CHAPTER 2

14 1 0
                                    


Ilang araw na akong nag aalala sa ID ko, chinat ko na ang aking school na nawawala ang ID ko at magbabayad ako para sa bago. Ngunit ilang araw pa akong mag aantay para makuha ko. Wala ulit pasok ngayon kaya gumaan pakiramdam ko, kasi kung may pasok ngayon ay baka hindi ako papasukin sapagkat sobrang strikto ng aming security guard.. Kaya nga security guard eh

Habang ako ay kumakain biglang nag notif ang cellphone ko na naka charge sa likod ng TV. Hindi ko muna ito pinansin at pinagpatuloy ko ang aking pagkain, baka pag kinuha ko cellphone ko, batuhin pa ako ng nanay ko ng tsinelas.

Pagkatapos ko kumain ay pinaligpit na sakin ng aking Ina ang pinagkainan namin at pinapahugas sakin ang mga plato't baso.

"Sana may pasok na ulit ako araw araw, para hindi na utos nang utos sakin si Madam Ursula dyan, tatanggapin ko kahit sabado at linggo may pasok ako" Parinig kong sinabi habang naghuhugas ng plato

"Hoy! Alalahanin mo ako naglabas sayo sa pribadong parte ng katawan ko, alam mo ba kung gaano kahirap yon!" Pabirong sinigaw ng aking Ina, "Edi ibalik mo ko sa loob tas wag mo na ko ilabas, edi di kana nahirapan nyan"

Binato ako ng tsinelas ng aking Ina sa inis. Hindi naman ako nagagalit sakanya o naiinis, sarap lang talaga nya asarin.

Kahit na wala kaming tumatayong tatay dito sa pamilya, masaya pa rin kami. Ang nanay ko ang nagsisilbing ama at ina para saamin. Kaya saludo ako sa kanya, kahit sa sobrang hirap at sakit na naranasan nya, tumayo pa rin sya para sa amin. Siya ang itinuturing kong strong independent woman ng buhay ko at naming magkakapatid.

Na kahit na walang tigil ang ulan at kidlat ngayon, gumagawa pa rin sya nang paraan para maka kain kami. Patay gutom kasi kaming magkakapatid pero mabuti nalang may Ina kaming masarap mag luto.

Natapos na nga ang aking ginagawa at kinuha na ang cellphone, binuksan ko ang messenger at nakitang may chat ang aking kaibigan at may isang notification sa message request ko.

Binalewala ko nalang ang nasa message request ko at binuksan ang message ng kaibigan ko.

"Huy, bakla ka.. Nakita mo ba yung freedom wall post ng school natin sa fb?" Message sa akin ng kaibigan ko, eto namang si gaga walang kaalam alam, na-curios ako.. Bigla akong napa bukas ng fb at hinanap ang recent post ng freedom wall namin

"Hello, if ever man po may ka-close si Carla De los Reyes dito.. Pasabi po naiwan nya ID nya sa may loob ng tren ng LRT dito sa Vito Cruz, baka po kasi di sya papasukin guard pag nag pasukan na" Ani ng anonymous post dito sa fb, napa isip ako kung sino iyon pero bigla kong narealize, Baka yung lalakeng nakasabay ko yon.. O ibang tao?

"Baka di sya yon, baka nagpost lang yan don kasi may pangalan ng school yung ID namin" sabi ng isip ko at natulog na lamang, habang nakapikit ang aking mga mata ay mayroon ako biglang napanaginipan. Mayroong mukha ng lalaki ang lumapit saakin at sinubukan akong halikan.

Bigla akong nagising.. Nagulat ako sa panaginip na naranasan ko, iniisip ko nang iniisip kung sino ang lalaking iyon, namu-mukhaan ko siya pero hindi ko siya kilala. Kahit panaginip lang sya, gusto ko ulit syang maranasan.. Eme. Hays ewan ko ba, kung ano ano nalang mga napapaginipan ko. Natulog na lang ako muli at inaantay bumalik ang panaginip na naranasan ko kanina.

Tumilaok na ang manok at di pa rin ako gumigising.. "Hoy babaita! Gumising ka na at mag uumagahan ka pa senyorita!" Sinabi ni mama at sinubukan niya akong gisingin nang gisingin hanggang sa nag wisik na sya ng tubig sa aking mukha.

Akala ko nanaginip lang ako na nasa swimming pool ako dahil sa alat ng lasa ng tubig, hanggang sa nagising ako at nakitang winiwisikan ako ng tubig ng nanay ko "Ano ba yun?" Sinabi ko sa aking Ina.

"Aba aba, na-istorbo ko ata ang iyong tulog, Senyorita? Magandang umaga ah naka handa na ang kakain mo sa kusina" Ani ng aking Ina na may pagtaray ang kilay. "Ay hehe sorry" Kinamot ko ang aking ulo sa sobrang hiya.

Tumayo na ako't pumunta ng banyo para maghilamos at mag sipilyo, kahit di pa ko kumakain nag s-sipilyo na, ganun talaga pag maalaga sa sarili, eh ikaw ba nag t-toothbrush ka ba? Eme

Grabe ang lakas pa rin ng ulan ngayon, halos dalawang linggo nang bumabagyo dito, di ko na alam kung kelan to matatapos. Habang tumatagal, natatakot na ako.

Iniwan nanaman ako mag isa nila mama dito sa lamesa, antagal ko daw kasi kumain, kahit sa school, matagal rin ako kumain. Hindi ako maka kakain hanggat walang pinapanood. Para akong spoiled brat sa ugaling pinapakita ko sa hapag kainan.

Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko ang message request na nag aantay sa messenger ko, dahil sa kuryusidad ay naisipan kong buksan na ito.

Nakita ko ang pangalan nya ay Klee at sya'y matangkad, singkit, mestiso, namumukhaan ko na sya yung nakasabay ko sa tren na may kapareho kong ID lace.

"Hello, ikaw ba si Carla? Nahulog ata ID mo or naiwan mo sa may LRT, buti nalang nakita ko. Nagpost na rin ako sa freedom wall kaso baka hindi mo pa sya nakikita" Message sakin ni Klee, 4 days ago pa. Antagal ko palang hindi na-seen yung message nya. Hard to get yarn?

Nag message na ako "Huyy, salamat ha! Sorry, ngayon lang ako nakapag reply sayo, sobrang busy ko kasi ngayon eh" at inantay ko ang message nya.

Ilang oras na nakalipag wala pa rin syang respond sa sinabi ko.. Teka, bakit ba ako nag aantay eh di ko naman jowa to? Ay, sabagay nasa kanya kasi ID ko.. Antayin ko nalang.

Umabot na ang gabi kakaintay ko sa message nya, halos pumi-pikit pikit na ako sa antok, pero inaantay ko pa rin.. Hanggang sa nag message na sya sa kalagitnaan ng gabi.

"Hello, sorry I was asleep kasi, ngayon ko lang na check haha." Message nya sa akin. Ano ba sya? Bampira ba sya? Gising sa gabi tulog sa umaga? Nasisira na body clock ko dahil sakanya eh "Ah, okay lang! I was wondering lang if kelan ko pwede makuha ID ko hehe" Sabi ko sakanya dahil atat na atat na talaga akong makuha ang ID ko dahil nakalagay sa likod ng ID ko ang simcard ko.

"Anytime pwede, san mo ba gusto? We can grab a drink din, if you want. My treat" Message nya sa akin, Grabe ano ba ang kinain ng magulang neto at napaka maginoo nya? Grabe naman ng ugali nitong lalaking ito, mala AU sa tiktok ah.

"Ay hala, okay lang, no need to treat me, gusto ko lang makuha yung ID ko" Minessage ko sakanya kahit gustong gusto kong ilibre nya ko, dahil gutom na gutom na rin ako. Dapat syempre pa hard to get tayo, pero kung kilala ko to sa personal baka um-oo na ko.

"Ah, alright. When and saan mo gusto tayo magkita?" Sabi nya. Siguro sa harap ng altar hehe. HALA EME LANG baka may girlfriend na to, sapakin pa ko ng gf nya.

"Siguro doon nalang sa Coffee Shop sa Vito Cruz, tommorow na rin if pwede" Sabi ko sakanya dahil gusto konang tumakas dito sa bilanggo which is yung bahay namin hahaha.

"Ah sure, see you soon" sabi nya. Hindi ko alam kung kilig ba tong nararamdaman ko o ewan... Huy! Di mo pa kilala yan masyado, hindi ka nya rin kilala at nakikita sa personal kaya wag kang OA. Platonic muna tong relationship, antayin nalang natin maging romantic.. Eme

Bakit ako ngumingiti? Bakit ngumingiti si self, right now? Anong meron self? Bakit abot tenga yang ngiti mo? Anong meron? Nababaliw kana ba, self?

Nawala ang antok ko dahil sa nangyaring yon, sabi ko na masisira body clock ko sakanya eh. Hay nako, Klee.. Ano ba tong naging tama ko sayo, hindi na to ulo eh.. Puso na. EME ang oa. Bat parang ang bilis naman self? Dapat dahan dahan lang tayo dito. Take it slow and easy.

Parang hindi ko kayang mag antay hanggang bukas, gustong gusto ko nang makita... yung ID ko syempre, nam-miss kona sya eh, ilang araw na rin kaming di nagkikita, ilang araw ko nang hindi nahahawakan ang ID ko. Grabe na tong pangungulila na nararamdaman ko sa ID ko, feeling ko jowa ko na sya, ayaw ko syang mawalay sakin. OA talaga beh

Hindi ko namalayan ang oras, alas tres na pala.. Binilisan kong matulog dahil sabi sa mga kasabihan na dito daw nagsisigalaan at nabubuhay ang mga spirito, kaya habang buhay ko na rin nasa isip ang sabi sabi na yon. Nakakatakot talaga. Parang kailangan ko ng hug habang tulog, parang kailangan ko si K... eme

Love in the Eye of the StormWhere stories live. Discover now