Chapter 1

37 1 0
                                    

[Perlas]

"Bumili na kayo guys..na nasa yellow basket na lahat ng available products ni Ate Jenny. Kaya gora na kayo."  sambit ko habang sinasamahan ko si Ate Jenny sa bodega niya para magbenta sa tiktok kasi mas maraming taong nag oorder sa tiktok shop kesa sa ibang shop kaya ginrab na namin.

"Bagsak presyo na tayo kaya order na kayo.." sabi ni Ate Jenny.

Habang nagvivideo kami sa mga benta ay hindi ko matiis na magbasa ng comments sa baba. May good comments at meron ding bash.

"Sa nagtatanong kung sino ako, kapatid ako ni Jenny sa dugo." sagot ko sa mga comments sa baba.

"Oo kapatid ko si Pat, ang kaibahan ay Chinese ang papa ko. Gets ba?" singit ni te Jenny.

Mas bumabaha na naman ang mga siraulong walang magawa sa buhay. Haaays.

"Punyeta kayo ha... Grabe kayo sa amin ha.. Hindi kami SPY!!!" natatawa naming sabi.

"huwweeeyy bibig mo HAHAHA! may magtitrending talaga anytime." dagdag naman ni Ate.

"HAHAHAAHAHA!!! sige order lang kayo ng order para sa kinabukasan ng Pilipinas at ng bunsong kapatid namin.. GO!"

Iniwan ko na muna ang chinita para makabenta siya ng maayos kesa masira ang liveselling niya dahil sa bunganga ko.

Mayamaya lang ay dumating si Christian na mukhang stress na naman wala namang bago stress pa rin naman kahit normal days lang.

"Hoy Christian! Ano na naman ba ang kastressan mo ba?" tanong ko.

"Stress na ako sa pag aaral ko sumabay pa si Papa. Hihinto na lang kaya ako at tutulungan ko na lang si Ate Jenny magliveselling." hindi pa nga ako nakasagot sa kanya ay kotong na agad ang abot niya sa akin.

"Baliw ka ba.. Wag mo na nga isipin ang papa mo na ang hirap hagilapin. Ako nang bahala sayo okay.. Ako na ang kakayod para sa pag-aaral mo Christian." paliwanag ko sa kanya.

"Mabuti nga si Kuya Jinho kasi tanggap siya ng Koreanong tatay niya eh ako meron nga pero bigla na lang nagbago." usal ni Christian. Naawa naman ako sa kanya kaya niyakap ko na lang ang kapatid ko. Hahanap talaga ako ng paraan para hagilapin yang tatay ni bunsoy hindi pwede hindi aaksyunan. Ayoko sana ng gulo kaso kailangan kasi may karapatan din naman si Christian sa kung anong meron ang tatay niya.

💠KINABUKASAN💠

Pinuntahan ko si Tito Cristan sa kanyang opisina. Kilala naman ako ng staff nila kasi ako ang laging kasama ni Christian para kunin ang sustento sa kanya.

"Ms. Pat, hello po. Pasensya na po at di na namin kayo papasukin kasi bilin ni Ma'am po eh." sabi sa akin ng front desk.

"Aba'y bakit daw??? Eh kapatid ako ng anak ng asawa niya at kahit di kami pareho ng ama importante sa akin ang kapatid ko. At dapat gawin niya ang reeposibilidad niya kay Christian bilang ama!" singhal ko.

"Utos po kasi ni Madam Happy po." di naman ako pwede magalit sa staff kasi ginagawa naman nila ang trabaho nila.

Kaso nga itong Happy na ito ewan ko na lang ang layo niya kay mama tssss... Happy nga ang pangalan pero ang ugali naman ay hindi Happy tss..

"Janna, anong nangyayari jan bakit may naririnig akong ingay jan." narinig ko ang boses ng babaeng nagban sa amin dito, ang pangalawang asawa ni Tito Cristan.

"Maingay po talaga kasi sino ba naman ang hindi magagalit dahil sa pagbaban niyo sa kapatid ko at pinatigil niyo pala ang pagsustento ni Tito Cristan kay Christian anong klaseng tao ka po!? mahilig na po yata kayo nangsusulsol!" kahit galit ako may respeto pa rin ako jan sa kanya.

BardaChronicles: Laging Naroon Ka [Niko & Perlas]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon