga ang sarili ko na matulog ulit kaso hindi na talaga ako makatulog. Kailan ba ako nakabawi sa tulog simula noong pinasok ko ang trabaho na 'to?
BINABASA MO ANG
I Wrote Something About You
RomanceNagsimula lang naman ang lahat ng problema at challenges ni Gavin nang pasukin niya ang medical course na nursing. Sa kanyang panibagong journey ay makikilala niya si Javi, ang cute at knight in shining armor guy na handang tulungan si Gavin sa kahi...