PATAWAD

13 4 0
                                    

"PATAWAD"
°°°♡°°°
🐼

Minsan naiinis ako sa kanya
dahil sa magulang ko siya ang bida
Siya na ang masipag at matalino
Sa lahat ng bagay palagi na lang akong talo.

Tunay na kaming dalawa ay magkasalungat
Ako'y nasa mababa at siya'y nakakaangat
Naiingit ako dahil sa kakayahan niyang makihalubilo,
Sa kakayanan niyang patawanin pati ang ibang tao.

Naiingit ako dahil nasa kanya lahat ng atensiyon,
Wala man lang natira sa 'kin kahit isang porsyento.
Tanging nakikita nila ay aking maling aksiyon
At ang kakulangan ng aking pagkatao.

Hindi ko namamalayan
Na ang inggit na nararamdaman
Biglang naging poot at galit
Mga pananalita ko'y naging mapait.

Kuya galit ako sayo,
Galit ako sa mga atensiyong napupunta sayo
Galit ako dahil mga magulang natin ikaw ang gusto.
Pero mas nagalit ako nang iniwan mo ko.

Kuya hindi kita masisisi,
Mas lamang ang galit ko sa sarili
Pilitin mang kumbinsihin
Na ikaw ay nasa tabi ko parin- ngunit huli narin.

Hindi ko mawari,
Bakit kay tamis ng iyong ngiti sa labi?
Bakit kay tunay ng iyong mga tawa?
Hindi ko alam na may problema ka pa lang dinadala.

Patawad kuya,
Patawad sa mapapait na salitang nabanggit
Alam kung huli na,
Pero patawad sa lahat ng dinulot kong sakit.

-🖋️Panda
#TulaNiPanda
@KungFuePhunda

-🖋️Panda #TulaNiPanda @KungFuePhunda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
🖋️Tula ni PandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon