Wounds don’t always heal over time alone. Sometimes, healing requires the determination and willingness of a person. If you don’t wanna let go, and hold on to the things that hurt you, wounds will stay open.
Probably the reason why I’m still in agony. I don’t wanna let it go. I don’t wanna let him go. Cause if I did, it will seem like I can be happy even without him by my side. I don’t want that.
“That looks perfect on you, hija. You’ll probably be more beautiful than your mom.”
Humagikhik si Mama at siniko ang katabing lalaki. “Ganyan din ako kaganda noong kabataan ko, ano.”
Nangangati ang katawan ko sa dress na suot. Kasalukuyan akong sinusukatan ng dress para sa nalalapit na kasal ni Mama. It’s a bit tight and my boobs are being squeezed. Sinabi ko iyon sa kanila ngunit hindi naman daw masyado at maganda nga raw. Lahat ng komento ko ay hindi nila pinakikinggan.
Ang dami pa nilang sinasabi habang walang buhay akong nakatayo sa harap nila at paulit-ulit na pinapaikot.
“Pwede ko na po bang tanggalin? Nangangati na ang katawan ko.”
“Oh, sure. Get changed!” tapos ay tumingin pa si Mama sa suot niyang relo. “It’s also getting late. Kailangan na nating pumunta sa reservation natin sa restaurant.”
“Huh? Ma, hindi ako pwede. Kailangan kong sunduin si Zoey.”
“Dinner lang. Chin. Ilang oras lang naman ang ilalaan mo. Come on, get changed.”
Hindi pa ako nakakaprotesta pa ulit ay inalalayan na ako ng assistant ng organizer ng kasal papunta sa fitting room. Habang nagbibihis ako ay pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang gagawin ko sa mga nangyayari lately.
Ikakasal na siya at hindi pa tuluyang naipo-proseso sa utak ko ang lahat. Nakapagbigay na rin sila ng invitations. I really don’t know how to feel. I just think this isn’t right.
“How’s work, anak? It’s been a week, ayos naman ba ang experience?”
Kahit ngumunguya sa pagkain ay tumango ako. Uminom ako ng tubig bago nagsalita. “Ayos lang naman, Ma. It’s fun.”
“Pero sigurado ka bang doon mo gustong magturo, hija? You know I can talk to my friend. Kaya ka niyang ipasok sa mas malaking university.”
I smiled and shook my head. “Hindi na po kailangan, Sir. Kuntento na po ako sa kung nasaan po ako ngayon.”
Nagkatinginan ang dalawa sa harap ko. Nahihiyang ngumiti si Mama, at mukhang nadismaya ang lalaking katabi nito dahil sa paraan ng pagtawag ko sa kanya.
“But you’re just an emergency instructor, right? Kapag nakahire sila ng bago ay aalisin ka na. Pumayag ka na lang sa ino-offer ni Greg, magkakaroon ka pa kaagad ng permanenteng posisyon,” ani Mama na siyang ikinasama ng loob ko.
Nila-lang nila ang trabaho ko bilang isang emergency instructor without knowing na ginawa ko ang lahat para lang makapag-apply after kong grumaduate. I got here with my hardwork, and yet all she see is how small this achievement is. Kung nandito lang si Papa…
“I worked hard for it, Ma. And besides, magma-masteral muna ako bago ako papasok sa isang permanenteng posisyon.”
“Alright. But if you need help for your masteral, you can count on me. I will help you,” the man beside my mother said.
Oh… is he talking about money?
“Hindi na rin po kailangan, Sir. Gusto kong paghirapan ang mga pangarap ko. I can manage po.”
“Hija, please, let me help. Gusto kitang tulungan.”
“Ayaw ko po ng tulong niyo,” I answered.