..
Mr. Black
"What did you just say?" Matalim ang mga tinging ibinigay ko sa isang tauhan ko nang dumating siya rito sa opisina ko.
Nag-init ang katawan ko dahil sa impormasyong ibinalita ng tauhan ko. Nakikita ko ang pagmamalaki sa mukha niya habang idinedetalye ang mga nangyari sa pamamaril at pagsunod nila kay Caile.
"Anong ipinag-utos ko? Hindi ba ang takutin lang siya? Bakit niyo hinayaang mangyari yon!?" Sigaw ko at mabilis na lumapit sa tauhan ko at sinakal ito.
Napahawak siya sa kamay ko at hindi makausal ng salita dahil sa pagsakal ko sa kaniya. Nanlilisik ang matang tiningnan ko siya dahil sa katangahang ginawa niya.
"Anong hindi malinaw sa sinabi ko!? Kapag hindi nakaligtas si Caile sa pangyayaring iyon, ihanda mo iyang sarili mo dahil matitikman mo ang higit pa sa kamatayan!" Nanggigigil kong saad at ibinalibag siya sa sahig.
"S-sorry po boss—"
"Hindi ko kailangan ng sorry mo sa katangahang ginawa mo! Masiyado kang bida bida para salungating ang pinag uutos ko!" Sigaw ko rito at tinadyakan ito.
Nanggagalaiti ako sa galit dahil sa sinabi niya. Kakaibang kaba rin ang naramdaman ko dahil sa pagkakaalam ko ay mataas na bangin ang pinagbagsakan ng kotse niya.
Kahit galit na galit ako sa kaniya, kahit gusto ko maghigante sa kaniya, hindi ibig sabihin noon ay gusto ko na siyang mamatay! Ipinangako ko kay Mama na hinding hindi ko pagtatangkaing patayin si Caile dahil kahit anong mangyari ay kapatid ko parin siya!
"Mr. Black, bad news." Pumasok si Ariana, ang secretary ko.
Mababakas ang komplikasyon sa mukha niya at hindi maganda ang pakiramdam ko sa bad news na sinasabi niya. Napasulyap ako sa tauhan kong nakatayo na sa isang sulok bago ako muling tumingin kay Ariana.
"Magsalita ka." Sambit ko at lumapit naman siya sa amin at tumingin saglit sa tauhan ko bago sa akin.
"Sa aking balita, kasama ng kapatid niyo sa kotse ang isang lalaking nagngangalang Daniel." Saad ni Ariana na ikinatigil ko.
Tila ba nagpanting ang tenga ko sa narinig ko at natuod ako sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang labi ko dahil sa isang inosente ang nadamay dahil sa katangahang ginawa ng tauhan ko.
"Kasama si Daniel sa kotse na bumagsak sa bangin...?" Mabagal na tanong ko na tila ba pinoproseso pa ng utak ko ang impormasyong hindi ko inaasahan.
"Yes, Mr. Black. As of now, kalat na ang mga tauhan ni Caile Mulford sa pinangyarihan para hanapin silang dalawa. Sumabog na rin po ang kotseng sinasakyan nila." Saad ulit ni Ariana na tuluyang nagpaalab ng galit sa puso ko.
Sa isang iglap ay nakita ko ang sarili kong nasa harapan ng tauhan ko na may kagagawan sa nangyaring aksidente. Mababakasan ng sakit ang mata niya habang nakatitig sa akin, patuloy ang pagtulo ng dugo niya sa sentido dahil sa nakatarak na punyal dito.
Hawak hawak ko parin ang punyal na ginamit ko para saksakin ang ulo ng tauhan ko. Ni katiting na awa ay hindi makikitaan ang mata ko dahil sa katangahang ginawa niya para mapahamak ang nag iisang kapatid ko.
"Dahil sa kagagawan mo, isang inosente ang nadamay sa aksidenteng idinulot mo. Dadalhin mo hanggang kamatayan ang konsensyang ibibigay ko sayo bago ka bawian ng kamalayan, isang inosente ang inilagay mo sa bingit ng kamatayan at madadagdagan ang konsensya mo kapag nalamang namatay ang inosenteng taong iyon." Malamig at mariing sambit ko bago ko inilabas ang baril ko saka ipinutok ito sa noo niya.

BINABASA MO ANG
The Mafia's Psychopathy [BxB]
AçãoMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy Caile × Daniel ⚠️Credits to the real owner of the photo⚠️