Paxton's Locket

76 3 0
                                    

The world's beautiful; The ray of sun hitting on my window, how the air blows on the top of a mountain peak, when the flowing water creates a loud yet soothing noise like it's running on a marathon.

“Lune, darling. Aalis na tayo, let's go,” Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa aking tabi.

“Sorry. I didn't mean to ignore you,” paghingi ko ng paumanhin dito.

“Hey, it's okay. Kahit ako rin naman matutulala sa painting na ‘yan lalo pa't misis ko ang gumawa,” matamis itong ngumiti at marahan akong hinila palapit sa kaniya.

“Theodore Paxton Arevalo,” naiiling kong tugon tsaka isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.

“What's with the full name? Did I do something wrong, darling?” Nag-aalala nitong tanong sa akin.

“Nothing. Come on, we'll be late,” I intertwined our fingers then began walking towards our front yard.

“Are you sure that everything's okay, darling?” dagdag pa nito habang naghihintay kami ng masasakyan papunta sa dadalohan naming reunion.

“Paxton, we're okay. Gusto ko lang ulit kumpletuhin ang pangalan mo. Ang ganda-ganda kaya.”

“Maganda talaga, bagay nga sa ‘yo, Mrs. Lunaclaire Arevalo. Ay jusko, napakaganda talaga!” Madrama pa itong umarte na hindi makapaniwala kung gaano kaganda ang apelyido niya sa pangalan ko.

Pabiro ko itong hinampas. “Ang OA mo, Pax!” Natatawa kong wika.

Ilang sandali pa ay may dumaan ng taxi na maswerteng walang sakay kaya iyon na ang pinara niya. Kumatok ito at ibinaba naman ng drayber ang bintana ng sasakyan.

“Saan ho kayo, ser?” Magalang na tanong ng drayber ng taksi.

“Sa may Santino University po,” tugon ng aking asawa.

“Sakay na, ma'am, ser.”

Paxton opened the door for me before he went inside. Imbes na tumabi sa drayber ay sa likod din siya naupo para samahan ako.

“Lune, tumawag daw si Ate Lydia kanina. Hindi mo raw nasagot,” anito tsaka ipinakita ang mensahe mula sa aking kapatid.

Inilabas ko naman ang aking telepono at tiningnan kung tumawag nga ito. Nakatanggap ako ng tatlong missed calls mula sa kaniya at ilang texts.

“Pauwi na raw sila. Pumunta raw tayo sa bahay ni ate mamaya. Isama raw natin sila nanay,” pagtukoy ko sa pamilya ni Paxton.

“Okay. May bagong bukas na pastry shop sa malapit sa school, dumaan na lang din tayo para makabili ng pasalubong mamaya.”

Mabilis naman ang naging byahe naming mag-asawa. Hindi pa mabigat ang daloy ng trapiko dahil maaga kaming umalis. Mahirap umalis nang alanganing oras lalo na't nagc-commute kami.

Pagdating namin sa dating paaralan ay sumalubong na ang mga pamilyar na mukha. Kani-kaniyang kumpol at pag-uusap ang mga naroon.

“Lunaclaire! Theodore! Dito!” Pareho kaming natawa nang marinig ang boses ng dati naming kaklase na itinuturo ang kanilang lamesa. May dalawang upuan pa roon na bakante at mukhang inireserba nila para sa amin.

Yumakap ako sa aming mga kaibigan na dati rin naming kaklase.

“Pichi! Namiss kita,” wika ko matapos bumeso sa dati kong katabi sa upuan.

“Namiss din kita! Grabe, ang tagal na nating hindi nagkikita,” aniya habang karga ang kaniyang anak na ilang buwan pa lamang.

“Ito na pala ang mga estudyante ko sa physics noon,” ang lahat ay napalinga sa matandang lalaki na lumapit sa pwesto namin.

Paxton's LocketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon