KABANATA 3 - ANG PAGSILANG

6 1 0
                                    

     Kinuha ng albularyo ang kanyang itak at handang lumaban sa mga taong bayan na handang paslangin silang mag-ama. Tinago nito sa likod si Maria upang protektahan.

Inilabas nito ang anting-anting at nagbigkas ng mga di maintindihang salita kaya naman natumba ang ilan sa mga taong nakapalibot sa kanila.

"Tumakbo kana Maria! Pumunta ka sa bayan at dumiretso sa simbahan doon mo isilang ang batang iyan at pabendisyunan." sigaw nito sa anak. Natatakot man si Maria para sa buhay ng kanyang ama ay sinunod nya ang utos nito. Tumakbo ito papuntang bayan at dumiretso sa simbahan para gawin ang huling habilin ng ama.

Sa kabilang banda ang orasyong para sa kabutihan na ginamit ng albularyo upang saktan ang mga tao mula sa bayan ay may malaking kabayaran. Batid iyon ng albularyo kaya naman sa huling orasyon nito ay siniguro nitong lahat ng ng nakakaalam ay isasama nya sa kanyang huling hantungan.

"Lahat ng taong nasaksihan ang kaganapan ay mamatay kasama ko. Sa huling sandali ng buhay ay iniaalay ko ang kaluluwang nabahiran ng dugo ng mga inosenteng taong ito. Patawarin ako o ama ko sapagkat ang kanilang buhay ay isasama ko sa hukay kasama ng isang malaking sikreto." huling bigkas ng albularyo at isang malakas na paglindol ang naganap.

Dahil sa lindol ay nagkaroon ng malakung pagbiyak ng lupa at nahulog ang mga ito roon ang iba naman ay nadaganan ng mga nabuwal na puno at ang iba ay hindi na nagising pa mula sabunang orasyon ng albularyo.

Sa kabilang banda habang nagkakaroon ng misa ang pari sa simbahan na si Father Julian ay nakarinig ito ng malakas na sigaw na nagmumula sa silid ng mga sakristan. Matapos na nito ang misa at nagmamadali nyang tinungo ang silid. Naabutan nya ang isang babaeng puno ng dugo na batid nyang hindi ito nagmumula sa pagsilang ng sanggol.

Ang mukha ng babae ay tila nasapian ng masamang espirito sa itsura nito. Nagdarasal ito sa kanyang isip at dahan-dahang nilapitan ang babaeng umiiyak habang hawak ang walang buhay na sanggol.

"F-father Julian patawarin nyo po ako sa aking mga kasalanan. Marami akong napaslang dahil hindi ko makontrol ang sarili kong katawan. Nawala ako sa sarili at natalo ang pananalig ko dahil sa aking napagdaanan. Patawarin nyo po ako." hagulgol nito.

"M-maria..." labis ang pagkabigla ni padre ng masaksihan ang kalagayan ng dating naninilbihan sa kanya. Ang dalagang nais mag madre sa simbahan at bukod sa kanya ay labis din ang pagmamahal nito sa may likha.

"Bendesyinunan nyo po ang bata kahit wala na itong buhay ng isilang ko. Hindi na rin magtatagal pa ang buhay ko kaya pakiusap po padre. Ipanalangin nyo po ang mga kaluluwa naming naligaw ng landas."

Naawa ang pari sa dalaga kaya naman ay ipinagdasal nya ang mga ito at pinatawad matapos ikumpisal ang mga kasalanang nagawa. Pagkatapos ng dasal ay nawalan na ng buhay si Maria. May malaki at malalim na sugat ito sa likod na tila tinaga na syang dahilan kaya ito pumanaw.

Umulan ng napakalakas at sinamahan ng walang humpay na pagkulog at pagkidlat. Masamang panahon na nagbabadya ng masamang hinaharap.

Napatingin ang pari sa sanggol na tila buhay pa ang kulay. Hinawakan nya ito at sinubukang buhayin gamit ang natutunan sa medisina noong sya ay nag-aral sa kolehiyo bago maging pari. Umawit pa ito ng aiting ginagamit sa tuwing magmimisa ito at isang himalang umiyak ang sanggol ng malakas.

Batid ng paring hindi pangkaraniwan ang sanggol. May pulang pares ng mga mata at batid din ng pari na pitong araw lang itong ipinagbuntis ni Maria. Nagmamadali nya itong inilagay sa altar ng simbahan at doon nagdasal ng taimtim. Sinuot nya rito ang kwintas na krus na mula pa sa kanyang ninuno na ibinigay sa kanya para itaboy ang mga masasama.

Kalaunan ay binigyan nya ng maayos na libing si Maria. Ang sanggol ay nanatili sa simbahan sa pangangalaga nya.

Samantalang walang nabuhay sa mga taong naroon sa gubat kasama ng albularyo. Katulad ng huli nitong sinambit ay wala ngang nakaligtas at ang sikreto ay nanatiling sikreto. Tanging ang padre pamang ang nakakaalam ng nangyari sa anak ng albularyo na kalaunan ay naging usap-usapan ang biglaang pagkawala ng mga ito.

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SYETE DIABLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon