Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Lunes na naman ngayon, panibagong pahirap na naman sa buhay ko. For real!
Masaya at excited nga akong pumasok sa school dahil malapit na ang birthday ko. Parang feeling ko ay wala akong inaalala ngayon dahil walang quizzes ngayon. Busy kasi silang lahat para gumawa ng grades namin. Uno cutie!
Matagal na rin ang huling beses na nagcelebrate ako ng birthday ko. Ngayon ko lang kasi ulit balak magcelebrate ng birthday ko.
Hindi kasi ako nagce-celebrate ng birthday ko simula noong nawala si papa pero s'yempre narealize ko lang na need natin magmove-on dahil we only live once. Kaya i-enjoy lang ang buhay!
Palinga-linga lang ako sa paligid habang inaamoy ang simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. I decided nga na magpahinga muna sa mga bleachers sa field dahil maaga pa naman para sa next class ko. Inilabas ko ang dutchmilk na nasa bag ko at ininom ito.
Habang ine-enjoy ko ang me time ko ay bigla kong nakita si Javi na dire-diretsong naglalakad papunta sa building department ng nursing.
Tinawag ko siya pero hindi niya ata ako narinig. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinabol siya sa paglalakad.
"Javi!" Pagtawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa direksyon ko at nagkatinginan kami. Ngumiti ako sa kanya habang kinakaway ko ang kanang kamay ko. Hindi niya ako pinansin at tinalikuran ako. Dire-diretso lang siyang naglakad na parang hindi ako nakita.
Bakit hindi niya ako pinansin?
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na sundan siya sa paglalakad. Nakakahingal nga dahil ambilis niyang maglakad. Sasali ba siya sa olympics? Kakahingal!
Nawala siya sa paningin ko sa sobrang bilis niya maglakad. Napalinga-linga ako sa paligid at nakita kong nakaupo siya sa may garden area.
Agad ko siyang pinuntahan at binati siya. "Uy, Javi. Hindi mo ba ako nadinig? Tinawag kita kanina." hinihingal kong sabi.
Hindi siya tumingin at parang hindi na naman niya ako narinig. Tumabi ako sa kanya at tinapik siya dahilan para mapatingin siya sa'kin.
Napansin kong seryoso ang mukha niya at malaki ang eye bags niya. Puyat ba siya? Imposible namang nagreview siya dahil nagsabi na nga ang mga prof's sa buong nursing department na free time naming lahat ngayon dahil nagawa sila ng grades.
O baka naman naga-advance study lang? Baka nga, hindi naman masama 'yon.
"Puyat ka ba?" Nag-aalalang tanong ko.
Bukod sa malaking eye bags ay napansin kong gulo-gulo rin ang buhok niya at nakabukas pa ang zipper ng bagpack niya. Hindi din maayos ang lagay ng eye glasses niya. Stress ba siya? Kung oo, saan naman?
Umiling lang siya bilang sagot. Nakakapanibago dahil ang tahimik niya at hindi talaga siya umiimik sa mga tanong ko.
"Stress ka ata. Ano bang ginawa mo?" Tanong ko ulit at hinawi ang buhok niyang magulo.
Nagulat ako nang bigla niyang alisin ang kamay ko sa buhok niya. Naninibago ako sa mga kilos niya. Hindi ko siya maintindihan, ano bang nangyayari?
Hindi siya tumitingin sa'kin ng diretso at nakatingin lang siya sa kawalan. Ang weird.
Natahimik kaming dalawa at tanging tunog lang ng mga ibon sa mga puno ang naririnig namin. Hindi ako sanay sa mga kinikilos niya. Ano bang nangyayari sa kanya?
Papikit na sana ang mga mata ko nang mayamaya'y naramdaman kong isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Kulang nga siguro 'to sa tulog.
Lumipas ang ilang minuto at nagdecide na ako na magsalita na. Hindi na rin kaya ng sarili ko ang katahimikan na nangyayari ngayon.
"May problema ba, Javi?" Pagtanong ko ulit sa kanya.
Tumingin siya sa'kin at pilit na ngumiti. Ngumiti lang ako pabalik at hinawakan ang kamay niya. Umiling-iling naman siya bilang sagot sa tanong ko. Pero pansin ko sa mata niya na malungkot siya.
Gusto ko sana siyang tanungin kung okay lang ba talaga siya kaso mas mabuting hayaan ko nalang na siya mismo ang magsabi ng nararamdaman niya.
Natahimik lang kaming pareho ulit. Parang bigla kong naramdaman ang bigat ng atmosphere. Parang kanina lang ang saya-saya ko, tapos ngayon parang ang lungkot ko na. Ayaw ko kasing nakikita siyang ganito. Feeling ko ay nasasaktan din ako.
Naramdaman kong bigla siyang yumakap sa'kin at inilapat ang ulo niya sa balikat ko habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Sorry," sambit niya.
Bigla naman akong nagtaka at napangiti at the same time, "Para saan?" Tanong ko habang tinatapik siya sa likod.
"Kasi ganito ang mga kinilos ko, sorry," sagot niya habang nakalapat pa rin ang ulo niya sa balikat ko.
"Okay lang 'no, naiintindihan naman kita," ani ko habang tinatapik ang likuran niya. "Sure ka na wala kang problema ha?"
Naramdaman ko namang umiling-iling siya habang nakalapat ang ulo niya sa balikat ko. Medyo nakiliti ako ro'n.
Inalayo ko siya ng kaunti sa'kin at tinignan ko siya ng diretso habang nakahawak sa magkabilang balikat niya.
"Basta kapag may problema, sabihin mo agad sa'kin, okay?" Saad ko at napatango-tango naman siya habang nakangiti.
Inayos ko ang eye glasses niya at hinawi ang magulo niyang buhok. Pinisil ko ang magkabilang pisnge niya. Ang cute naman ng conyong lasing na 'to!
"Hindi naman ako magsasawang intindihin ka. Wala dapat secret-secret between us, okay? Nandito lang ako palagi," sambit ko.
Tumango-tango lang ulit siya at niyakap ako ng mahigpit. Napapikit nalang ako habang dinadama ang yakap niya. Ang sarap sa feeling.
After that, we decided na pumasok na dahil malapit na ang next classes namin. Nagpaalam siya sa'kin at ngumiti lang ako sa kanya.
Naglakad siya palayo sa'kin at napansin kong mabilis na naman siyang naglakad. Natawa naman ako sa kinilos niya, yung lakad niya kasi ay parang bata na may susugurin.
Napailing-iling nalang ako habang naglalakad papunta sa next class ko. Tumingin ulit ako sa direksyon kung saan siya naglakad kanina at hindi na siya mahanap ng paningin ko. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang naglakad.
"Ano kayang problema no'n?" Tanong ko sa sarili ko.
Habang naglalakad ako sa hallway ay naririnig ko na agad ang maiingay kong kaklase. Rinig na rinig ko ang tawa ni Rob kahit nasa malayo pa ako. Nasa palengke ata ako?
"Bayad mo?"
Nagulat naman ako nang biglang sumalubong agad ang treasurer naming si Minnie kahit na bubuksan ko pa lamang ang pinto ng room namin. Nakakagulat naman, umagang-umaga ha?
"Hindi pa nga ako nakakaupo, eh," sagot ko.
After kong maglabas ng pera pambayad ay nakaupo na ako sa upuan ko. Araw-araw nalang ba talagang ganito?
Mabuti na lamang at late rin dumating ang prof namin. Dala-dala nito ang laptop niya at sandamakmak na mga papel. Dito siguro siya magre-record sa room namin.
Tahimik lang kaming lahat at biglang lumipat ang tingin niya sa'ming lahat. Nakakatakot ang tingin niya.
Tinititigan niya kami isa-isa at sa tingin niyang 'yun ay talagang kakabahan ka. May ginawa ba kaming kasalanan?
"Get one fourth sheet of paper. Write your name, date, and section. Write minus wrong tayo ha?" Sabi niya dahilan para mataranta ang mga kaklase ko.
Hindi ko pa nga birthday pero na-surprise na agad ako.