BAHAGHARI

5 0 0
                                    

"BAHAGHARI"
°°°♡°°°
🐼

Pula,
Ako'y tila sakit sa kanilang mata
Sa lipunan ako'y salot
kadiliman sa 'ki'y nakabalot,
iginawad sa 'kin ay galit at poot.

Kahel,
Matagpuan sa munting pirasong papel
kahungkagang  nadarama
Kailan pa kaya magkakaroon ng kulay itong mga mata?

Dilaw,
Palagi na lang nasisilaw
Sa init ng tingin ,
ng mga matang nanghuhusga sa 'kin.

Luntian,
Pagrespeto sa 'kin lamang ang kagustuhan
ngunit tingin sa 'kin ay kadiliman.
Hiling na nawa'y mawala na sa lipunan,
ang presensiya kong walang laman.

Asul,
Kahit minsan marami ang tutol
At marami ang gustong humatol
Sarili ko ay iaangat,
Mata ko'y imumulat.

Indigo,
Alam kong 'di ko na mababago
tunay na sarili'y 'di na matago
Nawa'y ngayong araw ay malinawan,
'di ko naman ito kagustuhan.

Ube,
buhay kong pinilit na ikuble
Nawa'y irespeto at hindi na manatili
ang mga matang mapanghusga,
buhay koy nawa'y tumahimik na.

Ube,buhay kong pinilit na ikubleNawa'y irespeto at hindi na manatiliang mga matang mapanghusga, buhay koy nawa'y tumahimik na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-🖋️Panda
-WP UN: KungFuePhunda
- PLAGIARISM IS A CRIME.

🖋️Tula ni PandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon