"Ugh! Nakakainis! Nakakainis!" yan lang ang nasasabi ko sa sarili ko habang naglalakad ng padabog dito sa kwarto. Kung bakit ba naman kasi ang tanga tanga ko diba? Kung saan saan ko nilalagay mga gamit ko tapos makakalimutin pa ako! Nakakabwisit naman talaga oh!
"Hoy Rie! Wag ka ngang epal!" sabi sakin ni Rui pagkabato niya ng unan sakin. Langya nga naman 'tong lalaking 'to oh! Makabato. Bwisit! Sinamaan ko lang siya ng tingin.
AAAAAARRRRRGGGGHHHH!!!!! Nasan na ba kasi yang pesteng Journal kong yan?! Pano pag may nakapulot pala nun tapos binasa niya? Edi nakakahiya kasi andami kong sinulat dun na di dapat mabasa ng iba. Argh! Taeng yan naman oh!
"Aray! Buset naman Rie! Tumigil ka nga! Epal mo eh noh?" tinulak pa niya ako sabay sara ng laptop niya. Hihi. Sorry! Naupuan ko kasi yung likod niya. Hihi. Pasensya! Di ko napansin! Pasensya na talaga Rui! Lab naman kita eh! Loljk! Eww! ASA!
HAHAHA :D Baliw ko rin eh noh? Ah! Nga pala, si Rui ay ang aking twin :) Opo. Twin ko po siya sa kabaliwan MINSAN. Minsan lang kasi minsan lang siya magawi dito at sa minsan na yun, minsan lang din siya mabaliw kagaya ko, at sa minsan din na yun eh may sarili siyang mundo gaya kanina. Hindi naman masyadong nababanggit ang minsan diba? osige na, di ko na sasabihin ang minsan, minsan na lang!
Kanina ko pa kasi siya kinakausap tungkol dun sa nawawala kong Diary, tanga ko din eh noh, Journal pa daw ako, pero dahil nasasabi ko naman na sa inyo yung laman nun, edi journal na nga siya. HAHA. Ngayon naman journal ang laging nababanggit. Tsk, tsk.
"Lumayas ka na nga lang dito! Di ka naman nakakatulong, di ka pa nagbibigay ng atensyon sa sinasabi ko!" sabi ko sa kanya at nahiga na ako. Ako'y matutulog na lang kesa isipin ko na naman yang bwisit na diary kong yan na hindi ko alam kung san ko naiwan! Tae naman kasi ang katangahan ko eh!
Mula sa pagkakahiga niya ay napansin kong tumayo siya't tuluyan na ngang umalis. Owkay? Sabi ko sa inyo eh, napaka caring niya talagang twin brother eh. Di nga nag go-good night yun sakin eh. Ewan jan sa kanya! Pabayaan na natin siya, that's another story so let's just leave it all behind.
Maaga akong gumising ngayong araw dahil nga hindi rin naman ako nakatulog ng maayos kagabi, pano naman nga ako diba makakatulog ng maayos eh puro nasa isip ko yung diary ko, nababadtrip na talaga ako.
Ayoko na rin pala ituloy yang signs signa na yan na sinulat ko din para sa Mr. True Love ko. Although natapos ko na din naman. Haha! Baliw ko lang! Tss, eh pano? Napag-isip isip ko na kalokohan lang pala yan kasi daw sa pag-ibig kusa naman daw yan dumadating, di kailangan ng signs, pag mahal mo, edi mahal mo. Haha
Naghanda nako't lahat-lahat para ngayong araw na 'to. Sabado ngayon kaya ako'y maggagala na lang nang hindi ako mabagot dito.
Pababa na ako ng hagdan ng mapansin kong may kinakausap si Mamang tao.
"Ma? Sino po yan?" sabi ko habang pababa sa sala.
Owwww. Siya yung gwapong lalaking nakabangga ko nung isang araw. Wow! Pano niya nalaman ang bahay ko? Is he stalking me? OMG! I'm sooo kinikilig! HAHA! Malandi ka Rie! Stop that!
"Uhh" yan lang nasabi ko habang gulat pa rin ako na nandito siya sa bahay namin. Plus, yung kilig feeling pa nararamdaman ko kasi nga OHMYGOSH talaga!
Does he likes me kaya?
*toinks*
"Aww!" sabi ko habang hinihimas ang batok ko. Baliw to si mama! Batukan daw ba ako? Sa harap pa ng gwapong nilalang na itey.
Emergherd! Em se kenekeleg! NESEYE NE ENG LEHET!
HAHAHA! Ayos plug-in eh noh!
"Nginingiti ngiti mo jan ha?" nabalik na naman ako wisyo ko nang magsalita si mama. Kinikilig kasi akech! Haha
