Chapter 4

75 5 0
                                    

"MR. MV?!" hinarap ko agad yung lalake, pero laking gulat ko na si Martin lang pala.

"What the?! SINONG MV?!"

"Ikaw ba yung kumanta kanina?!"

"WHAT?! I DONT SING!" Napaurong na lang ako sa sigaw ni Martin.

"S-sorry, a-akala ko kasi, ikaw yung kumakanta. Pero-- may narinig ka bang kumakanta dito kanina?"

"Wala" Deretchong sagot niya sakin.

"S-sige, sorry talaga. Mauna na ko."

Agad naman akong tumakbo palayo, narinig ko naman na tinawag ako ni Martin pero wala akong pakelam. Di ko na kaya magpakatanga, sobra na kong nasasaktan. Nabigo nanaman ako, sobra nanaman akong nag - inaso na makikita ko siya. Sabagay, ano bang mapapala ko sa isang boses? Ni hindi ko nga alam ang pangalan at itsura diba? Ewan ko ba, di ko alam kung paraan na ba talaga to ng tadhana para sabihin sakin na sumuko na ko sa kakahanap. Pero di ganun kadali yun eh, kahit ano pang sabihin nila wala akong pakelam kasi di naman sila ang nagmamahal. Kasi di naman sila ang... nasasaktan.

Nandito ako ngayon sa lumang building, dito ako lagi nakatambay para mailabas ko lahat ng sama ng loob ko o di kaya pag gusto ko mapag - isa.

*swik! swip! clik! (tunog ng metal lighter. HAHAHA SORRY KAPOS.)

*swik! swip!

Tinititigan ko lang yung apoy sa metal lighter ko, weird ba? Nakaugalian ko na nalaging pinag lalaruan lighter ko tapos pinapatugtog ko minsan yung kanta ni Mr. MV pero ngayon, ayoko muna. Ewan ko ba, pero pag ginagawa ko to, narerelax ako. FYI lang pala, di ako nag yoyosi. Uminom pwede pa pero mag yosi. NO.

"Mirai?"

*clik!

"David? Anong ginagawa mo dito?"

"Baka ako dapat magtanong niyan. Anong ginagawa MO dito?" Talagang inemphasize niya yung 'MO'. Tumabi naman siya sakin sa pag - upo.

"Wala gusto ko lang mapag - isa."

"Mapag - isa? Bakit? Atsaka bakit ka may lighter? Di mo ba alam bawal yan? Teka nag yoyosi ka ba?!" Nanlalaking mata na tanong sakin ni David.

"HINDI NO, libangan ko na talaga yon."

"Ah, buti naman. Akala ko nag yoyosi ka eh."

"Kadiri lang. Eh, ikaw bat ka nandito?"

"Napadaan lang ako dito. Papunta na kasi dapat ako dun sa locker area ng marinig ko yang tunog ng lighter mo. Haha."

"Sorry, ganto lang talaga HAHA. Ano di ka pa tutuloy?"

"Parang pinapaalis mo naman ako, sige." Saka naman tumayo si David.

"WALA AKONG SINASABI! Grabe lang?!"

"HAHA joke lang! Aalis na talaga ako no, may inuutos kasi si Mrs. Del sakin. Ikaw di ka pa ba aalis? Magtatime na o."

"Maya maya pa. Sige na, ingat ka."

"Ikaw din."

Umalis din naman si David. Alam niyo, minsan naaawa ako kay David, naaawa ako na minahal niya ang isang tulad ko na hindi ko masusuklian. Bakit hindi na lang yung mga nagkakagusto sa kanya diba? Katulad ni Stella na halos patayin na ko dahil sa sobrang pagmamahal niya kay David. HAHA loko lang, pero diba? Di madali sakin na makasakit ng tao, lalo na kung napalapit na sakin.

Tumayo na ko tapos bumalik na ng room, di ko muna pinansin si Martin hanggang sa mag - uwian na, nahihiya pa din ako sa nangyari samin kanina nung lunch. Haay, sana bukas mag iba naman araw ko.

Mr. Mystery Voice (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon