-33-

133 6 0
                                    

..

Daniel

"Yung totoo? Saan tayo pupunta?? Masiyado nang masukal itong gubat, sir Caile! Baka may biglang tumuklaw sa akin dito! Hindi nga ako namatay sa pamamaril, namatay naman sa kamandag." Pag-angil ko habang nakabuntot kay sir Caile na may hawak na kahoy pang hawi sa mga hala-halaman.

"Pwede ba, huwag kang maingay! Mas lalo tayong makakakuha ng atensyon ng mababangis na hayop sa ginagawa mo." Singhal nito sa akin na ikinanguso ko, "Isa pa, stop calling me 'sir'. I'm not your boss or something in here." Aniya kaya napahinga na lang ako ng malalim.

"Oo na lang." Sabi ko at nagtingin tingin sa paligid at puro puno at halaman lang ang nakikita ko, ang kati kati pa ng mga damo sa paanan!

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Caile sa masukal na gubat. Hindi ko alam sa lalaking to kung saan kami pupunta dahil ang tahimik niya kanina pa, puro rin siya mura na hindi ko naman alam kung bakit.

"Nagugutom na ako." Saad ko habang naglalakad at nagtitingin tingin sa paligid baka may makita akong puno ng prutas dito.

"We'll look for the food first, we need some strength." Biglang tigil ni Caile kaya nabunggo ako sa likuran niya.

"Aray ko naman! Huwag ka naman tumigil nang biglaan, alam mong may kasunod kang tao." Angil ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, maging alerto ka rin kasi." Pangangaral pa nito sa akin na nginiwian ko.

"Oh edi sorry, boss!" Sarkastikong tugon ko at inirapan siya, "Tara na at maghanap ng makakain dahil nagugutom na ang dragon sa tiyan ko baka ikaw pa ang makain ko." Singhal ko sa kaniya at nilagpasan siya.

"I won't mind." Sabi niya habang nakasunod sa akin kaya natigilan ako at tumingin sa kaniya.

"Anong 'I won't mind'?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko ang malokong ngiti niya.

" I won't mind if you'll eat me." Aniya kaya napangiwi talaga ako ng sobra at pinakita ko sa kaniya ang pandidiri.

"Sa mga ganitong pagkakataon ka pa talaga naging manyak?? Magtigil oi! Di tayo talo!" Anas ko at tinalikuran na siya, narinig ko pa nga ang paghabol niya.

"What? You started it first!" Depensa niya kaya marahas ko siyang tiningnan.

"Ikaw ba'y may saltik? Literal ang ibig sabihin ko roon, ano gusto mo chop-chopin na kita nang mailuto na kita?" Tanong ko rito at akma siyang lalapitan nang bahagya siyang napaatras.

"I didn't know that you're this sadist." Sambit nito at may nahihiwagahang tingin sa akin.

"Talaga! Lalo na't nagugutom ako rito." Aniko at makahulugan ko siyang tiningnan at sumilay ang mapaglaro kong ngiti sa labi.

Nakita ko ang pangamba sa mukha niya, "Ohh look! I think I saw some fruit tree!" Anito at itinuro ang isang direksyon at walang pasabing nilagpasan ako sa paglalakad.


Nasundan ko siya ng tingin at naiiling na tumatawa sa sarili. May takot din pala ang mokong akala mo kung sinong matikas!

"Hoy! Hintayin mo ako damuho ka!" Sigaw ko at nagmamadaling tumakbo palapit sa kaniya dahil baka may ahas pang bumulaga sa akin dito.

Makalipas ang ilang sandali ay nagmamaktol na naman ako kay Caile dahil hanggang ngayon ay wala kaming makitang makakain! Palusot lang pala yung sinasabi niyang fruit tree keme keme!



"Bakit kaya hindi tayo bumalik sa ilog na pinaggisingan natin? Siguradong may isda ron!" Suggest ko sa kaniya at na ikinatigil niya.

"Wow, naisip mo rin sa wakas." Walang ganang sabi nito na ikinangiwi ko.

"Ibig sabihin naisip mo na yan? Eh bakit hindi pa tayo napunta ron?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko ang pagbuntong hininga niya.

"That's the problem, I don't know where's the right path towards that river!" Asik nito at sumandal sa isang puno.

"Hindi ba tayo malapit kanina sa ilog?" Tanong ko sa kaniya at nakita kong napaisip siya.

"Not really." Kibit balikat niyang sabi, nawalan ako ng ganang tumingin sa kaniya.


"Yun naman pala eh bakit dito ka pa nagpunta sa loob ng gubat??" Nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya, nakita ko ang pag iwas ng tingin niya.


"I don't like local fish." Anito na ikinataas ng kilay ko.


"At naging choosey ka pa sa lagay nating to? Huy! Magising ka kahit kaunti na wala kang taga silbi ngayon!" Anas ko at naiinis na nilapitan siya at saka hinila.


"Saan mo ako dadalhin?" Tanong nito sa akin na ikinatigil ko at tumingin sa kaniya.


"Saan pa? Edi sa pinanggalingan natin! Boplaks ka rin pala eh no?" Nauurat kong sabi sa kaniya, nakita ko naman ang nanghihinala niyang tingin, "Ano namang tingin yan??" Nakakunot ang noong tanong ko.

"You knew the way back?" Tanong nito sa akin na ikinaikot ng mata ko.

"Malamang! Naglagay ako ng palatandaan sa mga dinaanan natin kanina habang naglalakad, wala rin naman akong tiwala sayo dahil anak mayaman ka." Sagot ko sa kaniya at nagsimula nang maglakad ulit.

"You sure about this, huh?" Hindi parin siya naniniwala!

"Kung ayaw mong maniwala, sige ikaw mauna sa pagbalik. Tingnan natin kung hindi ka maligaw." Panghahamon ko sa kaniya at tumigil pa talaga ako para paunahin siya pero tumigil din siya at tinitigan lang ako.

Napasinghal na lang ako bago naglakad ulit papunta sa direksyong nilagyan ko ng mga dahon. Tama instinct ko na maglagay ng dahon sa bawat dinadaanan namin dahil sa habang tumatagal ay walang kasiguraduhan ang patutunguhan namin.

Habang naglalakad kami pabalik ay biglang nagtanong sa akin si Caile na naging dahilan para ako'y matigilan.

"Okay na ba yung sugat mo?" Tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa braso ko.

Tumango ako, "Medyo um-okay naman siya pero kita ko yung pamamaga nung parteng may sugat, kailangan niya ma-disinfect." Sagot ko sa kaniya at siya naman ang tinanong ko.

"Don't worry about me, hindi ko naman hinahayaan na madumihan." Sabi niya kaya napatango tango ako.

"Pero dapat nilagyan mo parin ng cover." Sabi ko at hindi naman na siya sumagot kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.

Habang naglalakad ay biglang sumagi sa isip ko kung paano kami nakaalis ng kotse at paano kami napunta sa ilog kaya humarap ako kay Caile na nagmamasid lang sa paligid para tanungin ito.

"May tanong nga pala ako. Paano tayo nakaalis ng kotse?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Tumalon." Simpleng sagot niya, hindi ako sumagot at tinitigan lang siya para iparating na naghihintay pa ako ng sagot niya kaya napilitan siyang magsalita pa, "Habang patuloy na bumabagsak sa batuhan ang kotse ko ay nagawa kong tanggalin ang seatbelt natin at kinuha kita para makatalon palabas ng kotse, hindi ganon karahas ang pagtalon natin pero matarik yung bangin kaya nagpagulong gulong tayo, akala ko nga puro bato at puno ang ibaba ng bangin pero ilog pala." Pagpapatuloy niya kaya napatango tango ako.


That makes sense kung bakit kami napadpad sa gitna ng gubat at bundok. Ang iniisip ko na lang ay kung alam na ba ng ibang tao, lalong lalo na ang mga kilala namin ni Caile ang nangyari sa amin.

At kung alam na nila, hinahanap na ba nila kami? Pinaghahanap na ba nila kami? Kung ganon na nga ay sana makita na kami rito dahil ayaw ko magpalipas ng gabi rito sa gitna ng gubat dahil hindi ko sigurado kung anong naghihintay sa aming panganib kapag nagtagal pa kami rito.



"Nandito na tayo!" Natutuwa kong sabi dahil paglagpas ko ng puno ay napansin ko na ang may pirasong tela na mula sa tuxedo ni Caile noong tinalian niya yung braso kong may sugat.

"Wooh! Thanks."

0_0

______<33>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon