Chapter 10

1.2K 44 14
                                    


Andrius

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong umalis ako sa condo ni Cassian. Dalawang linggo ko na rin siyang iniiwasan. Dalawang linggo na rin akong nalilito. Dalawang linggo na rin akong nagtatanong sa sarili ko.

Alam kong hindi tama na iwasan ko siya pagkatapos ng nangyari. Sa dalawang linggong iyon ay walang araw na hindi kami nagkikita dahil nagkakasalubong din kami sa hallway ng school. Nagkakausap din ang mga kaibigan namin. Tahimik lang siya pero alam kong napapansin niya na iniiwasan ko siya. Malakas ang pakiramdam ng isang iyon. Masyadong matalino kaya sigurado akong lahat alam at napapansin niya.

Nandito kami ngayon sa cafeteria‚ wala ang girls dahil may klase pa. It’s already 1 p.m‚ tapos na ang klase namin ni Zed habang si Reux naman ay may isang subject pa.

Balak lang namin na kumain‚ maghihintay na lang kami ni Zed sa coffee shop sa harap ng school.

"Tahimik mo, tol," napatingin ako kay Zed nang magsalita siya. "Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na hindi mo ginagalaw pagkain mo," dagdag niya pa. Nandoon ang pag-aalala sa boses niya.

Malamya akong bumuntong hininga. Bagsak ang balikat na sumanday ako sa upuan ko at tumingin ng deretso sa kaniya, "hindi ako gutom. Kung gusto mo sayo na lang itong pagkain ko,” yaya ko sa kaniya. Marahang inilapit sa kaniya ang pagkain na nasa harap ko.

"Ulol, hindi mo ako maloloko," ngiwing usal niya. "May problema ka ba? Sabihin mo para madagdagan ko," bwesit talaga ang isang ito. Kahit kailan hindi mo makakausap nang maayos.

"Tangina ka talaga," humalakhak pa siya ng marinig ang sinabi ko.

"Pero seryoso, kung may problema ka magsabi ka lang sa amin," bigla itong sumeryoso. "That's are friends for," dagdag niya pa, seryoso ang mukha.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig, hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o tinatarantado niya na lang ako.

"Ano?" Inis na tanong ko, "anong that's are friends for? Gago,"

"Tama naman,” talagang pinaglalaban niya pa mali niya. Hayop na tigas ng mukha.

"Bobo! That's what are friends for iyon,"

Tinitigan niya pa ako na parang sinisigurado niya kung seryoso ba ako.

Magsasalita na sana ako ulit ng may tumapik sa balikat ko, sabay kaming napatingin doon.

Bumagsak ang balikat ko ng makita ko kung sino ang mga iyon.

"Lah, bakit parang bigla kang tumamlay nang makita mo kami?" sambit ni Zaven, "ayaw mo ba kaming makita, tol?"

Napailing ako sa kaniya at mahinang natawa, "gago, hindi." Tumayo ako upang bigyan sila ng upuan, "upo kayo. Kain din kayo, sabay na kayo sa amin."

Sabay-sabay silang umupong tatlo, pumunta naman ako sa tabi ni Zed na upuan at doon mismo umupo.

Nag kukwentuhan na sila habang ako ay nakikinig lang‚ minsang makikisali kapag alam ang topic. Hindi na nila kailangan mag order dahil marami ang inorder namin.

"Kumusta kayo? Wala na ba kayong klase?" Tanong ni Zav.

Umiling si Zed, "wala na. Si Reux ay last subject na lang, yong tatlong babae naman ay mamaya pa matatapos ang klase nila. Hintayin na lang daw namin sila sa may coffee shop sa harap ng school," paliwanag ni Zed.

"Bakit ang tahimik mo naman ata ngayon, Andi?"

Napatingin ako kay Yuen, "masakit lang ulo ko, tol," pagdadahilan ko.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong niyang muli.

Umiling ako, "hindi na kailangan. Panigurado mawawala na rin naman ito maya-maya," sambit ko.

Under Of HimWhere stories live. Discover now