Chapter 4

105 1 0
                                    

The Price of Desperation

Reese's POV

"M-Ma'am..." nag-aalangan na tawag ni Manang sa akin pagkabukas ko pa lang ng pinto. Napatigil ako sa pag-alis ng sapatos at tumingin sa kanya. Kita sa mukha niya ang kaba, parang may mabigat na bagay siyang gustong sabihin pero natatakot.

"Is something wrong?" tanong ko nang may pagod sa boses, halos wala nang lakas matapos ang isang mahabang araw. Pero mas nanaig ang pagkabahala ko nang mapansin ko ang nanginginig niyang mga kamay. "E-eh si Sir po..." napatingin ako sa taas ng makarinig ng sunod sunod na bagsak ng mga gamit. Na parang may nababasag.

Parang nanggagaling sa taas ng kwarto ni Riley. 

Pilit akong ngumiti kay Manang bago sinabing "Ako na ang bahala," ibinaba ko ang bag ko sa sahig bago nagsimulang tumaas. Papunta sa kwarto ni Riley. Bawat hakbang ang bigat sa dibdib. Hindi pa namin napaguusapan ang nangyari noong nakaraan. 

Napakasakit. Hindi lang para sa sarili ko. Kundi para sa kanya. Pinagkaitan ko sya ng kalayaan. Kalayaan na mahalin ang totoong babae na nagpapatibok ng puso nya.

Hindi sya ganito dati. He turn like this because of me.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto, tumambad agad sa akin si Riley. Nakaupo siya sa sulok ng kama, niyayakap ang mga tuhod habang hawak ang isang bote ng alak sa isang kamay at isang maliit na kutsilyo sa kabila. Para akong tinamaan ng matinding lamig nang makita ko siya sa ganoong ayos—basag, wasak, at halos hindi ko na siya makilala.

"S-Ri... Riley..." mahina kong tawag, nanginginig ang boses ko habang nanatiling nakatayo sa gilid ng pinto. Halos hindi ko makayang lumapit.  Gulo ang buong silid. Nakakalat sa sahig ang mga basag na vase Ang amoy ng alak at sirang porselana ay umaalingasaw sa kwarto.

Habang umiikot ang tingin ko sa paligid, napahinto ako nang mapansin ang isang bagay na mas sumugat sa akin—ang malaking wedding portrait namin. Nakabalandra iyon sa sahig, punit-punit at basag ang frame. Gusto maiyak. Dapat hindi ako nasasaktan. 

Kasi alam ko naman, una pa lang. He doesn't want this marriage.

Huminga ako nang malalim, "Riley..." Basag ang boses ko, hindi ko mapigilan ang pagiging mahina ko. I bit my lips. I don't know where to start. I don't know what to say. Seeing him like this broke me.

"Get out." his voice was cold, distant. 

Parang tinaga ang puso ko sa lamig ng boses niya, at doon nagsimulang tumulo ang luha ko. He was covering his face using his knees and arms. Nanatili ako, kahit hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatiling ganoon—puno ng katahimikan. Then hindi ko na naasahang may mga salitang lalabas sa bibig ko. 

"I-I'm sorry." This time, I'm genuine. My voice was cracked, at the same time, it was soft.

I saw him flinched. 

Like he never expects me to say those words. I bit my lips nang ibinangon nya ang kanyang ulo mula sa pagkakaubob. He looks at me. A string of light was reflecting his eyes. His eyes, it was lifeless. It's breaking me even more. 

"Sorry..." he mumbles in the air while standing. Tinitigan niya ang bote ng alak sa kamay niya, bago siya biglang tumawa—isang mapanuyang tawa na para bang may kinikimkim na galit. Muli nya akong tiningnan, nababahid sa kanyang mata ang pagkasuklam.

"Ano? Bagong pakulo mo na naman?" he ask me with amused smile. I tried to shake my head but he's not listening. "Jan ka magaling, Reese—sa pagpapaawa," kusa akong napabaliktad ng hakbang ng marahan syang lumapit. 

"I'm so done with you, Reese Hershey." Pikit akong napasandal sa malamig na pader nang bigla niyang itinarak ang maliit na kutsilyo doon, ilang pulgada lang mula sa ulo ko. Ramdam ko ang bahagyang pagputol ng hibla ng buhok ko, at para akong nawalan ng hangin. Nanlalamig na ang buong katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa takot o sa sakit na dulot ng mga titig niya.

Perfect ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon