ONE

451 8 1
                                    

I gave up on my life a long time ago. I surrendered my soul with God, or Satan, or anything that was willing to come and get me.

Bayarang babae ang Nanay ko. Sampung taong gulang ako, alam ko na iyon dahil iba-ibang lalaki ang inuuwi niya sa inuupahan naming maliit na bahay. Rinig ko ang mga ingay nila sa katabing kwarto.

I always see her counting cash after her men leave the house, iyon ang binibigay niyang allowance ko sa pag-aaral. I didn’t judge her for living that way, kasi alam kong hirap siyang maghanap ng trabaho kasi hindi nakapag-aral.

Dose anyos naman ako noong iwan niya ako sa aking Tito. I cried because I didn’t want her to leave, but she doesn’t want me. Kinse ako noong sabihin sa akin ng Tito ko na hindi raw ako masikmurang tignan ni Mama dahil nabuntis ako ng customer niya at hindi napanagutan.

Kaya pala kahit kaunti ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya. I asked her about my father multiple times, lagi lang siyang nagagalit sa akin kaya hindi na ako umulit.

Nalulong naman sa droga ang Tito ko. Nahuli siya at nanlaban kaya nabaril ng pulis. Buti at kaka-graduate ko ng highschool noon. Since then, I lived alone.

My whole life is a fucking joke. I even tried drugs, tried to take my own life. I really can’t live when I have nothing.

After jumping off a bridge, I found myself lying on a hospital bed. They handed me an envelope. It was full of cash, a hundred thousand cash. May kasama pang letter ito.

‘Ieenroll kita sa university. Gamitin mo ’to para makakuha ng maayos na matitirhan.’

Napapikit ako nang mariin at inalala kung ano ang nangyari matapos akong bumagsak sa tubig. I remember passing out and accepted that I was gonna die, but I don’t have any recollection of how am I saved.

“Sinong nagdala sa akin dito?” tanong ko sa nurse na may isinusulat sa clipboard at ine-examine ang kalagayan ko.

“Sir?” she asked back

“Sinong sumagip sa akin at dinala ako rito?” ulit ko.

“Hindi po namin alam, Sir. Nakatanggap lang po kami ng tawag. Naabutan ka na lang po ng ambulansya na walang malay sa kalsada.”

So, he’s keeping his identity hidden?

“Eh ito, kanino galing ito?” sabay angat ko sa envelope.

“Hindi rin po namin alam, Sir. May nagbigay lang po sa receptionist at inutos na ibigay rito sa room number niyo.”

Marahas kong hinablot ang mga nakakonekta sa aking katawan at inalis ang kumot na binabalot ang katawan ko. The hospital gown felt so light—katulad ng pakiramdam ko sa aking ulo. Nahihilo pa ako habang naglalakad palabas ng silid.

Hinabol ako ng nurse pero nagawa ko pa siyang itulak. Nagtanong din ako sa receptionist ngunit wala ni isa sa kanila ang may alam, o siguro ay binayaran lang para manahimik.

“Sabihin mo sa taong nagbigay nito na hindi ko kailangan ng pera niya. Hindi niya ako madadaan sa pera,” sabay hamas ng papel sa harap nila.

Umalis ako roon na paika-ika at nahihilo. Tinatawag nila ako at pinipigilan ngunit wala na silang nagawa nang tuluyan na akong makaalis.

I could’ve died. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat kong nasagip ako. When I was in the water and drowning, fear struck within.

They were right… death is never what we wanted, it’s the feeling inside that needs to be killed.

Since then, I lived my life lifelessly breathing. Parang gumigising lang ako araw-araw, hindi para mabuhay kundi para mag-survive.

At doon na nagsimula ang pag-iiwan niya ng package sa tapat ng pintuan ng aking tinitirhan. Ilang taon na rin ang lumipas, siguro nga ay masaya na siya ngayon kung nasaan man siya. I can’t believe she sent me that huge amount of money when she could barely provide for the both of us before. It's funny how she pays for abandoning me years ago.

Once Upon a True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon