"Grabe talaga ang lakas ng bagyo ngayon" ani ko sa aking isip habang nakatulala sa harap ng bintana, tinitignan ang bawat patak ng tubig na lumalabas sa ilalim ng ulap at ang mga kidlat na nagsisi-lakasan at nagdadamihan. Marami nang dumaan na bagyo dito sa aming bansa pero eto talaga yung pinaka malakas na naramdaman ko.. Halos nag red rainfall warning na dahil sa kanya.
Ilang araw nang suspendido ang mga paaralan dito sa lugar namin, kahit sa ibang lugar ilang araw narin silang hindi nakakapasok, parang andami konang na miss na lessons. Namimiss ko na rin mga kaibigan ko, pati na rin mga guro na malapit sa aking puso. Ilang araw na akong nangungulila..
"Isay, bumili ka nga ng toyo doon kela Aling Bebang" sinigaw ng aking Ina na nasa kusina. Bumaba ka agad ako ng kwarto noong narinig ko ang napaka lakas na boses ng aking Ina. Para bang may mikropono sya sa loob ng kanyang baga "Paano ako bibili kung ang lakas ng kidlat sa labas? Baka makidlatan pa ko.. Mawalan kapa ng magandang anak hays" ani ko sa aking Ina na para bang gusto nang mawalan ng anak, kaka-utos bumili sa labas kahit alam na sobrang delikado sa kalsada.
"Nako, kung tinatamad ka lang, ako nabibili" sabi ng aking Ina at biglang sumimangot at nagtaas ng kilay saakin. Kasalanan koba na takot akong lumabas ngayong bumabagyo?
Umakyat akong muli ng kwarto at nakinig nalang lamang sa musika, habang tumutugtog ay bigla akong napaluha dahil naalala ko ang mga oras at pangyayari na kasama ko ang aking mga kaklase. Iba talaga ang aking saya pag ako'y nasa loob ng paaralan. May tawanan, iyakan, galit, basta parang buong emotions na ata ng Inside Out andun na. Plastik man pakinggan pero namimiss ko na talaga sila.
Iba naging tama sakin ng bagyo na to, halos parang galit at lungkot nalang ang nararamdaman ko, naaawa ako sa mga hayop na walang masilungan, mga taong walang tahanan at binabaha ang lugar, abot leeg na nga ang baha sa ibang lugar. Nakakaawa.
"Ang boring." Halos ilang araw ka ba naman nakukulong dito sa bahay, sinong hindi mab-bored don? Para akong nabilanggo sa sitwasyon ko ngayon. Hays, nakakainis.
Nagpaikot-ikot, gumulong-gulong, at kung ano ano pa ang mga ginagawa ko sa loob ng kwarto. Naka-ilang nood na rin ako ng paborito kong teleserye, konti nalang magsasawa na ako rito.
Habang nag s-scroll ako sa IG, nakita ko ang bagong post ng paborito kong coffee shop, nakita kong may bago sila release na kape. Hindi ko kayang hindi tikman to.. Agad agad akong nagpalit ng damit at kumuha ng kapote at payong.
"Hoy babae! Saan ka pupunta? Akala ko ba ayaw mong lumabas?" Sabi ng aking Ina na may pag taray at pagtaas ng kilay. "May pupuntahan lang, uuwi rin ako maaga" Sabi ko at sabay bukas ng payos at lumabas na.
Medyo malayo layo ang coffee shop na gusto ko kaya nagc-commute pa ako, buti na lang at hindi bumaha dito sa amin, minsan kasi ay bumabaha, abot pa nga hanggang tuhod, pero sa ngayon hindi bumaha.
Ang sabi nga ng mga kaibigan ko na kapag suot mo ang school ID mo ay makaka discount ka pag nagc-commute, akala ko nakalimutan ko na ID ko. Pagtingin ko sa bag ay nandoon pala, Hays buti naman.. 500 pesos lang kasi ang dala kong pamasahe at pang kain.
Habang naka pila na ako sa bilihan ng ticket para sa tren ay nanonood ako ng tiktok at tumatawa sa pinapanood, madami nang tumitingin saakin, iniisip ata na baliw ako at tumatawa mag isa.
Nakabili na ako ng ticket at nag aantay para sa tren, may lalaki na asa tabi ko at nakita ko ay naka ID din sya, pinipilit kong ipantay ang vision ng mata ko at nakita ko na parehas kami ng ID lace. "Hala, bakit parehas kami ng ID? Baka kaparehas ko sya ng school pero di ko lang sya nakikita?" sinabi ko sa isip ko. Buti nalang at hindi ko suot and ID ko baka mapansin nya rin.
Dumating na nga ang tren, as expected.. Marami nanamang tao, yung iba mga basa pa..makikipag siksikan nanaman ako. Bumukas na ang pinto ng tren at sinubukan makipag siksikan sa mga tao sa loob. Kahit sobrang baho ng amoy dahil sa mga kili kili nilang naka taas ay pinilit ko pa rin, pinilit ko basta mapuntahan lang ang coffee shop na yon.
Huminto na ang tren, at noong huminto ay nagsi-urong ang mga tao, may iba rin na naganan nila ang katabi nila. Gusto kong tumawa pero bawal, baka awayin ako.
Akala ko makakasabay ko yung lalaking may kapareho na ID lace sakin, pero sa ibang station pala sya, sayang tatanungin ko sana.
Grabe talaga ang lakas ng ulan, halos masira na ang payong na hawak ko, may mga tao akong nakita na nagtatrabaho parin kahit sobrang lakas ng ulan at hangin, siguro kung ako ang presidente, hindi ko sila pag tatrabahuin sa gantong sitwasyon.
Habang ako ay naglalakad, binuksan ko ang aking bag at sinubukang kunin ang nagtatago kong lipbalm, habang kinakalikot ko ang aking bag ay naramdaman ng kamay ko na walang ID, iniwan ko kasing naka bukas ang bag ko kanina.. Nahulog ata ID ko.
Bumalik ako sa LRT at nagtanong sa guard kung may nakita ba silang ID na nahulog, at sa kamalasan ko ay wala daw silang nakita..
Binalewala ko nalang ang nahulog kong ID kahit deep inside nas-stress ako, di ko kayang pumasok ng eskwelahan na walang ID, hinayaan ko nalang at bumalik muli sa pupuntahan ko.
Sumakay uli ako ng jeep, iniisip kung saan nahulog ang ID ko, dalawa ang nasa isip ko kung na saan ang ID ko, nasa isip ko ay baka may kumuha o baka nahulog doon sa gap na nasa malapit ng tren. Siguro kung doon nahulog ay sira na ang ID ko, nasira ng mga gulong na mabibilis.
Malapit na ako sa pupuntahan ko at nakaramdam ako ng saya sa isip ko, nawala bigla sa iniisip ko ang ID kong nawawala, nakakawala pala ang stress kapag makukuha mo na ang gusto mo.
Binuksan ko na ang pinto ng coffee shop at binati ako ng barista doon, kilala ako ng mga nagttrabaho pati na ang barista doon, regular kasi ako sakanila. After school ay dumederetso ako sa coffee shop nila at dun na ko kumakain at nag aaral, masasarap kasi ang mga kape na ginagawa nila, hindi ko na rin sila masisi kung madalas madaming tao ang dumadayo sa shop nila, sarap kasi.
Habang ako ay humihigop ng aking kape ay biglang pumasok sa isip ko kung sino ang lalaking naka sabay ko sa tren na mayroon parehas na ID lace sakin.. Pumasok rin sa isip ko kung saan napunta ang ID ko, at iniisip ko rin ang gwapong barista na gumagawa ng kape. Gwapo kasi.
"Sana naman may makakita ng ID ko at mabalik sakin.. Patay ako sa nanay ko kapag nalaman nyang nawawala ang ID ko" Sinabi ko sa aking sarili "Okay lang yan, may makaka kita rin nyan, kalma kalang" Sabi ng gwapong barista. Narinig nya ba ko? Masyado bang malakas ang boses ko? Nako, nakakahiya, nakita nyang kinakausap ko sarili ko.
Pagtapos ko kumain ay nagpaalam na ako sa mga nagttrabaho sa cafe at umuwi na.. Baka mapagalitan pa ako ng aking Ina, anong oras na...
YOU ARE READING
Love in the Eye of the Storm
Romansa"Kahit walang tigil ang lakas ng ulan, walang tigil ang lakas ng himpapawid, gagawa ako ng maraming paraan para makita kang muli." Dalawang magka-iskuwela, walang alam sa isa't isa. Ngunit ang tadhana ay pinagsama sila, dahil lang sa nahulog na ID a...