KABANATA 1 - ANG SIMULA

10 2 0
                                    

      Sa isang madilim at masukal na kagubatan, isang dalaga ang mabilis na tumatakbo at hindi na alam ang kanyang tinatahak na daan. Nanginginig sa takot at panay ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Taimtim na nagdarasal at halos tawagin na ang lahat ng santong kilala nya. Sa kagustuhang ang kanyang buhay ay maisalba ang mga tinik na humahalik sa paa ay tila hindi na nito madama.

Nakatira ito sa isang bundok sa isa sa mga liblib na nayon. Ilang oras pa ang tatansyahin at ilang milya pa ang layo para ang bayan ay kanyang marating. Isa itong mananampalataya at tagasilbi sa isa sa pinakaluma ngunit kilalang simbahan sakanilang bayan, ang bayan ng San Sinumpa.

Ayon sa kwento ay ito ang pinangalan sa bayan dahil sa hindi maipaliwanag nakababalaghang nangyayari sa lugar, mga sakit at sunod-sunod na hindi matukoy na pagkamatay.

Sya ay isang tapat at masipag na lingkod ng simbahan. Araw-araw itong bumababa ng bundok at tanging ang gubat na walang sinuman ang nangangahas na dumaan ang syang pinaka madaling daanan para mapabilis ang pagbaba ng bundok papunta sa bayan. Ngunit walang sinuman ang nangahas na dumaan sa pinagbabawal na gubat na iyon. Ayon sa kwento ang lahat ng pumasok ay hindi na nakalabas pa sa gubat na tinatawag na Buwang Pula.

Dahil sa dami ng kanyang ginawa sa simbahan ang oras ay hindi nya na namalayan. Kaya naman ang gubat ang syang kanyang dinaanan upang mapabilis ang kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan. Tahanan na kung saan naghihintay ang kanyang ama bulag ang kaliwang mata na kilala bilang isa sa pinakamahusay na albularyo sa kanilang lugar.

Patuloy sa pagtakbo ang dalagita hanggang sa ito ay mapahinto dahil ang nilalang na tinatakbuhan nya ay nasa unahan na pala. Mahigpit itong napahawak sa laylayan ng suot nyang puting bestida.

Mas lalo itong nanginig sa takot ng mapagtantong hindi tao ang nilalang na sumusunod sa kanya. Ang gubat na kanyang dinaanan ay nasisinagan ng buwang kulay pula. Sa takot ay parang nakalimutan na nitong tumakbo at halos hindi na maihakbang ang mga paa papalayo sa bulto ng nilalang na papalapit sa kanyang pwesto.

Ang nilalang ay lumapit sa dalagitang nangahas na pasukin ang kanyang teritoryo. Naamoy nito ang nakakasulasok na amoy ng benindisyunang tubig mula sa simbahan na syang dahilan kaya pumunta ng bayan ang babaeng kaharap nito.

Naririnig nya rin ang mga dasal na inuusal ng dalaga sa kanyang utak. Nababasa nya sa mga mata nito ang hindi matumbasang takot at pagkabigla sa kanyang presensya. Ang katawan nitong nagpapahiwatig na isa syang kamatayang nagbabadya sa dalaga.

Sa halip na paslangin ng nilalang ang dalaga ito ay kanyang kinuha at ginahasa. Walang magawa at halos hindi makapagsalita, buong gabing ginalaw ng nilalang na hindi makita ang mukha.

Kinaumagahan ang dalaga ay natagpuan sa isang batis na hindi kalayuan sa kanilang tahanan. Ang mangangahoy na si Mang Tonio ang nakakita sa dalaga na walang malay at puro pasa ang katawan. Sya rin ang nag-uwi sa dalaga sa kanilang tahanan.

"Oh jusko! Anak ko! Anong nangyari sayo?" tinig ito ng kanyang ama na papalabas ng pinto ng maliit na bahay nila.

Mangiyak-ngiyak itong lumapit sa katawan ng dalagita na nasa bisig ng mangangahoy.

"Natagpuan ko ho sya sa batis Tata Seño. Nagulat nalamang ako ng maliligo sana ako sa batis bago ako mangahoy ay nakita ko ang walang malay na katawan nito sa isang malaking tipak ng bato." kwento ng mangangahoy.

"Ipasok mo sya sa aking tahanan. Sa nakikita ko ay hindi tao ang may kagagawan ng nangyari sa aking anak." anito at kinuyom ang kamao. Umigting ang panga nito at nagngitngit ang mga ngipin sa galit.

Ng maipasok ang dalaga sa bahay ay binihisan at inihiga ito sa kama sa kanyang silid. Pinalibutan ng kandila at nagpausok sa labas ng kanilang bahay ang albularyo nitong ama. Sa pagsapit ng gabi ay nagsimula na itong magdasal at magwika ng mga orasyon gayunpaman ang dalaga nanatiling humihinga ngunit ito ay wala pa ring malay.

Ng matapos ang dasal ay nilapitan ng ama ang kanyang anak gumuhit ng triangulo at nilagyan ng mga kakaibang letra ang noo nito gamit ang dugo ng baboy ramong nahuli nito gamit ang patibong.

Isa itong alay sa nilalang na kumuha sa diwa ng kanyang anak. Batid nitong hindi basta-basta ang nilalang na kanyang kakaharapin sa gabing ito kaya naman lubos ang paghahandang ginawa nito bago ang kanyang pag-aalay.

Mas lalong lumiwanag ang buwan subalit ng tawagin nya ang nilalang ay nag-iba ang kulay nito. Ang puti ay naging pula at ang sindi ng mga kandila ay nawala.

"Sinasamo kita, pakawalan mo ang anak ko. Batid kong ibig mo ang kanyang kagandahan subalit syang kasalanan sa iyo. Pakiusap ibalik mo sakin ang anak ko." sambit nito at nagpatuloy magusal ng dasal at hindi maintindihang mga salita mula sa isang maliit na librong hawak nito.

Umihip ang isang malamig na hangin at muling nagkaroon ng sindi ang kandila. Ang pulang buwan ay biglang nawala at bumalik sa dati nitong kulay at ang kanyang anak ay nagkaroon na din sa wakas ng malay.

Ang akala ng albularyo ay nagtagumpay sya sa pagbawi sa kanyang anak. Subalit hindi nito alam na ang kanyang anak ay patay na at ang kanyang nasamong itim na diwa ay ang syang magiging mitsa ng matinding kalbaryo sa kanilang baryo. Kumalat sa bayan na ang anak ng albularyo ay nagdadalang tao subalit alam ng lahat na kahit napakarami nitong manliligaw ay ni isa ay wala itong sinagot at naging nobyo.

Itutuloy...

SYETE DIABLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon