PROSE: Natatanging Binata

35 4 0
                                    

Natatanging Binata

*⁠.⁠✧∘⁠˚⁠˳⁠°✧⁠*.⁠。⁠*♡


Hindi na matandaan kung kailan tayo'y pinagtagpo ng tadhana. Sa mundong kay hirap magtiwala. Ika'y nakilala isang binatang sa aki'y nagbigay ng saya; hiwaga'y nadama.

Hindi ka basta-basta; oo, ika'y naiiba sa aking mga nakilala. Sa iyong katangian mabibihag kahit sinong dalaga. Aaminin ko, isa rin ako sa kanila.

         Gusto kita...

         Mahal kita...

Sana ay kaya ko itong aminin sa 'yo ng harapan. Ngunit takot akong iyo akong layuan. Naroon din ang takot na baka ako lang ay masaktan. Iba talaga kapag pag-ibig na ang usapan.

Ngunit ngayon hayaan mong sa iyo'y aking ipaalam. Puso kong ito ikaw tanging inaasam. Mahal kita hindi man siguradong ako'y iyo ring magugustuhan. Ngunit alam kong sigurado na sa aking nararamdaman.

Minamahal kita ikaw ma'y nakilala ko lamang sa social media. Tuwing kausap kita, ramdam kong ako'y mahalaga. Nararamdaman sa iyo lalo lumala nang maranasan ko iyong kalinga. Mahal kita, natatangi kong binata.

Oo, inaamin ko, mahina ako 'pag dating sa 'yo! Ngunit nagpapasalamat pa rin ako. Hindi lang dahil narito ka tuwing kailangan ko. Kundi dahil naging parte ka ng buhay ko.

Kulang ang salita ilagay man ito sa nobela o tula. Ngunit hayaan mong iparamdam ito sa pamamagitan ng kilos ko't gawa.

Mahal kita, natatangi kong binata.

Love Me In Batangas (Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon