SIMULA

373 5 0
                                    

🔞

Hawak ang maliit na sobre, napaisip ako kung magkano nanaman kaya ito? Hinulaan ko base sa kapal nito. 30 thousand?

Umisang hipak pa ako sa sigarilyo bago ito tinapon sa sahig at tinapakan para mamatay. Binuksan ko ang sobre at napangisi sa malulutong na tig-iisang libo. Sumandal ako sa pader ng inuupahan kong apartment at nag-umpisa nang bilangin iyon.

“May padala na Mama mo? May pambayad ka na ng renta?” biglang sumipot ang landlord ko habang may walis tingting na nakaipit sa kanyang kili-kili, mukhang balak magwalis sa bakuran.

Tumitig ako sa luma at butas-butas niyang bestida. “Bayad na ako ah,” kunot-noo kong sagot.

“Aba! May interes ’yon ah! Dalawang linggong delay ang bayad mo, may payb handred ka pang utang!”

Puta, gahaman talaga sa pera itong babaeng ’to. Wala naman iyon sa kasunduan noong kakalipat ko lang dito tapos bigla-biglang mang-iinteres.

“Hinahayaan ko na nga ring manigarilyo ka rito kahit ang daming nagrereklamong estudyanteng umuupa!”

Iritado kong kinamot ang aking tenga gamit ang aking hinliit. Sakit sa tenga ng boses niyang matinis, iyong tipong kahit normal na boses niya lang iyon pero aabot pa sa kapitbahay. Hindi ko alam sa mahal niyang maningil at mang-interes, hindi man lang siya makabili ng bagong damit. Palibhasa, pinansusugal niya lahat ng perang ibinabayad sa kanya, imbes na ipa-renovate itong pinapaupahan niyang inaamag na.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Bahagya akong natulala nang matapos. 25 thousand… noong nakaraang buwan, trenta. Bakit nabawasan? Wala man lang siyang sulat na inilagay sa sobre.

Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa babaeng iyon? Matapos niya akong iwan sa tito kong lasenggo at drug addict, hindi na ako minsan nakarinig mula sa kanya. Nakapagtataka lang kung paano niya ako nahahanap, e nakailang lipat na ako ng tinitirhan. Siguro may private investigator siyang binabayaran para magmatyag sa akin.

Wala na akong pakialam. Ang importante, may pera siyang binibigay. Bukod pa roon, bayad na rin ang tuition sa pinapasukan kong university. Actually, wala na akong problema pagdating sa pera.

At dahil may pera na ako ulit, inaya ko sila Conan at Drake na mag-club.

Alam kong alam na ng magaling kong Nanay na winawaldas ko lang ang pera niya sa mga bisyo at babae.

Dalawang taon akong tumigil sa kolehiyo. Na-suspend ako dahil basagulero ako noon, tinamad na rin ako ngunit mas lalo akong nabagot na walang pinagkaka-abalahan.

Hindi ako nakarinig sa kanya, siguro kasi wala siyang pakialam kung paano ko sayangin ang buhay ko, gusto lang talaga niyang tumayo bilang ina ko sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng pera.

Napaisip ako kung nakaasawa siya ng sobrang mayaman sa ibang bansa.

“Uhm… Oh. Oh, yes…” halinghing ng babaeng nasa ibabaw ko habang kinikiskis ang kanyang sarili sa akin.

Nilakbay ng mga kamay ko ang bawat sulok ng kanyang katawan. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa loob ng kanyang manipis na damit at nilamas ang mga suso niya.

“Ang laki ah. Natural ba ’to?” tanong ko sa kanya at sinampal iyon.

“Ah! Don’t slap. I spent five hundred K for those!” daing niya.

Hmm. Fake. Inabot ko ang beer at sumandal sa sofa, hinahayaan siyang gumiling sa ibabaw ko. Biglang umurong ang libog ko dahil sa nalaman. Pinanood ko na lang ang mga nagsasayawan sa dance floor at ang pag-hype ng dj sa crowd.

Once Upon a True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon