Prologue

6 1 0
                                    

"TANGINA!"

Nabibiglang napatingin naman sakin si Riley sa biglaang pagmumura ko at pagtayo. At hindi sinasadyang paghampas sa kaniya sabay takip sa bibig habang nakatitig parin sa cellphone ko.

We are now at the Plaza of El Liberté. Resting after the 1st week of our school as a 3rd year student.

Riley is my best friend since high school. We've been together since grade 7. And I didn't expect our friendship will be this long.

Dati nga pito kami pero ngayon dalawa nalang natira, which is me and her. Yung iba kasi nakisama na sa ibang grupo.

Yun bang very common na sa isang room yung may mga group of friends tapos pag may nag-away sa grupo nila lilipat ng ibang grupo. Mga ganun ba.

Tapos yung iba naman sa amin bigla nalang di pumapansin o di kaya iba na ang section tas di na kami kilala. Ngiti-ngiti nalang pag nakasalubong. Basta ang gulo nila.

Kaya ang ending dalawa nalang kaming natira.

"What happened?" tanong niya galing sa pagkabigla.

"Look! Nasa same gc kami ng Bebelabs koooooo!" sabi ko sa kaniya sabay pakita ng cellphone ko.

"Sino? Si Renzy Natan Angeles?!"

"True! Kinikilig ako!" I shrieked.

Si Renzy kasi ay long time crush ko. As in nung elementary palang crush ko na siya. Simula kasi nung nakita ko siyang naglalaro dun sa school namin ng table tennis para bang huminto nalang ang mundo ko at nakapokus nalang sa kaniya.

Kaya ayun nagustuhan ko na rin ang paglalaro ng table tennis. Kung baga na-inspired ako sa kaniya. Corny man pakinggan pero gustong-gusto ko talaga siya.

"Omg! How? Pano ka naman jan na-add?" she asked excitedly.

Umupo ako galing sa pagkakatayo.

"Diba nga nasabi ko naman sayo na may classmate akong same kami ng sports na table tennis. Ayun, siya nag-add sakin. Hindi ko nga alam ba't niya ako in-add eh. Pero hindi ko na siya tatanungin kasi ito palang blessing na!" Kinikilig ko paring bigkas sa kaniya.

"Gorl, I think this is your sign na para maging kayo." May pagpalo pang saad niya sakin.

Oo nga 'no. Baka ito na talaga yung sign na hinihingi ko kay Lord. Sa tagal ko ba namang wish na ito ngayon lang nabigay. At hindi ko ine-expect na sa ganitong paraan pa talaga.

"First step palang to, teh." I said dreamily.

"But, what if?" she asked suddenly.

"What if, ano?" i replied curiously.

"What if, sadya yung pagkaka-add sayo? Tapos matagal ka na pala talaga niyang kilala. Yung as in na kilalang-kilala ka tapos ito na pala yung way niya na mag-reach out sayo."

With what she said, I started to overthink. Oo nga, no.

What if ganun nga?

What if hinihintay niya lang ako?

What if gumagawa na siya ng way to make me like him?

Pero gusto ko na siya eh. At tsaka pano naman mangyayari yung mga sinabi niya eh hindi naman ako lubusang kilala nung tao.

Nasobrahan nanaman ata to sa Wattpad, eh. Kaya pati ako pinagloloko na niya. Overthinker pa naman ako. Tapos malala pa delulu ko. Hayst.

"Impossible. Pano ako makikilala nun eh hindi naman kami gaanong nagkikita. At saka bilang lang naman sa daliri yung mga pagkakataon na pagkikita namin. Minsanan lang kung baga. Tapos pag nakikita ko naman siya hindi naman kami gaanong nag-uusap."

"Kaya nga what if eh. Malay mo naman yung mga small interactions na yun na-fall na siya sayo."

"Tanga, you're just feeding my deluluness. Okay nako sa crush lang muna."

"Huy, teh! Wag nga ako alam ko namang gusto mo rin yung nga sinabi ko eh." biro niya sakin.

"Uhmmm. Slight."

Sabay kaming natawa sa sinabi kong iyon.

But not gonna lie,  medyo umasa ako sa bandang yun. May part parin kasi sakin na illusion lang iyon. Kasi ang hirap na niyang abutin. He's already out of my league.

He is famous in Manila because of being a Table Tennis player. He has also participated in various competitions whether in the Philippines or other countries. And everything he joined, he won.

So it's not surprising that he will not like me. And besides, I heard that he has a girlfriend. That's why it is very impossible for him to even know me or worst to like me.

"Kita mo!" Natatawa pa rin niyang saad sa akin. "Anyways, meron ka na bang tropapips sa room niyo?" she asked suddenly.

"Wala pa, anteh. Yung mga classmates ko nga noon hindi man lang ako pinapansin. Akala mo naman hindi sila humingi ng papel sakin noon." my face turned grim at the thought of that. "Kilala lang nila ako pag may kailangan."

"True, teh. Ganiyan sila. Kaya wag mo na bigyan sa susunod." Tawa niyang bigkas sakin.

"Hindi na talaga. Ano sila sinuswerte! Itataas ko ang bandera ng pride ko, noh." Pabirong sabi ko. Pero half true naman yun. Hindi ko na talaga sila bibigyan.

"Makipagclose ka nalang kaya sa mga boys."

Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ano to, teh. One of the bois."

"Ril. Ikaw ang kanilang only princess. The only rose of the team." pareho naman kaming natawa sa kaniyang sinabi.

"Gaga ka talaga." sabi ko na may paghampas pa sa kaniyang balikat.

But seriously, if I truly don't have an option or when my former classmates genuinely don't want to be close to me, I don't think it's wrong to be friends with a guy. That seems to be my only choice.

But, I occasionally  talk to someone naman. She is my seatmate for a certain subject. That seems like the next step in our friendship and I hope it goes on.

Pero, hindi naman sa nangangailangan ako, as in, ng friend. Feeling ko lang kasi super awkward na magisa ka lang dun sa likod ng room tapos wala pa masyadong kumakausap sayo.

Ante, lahat sila may circle of friends na tapos ako lang yung wala. I feel like, I don't belong talaga sa section ko. Para bang naligaw lang ako doon.

"Sana talaga nalaman natin ng maaga na pwede palang magtransfer ng section. Edi sana magkaklase na tayo ngayon. Ang late naman kasi nilang sinabi, eh." nanghihinayang kong saad.

"Transfer ka nalang sa susunod na sem. Dun ka sa section ko para same na tayo!" she said encouraging me.

"Pwede ba yun?"

"Korique, pwede yun. Classmate ko nga dati ni-transfer ni sir sa ibang section. Kaya pwede yan."

"Okie bff, see you next sem."

"Can't wait!" she exclaimed.

Pag-uwi sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Habang nag-aayos ako, hindi maalis sa isip ko ang pangit na schedule ko sa school. Lalo na na wala parin akong kaclose doon. Pero it's understandable dahil first week palang naman ng pasukan.

Pagkatapos kong mag-ayos, sinubukan kong buksan ang aking cellphone. Agad akong nag-log in sa Facebook upang malibang. I was surprised when the chat head of our gc suddenly popped up where my classmate added me before.

Sa chat head na yun nakita kong nagchat siya.

My ultimate crush.

The love of my life.

My bebekels my love so sweet in heaven in the sky.

"Hi guys!"

With his greeting of "Hi guys", my heart fell immediately. I know it's not just for me but my heart is beating fast.

Gosh, am I in love with him?

Rallying HeartsWhere stories live. Discover now