Kasalukuyan na kaming namimili ni Martin kung ano kakainin, ay hindi pala. Siya lang. Pano ba naman, di ko trip mga pagkain dito! Pinalaki akong di pinapakain sa karinderya no!
"HUY! MIRAI!"
"H-ha?"
"Umupo na tayo! Nandito na oh." Saka niya inangat yung tray. Di ko napansin yun a. Sumunod na lang ako.
- - - - - - - -
Kanina pa lantak ng lantak si Martin dito pero ako hindi pa. (-___-)
Bigla naman siyang tumigil sa pagkain tas tinignan ako.
(>.>) -- (<_<)
"Bakit?" Nakataas na kilay kong tanong sa kanya.
"Ba't di ka kumakain?"
"B-busog pa ko."
Sandaling tinitigan niya ko at saka umiling. Problema nito?
"Di ka kumakain dito no?"
"U-uh.."
Nang tinignan ko siya nakangiti siya ng pang - asar. Abaaaa (<____<)
"KUMAKAIN AKO DITO NO!"
"O? Talaga? Sige nga, kainin mo tong dinuguan."
*Gulp
PATAY!! DI NGA KO KUMAKAIN DITO TAS DINUGUAN PA. ANO BA YAN!! IKAW NAMAN KASI MIRAI EH.
"A-ah.. pwedeng kanin na lang?"
"pfft-- kanin? Hahahahaha sabi na eh. "
"Oo na, ano naman kung di ako kumakain dito? Eh ayaw ako ng magulang ko pakainin dito eh."
"Subukan mo kaya."
"Ayoko nga eh, pakelam mo ba?"
"Tss. Nagsusuggest lang ang sungit mo na. Baka nakakalimutan mo may atraso ka pa sakin."
"Hoi Mr. Martin, di porket may atraso ako sayo ito ang ipapagawa mo."
"Why? Sige nga, mamili ka You will eat this or you will finish our IP BY.YOUR.SELF."
"Di naman ata pwede yan!!" Halos mapasigaw na ko sa sobrang inis ko pero siya chilax pa din. AHH THIS LITTLE JERK!
"your choice Ms. Ferrer." *smirk
"AAAARRH! Fine! I'll eat this" Kinuha ko na yung plate ko tapos nilagyan ko ng kanin pati dinuguan.
Kakainin ko talaga to?
Pwede ko naman piliin na ako na lang ang gagawa ng IP
Pero makikinabang siya don.
Pano kung malas--
"Wag kang OA walang lason o kung ano naman yan, subukan mo muna kase." Tinignan ko na lang ng masama si Martin. Di makapag hintay eh.
Ito na.. kakainin ko na..
*chomp *chomp *chomp
Nakatitig lang sakin si Martin, hinihintay ata magiging reaction ko.
(O___O) ---- (<_<)
"HANG SHARAP!" Agad naman akong kumuha pa ng kanin pati nung dinuguan. ANG SARAP PALA! Akala ko naman kasi as in blood to. (-___-)
"Unbelievable, hinay hinay ka lang. Maubusan mo pa ko." Sinamaan ko na lang ng tingin si Martin.
"Walang pakelamanan Martin. After natin dito, ako naman may ipapagawa sayo."
"Ano naman yon?"
"Basta later. Pag lunch break na natin"
"Sus, wala lang yan."
"Hah! Will see."
-
*LUNCH BREAK
"Ui, Mirai. San ka ba kasi talaga nanggaling kanina?" Tanong naman sakin ni Dara.
"Basta, may inasikaso kami ni Martin kanina. Meron bang nagalit na teacher?"
"Wala naman, ok lang naman daw mawala kayo." - Brian
"Ha? Bakit?"
"Duh, Martin the great. Connections. Im starting to get curious about Martin. Ano ba meron?"
"Ewa--"
"Excuse me." Sabay sabay naman kami napatingin dun sa nag excuse.
"Martin?" Brian/Dara
"Can I excuse Mirai? Nakalimutan niya ata may usapan kami ngayong lunch."
Anong usapan?
May sinabi ba ko?
Lunch.. lunch.. lunch''
"AHH! oo, sige babye muna guys." Kumaway na lang ako kayla Dara at saka tinignan sila ng I'LL-EXPLAIN-LATER look. Nagets naman nila.
Lakad lang kami ng lakad ni Martin, pinagtitinginan na nga kami ng mga students eh. Siguro nagtataka sila kasi bat kami ang ang magkasama samantalang may gf na siya?
"Oi, san tayo?"
"Ha? Ano.. di ko alam eh."
"Ano ba yan, ikaw tong nagyaya tapos di mo alam kung san!"
"So-sorry naman. Sige, kung ok lang sayo dun na lang tayo sa lumang building"
"ayos lang, dun na lang atleast payapa dun."
malayo layo pa naman yung lumang building pero hanggang mamaya ata di kami mag - uusap nito. Nung tinignan ko si Martin, nakatingin lang siya ng deretcho. Parang ang lalim ng iniisip.
"Martin?"
"Oh?"
"Di ka ba hinahanap ng girlfriend mo?"
"Di naman, alam niya naman eh."
"Mahal mo talaga no? Nagpaalam ka pa."
"Oo naman." After non, di na kami nag - usap hanggang sa makarating kami sa lumang building. Nagtataka lang talaga ako, ano kaya meron at mahal na mahal niya si Stella? Di kaya magkakilala na talaga sila simula noon? Tas si Stella halos awayin ako dahil mahal ako ni David tas ganon?
"HOI!"
"AY PALAKA KA!"
"Anong palaka? Gwapo ko namang palaka?"
"Ha? May sinasabi ka?"
"WALA, ano ba yang dala mo?"
"Ito ipapagawa ko sayo." Saka ko binuksan baunan ko.
"Kakainis mo tong kimchi. Pag nakain mo tong kalahati 30% ng IP ikaw ang gagawa tas akin 70%. Ano deal?"
"Sus, kimchi lang yan eh. Eh parang balat lang yan ng siomai eh"
"We'll see." EWAN KO NA LANG SAYO KUNG DI KA PAGPAPAWISAN NG SOBRA SOBRA DYAN.
BINABASA MO ANG
Mr. Mystery Voice (Kathniel)
Teen FictionMeet Mirai, a girl who fell inlove with a voice just because of an emotion she felt while listenin' with this song. Boses ng isang lalaki na di alam kung anong pangalan, edad, o itsura man lang. Now, she's trying to find the man who sang the song to...