Sa lahat ng bagay magaling ka, sino pang makakatalo sayo?
'Di kita kayang tapatan, maski yung babaeng mahal mo.
Sana ako na lang siya, pang ilang hiling ko na 'to.
Kahit kailan hindi natupad, parati na lang ganito.
Ayoko nang umasa sa pagibig, hahayaan na lang magisa.
Nakakainis kasi ikaw lang iniisip ko, buong magdamag.
Turuan mo naman akong limutan ka,
Dahil sa isang daang nagmamahal sayo, siya at siya parin ang pipiliin mo.
Maski pa sa isang daang nagmamahal sayo, hindi ako napapansin ng mga mata mo.
Agosto 17, 2025
BINABASA MO ANG
Mga Patapong Tula
PoetryMuling susulat, para naman sa iba. Aasa ba sa wala, o may mangyayaring maganda?