Chapter 3 -- *Journal*

24 1 2
                                        

Chapter 3 -- *Journal*

"Jake! Dito ka lang muna sandali.. Puntahan ko lang gf ko." Sabi ni Clyde sakin. At umalis na rin. Hmp. Nagiging chaperon na ako lagi ni Clyde neto ah. Tsk. 

Nandito kami ngayon sa Adamson. Binibisita ni Clyde yung gf niya. Every Thursday lagi kaming nandito. Buti nga di nila napapansin na hindi kami taga dito eh. Nakakapagod nakatayo dito, bench nga muna ako.

Habang nakaupo at nag-aantay kay Clyde.. Tumingin-tingin ako sa paligid baka mamaya may makapansin sakin.. Ako pala ang may napansin. Isang "Diary ???" May nakaiwan ata. Pwede kaya tignan? Nubayan! Kelan pa ako naging ususero?! Tss.

"Jake tara! Magla-lunch na! Mas dadami na tao dito.. Baka mapansin pa nila tayo!" Sabi ni Clyde sakin habang hinihila isang kamay ko. "Pare may nakaiwan.. San ba Lost and Found niyo dito?" 

"Hindi pare. Balik na lang tayo bukas. Kelangan na natin makaalis may papalapit na Guard.. Tara na!" "Pero---" 

At ayun.. Tuluyan na kami nakaalis. Hayy.. Hawak-hawak ko ngayon ang diary ng ewan kung kanino man 'to. Pasensya na.

--------------------

"OHMYGOSH!!! Hey have noticed my Journal?" tanong ko sa kasabay kong lumbas ng pinto. NAWAWALA ANG JOURNAL KO!!! huhuhu TT_________TT

"Hindi eh. Sorry. Try mong i-check sa inupuan mo kanina, baka naiwan mo dun." Sabi niya tapos umalis na din. Bumalik naman agad ako papasok ng classroom kasi baka nandun nga. Nubayan! Sa lahat ng mawawala yung journal ko pa. Nandun pa man din yung ibang pera ko. Huhuhu TT_____TT Pano yan?

Wala dito sa upuan ko yung journal ko TT____TT Ano na gagawin ko ?! Huhuhu!! Help niyo naman ako oh! Naupo naman ako sa upuan ko habang mapapaiyak na nang dumating si Ate Zj. "Hey niece! Tagal mo bumaba. Kanina ka pa namin inaantay dun." Huhuhuhu TT____TT Nawawala journal ko! TT____TT Wala akong pangkain! Wala akong pamasahe! Wala na yung pambili ko ng damit mamaya!! Wala na!! Wala na yung journal na pinagshe-sheran ko ng secrets!! Wala na!!! Sana mahanap ko yun!! TT____TT

Ayan! Tuluyan na ako umiyak!!! Kainis naman eh! "Oh?! Bakit ka umiiyak?!?! Ui di kita pinapaiyak ah!" *TOINKS!* Tinignan ko muna siya ng mga 10 seconds saka ako nagsalita "Hindi naman ikaw eh! Yung Journal ko di ko makita. Huhuhu TT___TT" 

"Ah ganun ba? Parang nakita ko yung Journal mo kanina sa Bench na pinagupuan natin kanina nung nagchikahan tayo." Eh? Hala oo nga! dun ko nga pala huling nilapag! Tsk. Eh ? Bakit di sinabi sakin ni Ate? Hay naku! "Eh? Ate bat di mo po sinabi?" Tapos hinila ko na siya agad papuntang bench na inupuan namin kanina. 

Hmp. Asan dito? Bakit wala?! Muli na naman akong naupo at humagugol! TT____TT Okay lang sana kung pera na lng ang nawala at hindi yung journal kasi yung pera madali lang naman eh pero yung journal andaming memories nun! Yun na lng ang natatangi kong remembrance kay Papa TT____TT

"Niece! Okay lang yan. Mahahanap mo din yun. Pero in the mean time. Mag-lunch muna tayo at nagugutom na din ako. Di sasabay si Rei. Kasama niya girlfriend niya." Huhuhu TT____TT Wala pala akong pera! Ano pala pangkain ko? Sige titiisin ko na lang muna ang gutom.

Pero nakakainis pa din! >.<

----------------------------------------

7:30 p.m.  Thursday

"Tae pare! Makaubos ka ng pera ah! Wala na! Di ko dala wallet ko! Pocket money lang 'to. Makahila kasi eh noh!" Sabi ko kay Clyde. Grabe lang ah! Pano ako uuwi neto! Makahila kasi papuntang bar wala naman dalang pera! Tss. 

Hawak-hawak ko pa pala 'tong Diary ni Adrienne Lim. Hahaha. Binasa ko yung unang part. Ang kulit. Most embarrassing moment niya nung high school. Hahaha. Nakakatuwa.. 

"Pare may nahulog." huh? Ah. May nahulog na papel. "Salamat pare." Tapos umalis na din siya. Pinulot ko yung papel. Nakalagay yung name ni Adrienne Lim. 

---

Hi there! I'm Adrienne Lim. You can call me Rie if close tayo but most of my friends call me Yen. 

If napulot mo man po itong Journal ko. Please pakibalik na lang po sakin. This thing is really important to me. And please! Don't you dare read anything! Got it?!

Adress: ---------------------

Phone number: 0929685****

Thanks!

---

Yan yung nakalagay sa papel. Wow! Hala ka! Nagbasa ako! Pero unang part lang. Hindi niya din naman malalaman. Balik ko na nga 'to dito sa Diary na 'to. 

Feeling ko masungit 'tong babaeng 'to. Hayy..

================================

A/N: Guys! Sa susunod po ulit ang iba. Nagmamadali na po ako eh.

On the spot po kasi ako gumagawa ng ia-update... Sensya na!

Ayy.. Favor! Please do follow my sister po on twitter:

https://twitter.com/#!/imaryellrecaido

Salamat ng madami!! ^__________^

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon