Chapter 3

120 5 0
                                    

Matapos kong magpaalam sa kanila tumakbo na lang ako ng tumakbo. Nakakainis di ko naman talaga gusto si David eh. Oo nga, pogi, matalino, mabait. Boyfriend material talaga. Pero wala talagang talab sakin yan, alam mo yung si Mr.. MV talaga mahal ko, ewan ko ba ang gulo.

*Bogsh!

"ARAY NAMAN !" (O_O) !!!

"Sorry! Sorry! Di ko sinasadya sorry talaga!" Sabi ko dun sa babae na nabunggo ko. Nagpapagpag pa din siya ng damit niya ng makita ko na mukha niya..

(-__-)

"Ay, binabawi ko na pala sorry ko."

"Kahit kelan ka talaga Mirai! Di mo ba ko nakita?!"

"Aba, edi sana kung nakita kita sana di kita nabunggo diba? At kung nakita mo na din pala akong naglalakad edi sana umiwas ka na!"

"Ang kapal din pala ng mukha mo! Palibhasa isa't kalahating malanding nilalang ka lang eh." Nagpintig naman tenga ko sa sinabi ni Stella. Itong babaeng to ang laki ng problema pagdating sa mga lalaki. Ang laki ng issue niya eh, about David. Saksak niya sa baga niya. Ines. Nilapitan ko siya.

"Alam mo-- Stella. Di ko kasalanan kung ako ang gusto ni David at hindi ikaw. Kaya kung may problema ka, kausapin mo si David. Di ko kasalanan kung sadyang di mo ko.. katulad." Kitang kita ko sa mukha ni Stella na inis na inis na siya. HAH! Dapat lang, bago pa ko makaalis tinignan ko muna siya ulo mukhang paa-- ay este ulo hanggang paa atsaka umalis.

Aga - aga bwisit na bwisit na ako. Una yung kay Mr. MV sumunod yung kay Stella. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila na Oi di hamak na mas mahal ko si Mr. MV kesa dyan sa pinagmamalaki niyong David! Pero baka magtaka pa sila kung sino si Mr. MV at pagkamalan pa kong sabog (-___-). Makapunta na nga lang sa room. Pagkadating ko sa room, nandun na din naman sila Dara pati si Brian.Nandun pala kami sa last row nakaupo, para wais. HAHA connect?

"Girl! May chika ako!" Salubong naman agad sakin ni Dara.

"Ano nanaman yan Dara?"

"May new comer daw!" -Dara

"Oh? Pero nasa kalagitnaan na tayo ng first quarter ah."

"Kalagitnaan pa naman eh, atsaka sabi na din ng iba may connection daw yon." -Brian

"Hmm.. k."

"Anong k?" - Brian

 "Di ka man lang magtatanong ng details? For example, name niya, age? gender? Bakit siya lumipat dito?" Sunod - sunod na tanong ni Dara. Napataas naman kilay ko. What the heck? Para san pa?

 "Para san pa at kelangan ko malaman? Bakit may magbabago?"

 "Siguro, baka, pwede" - Brian

 *PAK!

 "Daniel Padilla ?!' -Dara

 "Malay ba kung kamukha ko." -Brian.

 "Pfft- HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH Kamukha mo? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA shet! Dami ko tawa mga 100" - Dara

 Napangiti na lang ako, kahit kelan talaga tong si Dara oh.Maya maya din naman dumating na yung advicer namin.

"excuse me!! I have an important announcement." Napatahimik naman kaming lahat na pawang nag - iisip kung ano yang importanteng announcement ni miss.

"May bago kayong classmate, nalipat lang siya dito for some reasons. Pero di na mahalaga, but please be nice to him. Anyway, come in na iho." Maya maya naman may pumasok na lalaki sa room. Woh, ang puti, ang gwapo, ang angas ng dating. Ayan na, may bago nang pagtitilian. Yung mga classmate kong babae nag lalaway na. Pati si Dara, natunganga din.

"Please introduce yourself"

"Im Martin Angelo Velenzuela. Now, can I seatdown?"

"a-ah, ok. Dun ka sa tabi ni Ms. Mirai Ferrer. Ms. Mirai, can you raise your hand para manotice ka ni Mr. Velenzuela." Tinaas ko naman kamay ko tas binaba ko na din agad. Si Dara naman siniko ako. INGGIT TO HAHAHAHAHA.

Nakarating din naman agad si-- Martin. Pagkaupo na pagkaupo niya, tumungo agad. Tss.. tama, bad boy to. BUHAY NGA NAMAN.

Buong klase nakatungo lang siya, tindi pala nun. Siguro kaya nalipat ng school kasi loko loko. Pero any, wala na kong pakelam. Ngayon lunch na namin.

"MIIIRAIIIII! swerte mo nakatabi mo si Martin" sabi sakin ni Dara (=3=)

"Kasalanan? Yun lang vacant eh." Nanahimik na lang si Dara tapos si Brian naman tawa ng tawa. Laki ng problema nito oh, haha.

"Teka, nac-cr na ko. Wait lang." Tumango na lang sila tas ako naman dumeretcho na. Medyo malayo kasi cr dito sa canteen badtrip. Dadaan pa ko ng locker, naiwan ko notebook ko.

"After all that we've been through it all goes down in me and youu I guess its meant to beee forever you and me after all~ hmm hmm"

.

.

.

.

.

.

Papunta na ko ngayon sa locker room ng mapansin ko na may taong nakasandal malapit sa locker ko. Creepy naman nun, medyo nag aalinlangan pa kong pumunta pero ng medyo naanigan ng liwanag yung lalake.. si Martin lang pala (-____-) Lumapit na lang din ako.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay Martin habang kinukuha ko yung notebook ko. Pero grabe, wala manlang sagot?

"Di ka kakain?" Tinitigan niya lang ako tapos umalis na. ABA'T!! BASTOS TO AH.

"Bwisit, siya na nga yung kinakausap, siya pa yung snob. KAINIS" Sinara ko na ng padabog yung locker ko. Yung Martin na yon nakakainis ang kapa--

"let me be the one to break it up hm - hm- hm - hmm hmm~"

Parang.. parang boses ni MR. MV YON! Sinundan ko lang ng sinundan yung boses hanggang sa may nakita akong lalaki na naglalakad mag isa. Di na ko nagdalawang - isip at tinakbo yung lalake.

"MR. MV!?"

Mr. Mystery Voice (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon