The Pressure of Perfection
Reese's POV
"Woww!"
"Ang galing mo, Reese!"
"Naks, crush ko yan tol!"
Naka-post na ang exam results sa board chart.
Second.
Second na naman ako. Ang dami pang mga tao sa paligid, kinocongrats ako. Nanatili akong nakangiti, hindi ko pinahalatang hindi ako masaya.
Itinuon ko ang mata ko sa results, kung saan ang pangalan ko ay nasa ilalim ng Samantha Renée Vuenavertias.
Ilang buwan nang ganito—simula nang magtransfer siya dito. Ang laging umaangat na top 1. Lihim akong nagkuyom kamao. Nakaka-badtrip. Nakaka-pressure. Lalo na't ang tatay ko ang may-ari ng university. Pumapasok ako sa Mattias International University, or MIU as we call it, and obviously, we own the place. Like, hello, sa name pa lang – Mattias. It's practically ours.
My dad, Alfonso Mattias, was the top student here back in his day. Siyempre, the standards are sky-high kasi nga naman Mattias ka, kaya kahit saan ka lumingon, may nakaabang na expectation. They expect me to be nothing less than perfect. Kaya I have to push myself hard---kahit minsan walang tulog, minsan wala nang kain, kasi my mind is set on one thing... to exceed their standards. Alam ko, it's not exactly the healthiest way to study, but it's my way – and it's the only way to prove myself worthy of the Mattias name.
Lahat, as in lahat, ginawa ko na. Kulang na lang talaga ibenta ko kaluluwa ko sa demonyo, makuha ko lang 'yung Top 1. Pero since nung transfer dito ang babaeng yun. Sya na lagi ang top sa chart board. She's doing it. Every single time, kahit anong pagsisikap at pagod ang ibuhos ko, walang nagbabago. Dati, ako lang ang hinahangaan sa mga klase ko. Ako lang 'yung perfect sa lahat ng exams, pero ngayon, sa tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa itaas, parang nadudurog 'yung lahat ng pinaghirapan ko.
Nakakainis.
Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa likod ng school, malayo sa ingay at tao. Bitbit ko ang itim na messenger bag, nakalaylay ito sa kaliwang balikat ko. Humugot ako ng kaha ng sigarilyo mula sa bulsa, mabilis na nagsindi gamit ang lighter.
Sa bawat paghigop ng usok, ramdam ko ang bahagyang init sa dibdib na parang tinatanggal ang bigat ng buong araw. Sunod-sunod na buga, habang tuloy-tuloy lang akong naglalakad papunta sa park na favorite kong tambayan. Pero sa malayo pa lang, nakita ko na agad na may nakatambay, o sabihin ko'y nakahiga sa paborito kong upuan sa ilalim ng punong acacia.
It's him. Nakahiga siya, mukhang kampante, habang naka-headphones. Wala siyang pakialam sa paligid. Nakapikit ang mga mata. Ang buhok niya, bahagyang ginugulo ng hangin. Tumigil ako sa tabi, bahagyang sinipat siya.
"Sam."
Tawag ko sa kanya, he slightly removed his headphones using his veiny hands. His soft, wavy black hair fell slightly across his handsome face. He had a sharp, pointed nose, a perfectly sculpted jawline, thick eyebrows, and long eyelashes. He was tall—about 182 cm.
Taas ang kilay syang tumingin sakin. "You reek of cigarettes again." He said with a disgusted look on his face. I rolled my eyes—ang arte.
Sam Riley Montesorri. Ang kauna-unahang kaibigan ko, at ang kauna-unahang crush ko. Maarte, reklamador, minsan conyo at palaging bully. He embodies everything I dislike in a guy. But even though I'm not too fond of his personality, his face is exactly my type. We almost quarrel everyday, dinaig pa namin ang mga couple, but in reality, we're not---well, soon to be.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfection
RomanceWarning: The characters in this story are flawed and may exhibit unwanted behavior. At times, the main characters might act irrationally, immaturely, or out of insecurity. Please note that this story is intentionally chaotic.