Chapter 2

4 1 0
                                    

On the next day, as I settled into my seat for the class, I glanced around the room, pinagmamasdan ang mga kaklase kong may mga sariling mundo kasama ang kanilang mga kaibigan. While I, a girl who once had a big loud friend group, is a girl who now has no friends and sits alone everyday in class times and during vacant times.

Ganito pala ang pakiramdam ng nga irregular students na naging kaklase ko. I now feel what they feel in a room where you can literally feel alone even though there's a loud crowd that's surrounding you.

But my lonely thoughts got interrupted with this girl. I'm not gonna lie, she's pretty like a barbie. Napansin niya atang mag-isa ako.

"Hi! I’m Nadia," she said, extending her hand with enthusiasm. "I just transferred here, and I’m still trying to figure out things. Mind if I sit with you?"

Her energy was contagious, and for the first time that day, I felt a spark of excitement. "Sure! I’m Lynx Irish," I replied, shaking her hand.

Nadia smiled, and I could already tell we were going to get along just fine.

"So, umm, bakit ka nagtransfer dito?" I asked.

"Dito na kami titira sabi ni mom para raw may kasama yung grandparents ko. Kaya no choice ako."

"Why? Don't you like it here?" I curiously asked.

"Hindi naman sa ganun. Nasanay kasi ako sa city life and this feels new to me."

"Oh! City gorl pala ang antecu. Well, maganda naman dito and I'm sure magugustuhan mo here. At saka mababait mga tao, siguradong makakasundo mo sila."

"Coming from a girl sitting alone in this four corner room with a crowd," she said jokingly.

"Well, I'm kinda shy and I don't know how to socialize. I mean I know how, but my introvert side is controlling me now that's why I ended up being alone," I replied, resting my chin on the back of my palm. "Buti nga dumating ka kung hindi baka mag-isa talaga ako hanggang sa matapos itong sem."

"Swerte ko naman. Ako lang pala hinihintay mo to stop this boring sem of yours, sana pala mas maaga akong nagtransfer dito para hindi ka na mag-isang nakaupo lang here sa dulo," she laughed, being high of herself.

"Honestly, I was just trying to blend in and not draw attention to myself," I said, half true. Aside sa pagiging mahiyain ayoko kasing maging bida-bida, noh. "But now that you’re here, I think keri ko na itong sem."

Sa gitna ng aming pag-uusap pumasok si Ma'am Pecho, our instructor in Public Finance. Agad naman kaming nagsiayos ng upo.

"Good morning. I heard there's a transferee here. Asan siya?" tanong ni ma'am. Nagtaas naman ng kamay si Nadia to be recognized.

"Okay. So, can you introduce yourself to us para naman makilala ka namin, hija."

Nadia stand and started to introduce herself.
"Good morning, everyone! I'm Nadia Angeles. Pleased to meet you all and I hope we get along," she introduced with all smile.

Wait. Parang familiar yung last name niya. Baka naman kapareho niya lang ng surname and hindi sila related to each other. Hay naku, sa sobrang adik ko sa kaniya pati ito nirerelate ko na sa kaniya.

"Thank you, Ms. Angeles. Please be seated. So where did we stop on our last discussion?" tanong ni ma'am. Nagpatuloy na si Ma'am sa discussion.

Habang nakikinig ako sa discussion ay kinalabit ako ni Nadia. Tumingin ako sa kaniya asking what it is. Akala ko importante iyon pala nagtanong lang kung uuwi na ba ako after this class. I said yes and ask her why.

"Mamasyal ako later and since hindi ko pa alam pasikot-sikot dito, can you be my companion and tour me around, if it's okay with you?" she whispered.

Naisip ko kung may gagawin ba ako sa bahay. Wala naman akong masyadong plano, maliban sa pagpapakain sa aso, na pwede ko namang gawin mamaya pagkatapos ng lunch. Hindi naman siguro kami magtatagal, at maaga pa naman pagkatapos ng klase.

"Sure, why not?" sagot ko, na may ngiti sa aking mga labi.

Nakita ko ang saya sa kanyang mukha. "Talaga? Thank you! Excited na ako!" sabi niya, at tila ang kanyang sigla ay nahawa sa akin.

Itinuon ko na ang paningin ko sa pakikinig sa harapan.  At nang magdismiss'an ay nag-ayos ako ng kaunti. Hindi dapat ako papakabog, noh. I should atleast be presentable. Pretty kaya ng kasama ko. Hindi dapat tayo looking ugly, atecu. Baka pagkamalan pa akong PA nitong babaeng to, eh.

"Let's go?" tanong niya.

"Tara!" i said with smiles.

We started walking and i asked her kung san niya ba balak pumunta.

"I don't know, may mall ba dito?"

"Meron naman pero hindi ganoong kalaki tulad ng sa Maynila, ha. Baka mag-expect ka," tawa kong usad.

"Okay lang, magwi-window shopping lang naman ako now. Titignan ko kung may mga gusto ba akong bilhin."

"Sige, tara," aya ko sa kaniya.

Pumunta na kami ng parkingan ng tricycle at sumakay na sa isang nakaparada roon. Sinabi ko kay manong ang aming destinasyon kaya agad naman niya itong pinaandar at umalis. Sa daan ay tinanong ko si Nadia kung first time niya lang bang mag-commute sa ganitong klaseng sasakyan.

"True, nasanay kasi akong hatid sundo. Kaya hindi ko na naranasan itong pagco-commute, as in now lang."

"Buti hindi ka sinundo ngayon?" takang tanong ko.

"Susunduin nga sana ako pero sabi ko kasama ko yung bagong kaibigan ko, which is you," she smiled as she said those words.

Nang makarating kami sa Mall ng El Liberté ay dumiretso kami sa loob. Pagpasok ay makikitang marami na agad tao. Karamihan ay mga estudyante na malalapit lang ang paaralan.

We first stop sa Penshoppe. Nagsimula akong magtingin tingin ng mga damit at nang nakita ko ang presyo ay napanganga nalang ako sa presyo. Grabe, nasa probinsya kan na nga ang mahal pa ng tinda nila.

Hinanap ko si Nadia na humiwalay sakin pagpasok pa lamang at nakitang madami na itong hawak hawak na damit. Ang akala ko'y window shopping lang pero bibili pala ang isang ito. Gorl, andami niya pang bibilhin, ha. Yayamin rin ang isang to, grabe kung bumili. Natawa na lamang ako sa aking sarili.

Habang naglalakad ako papunta sa kaniya ay nahagip ng aking paningin ang grupo ng mga lalaking dumaan sa labas ng shop. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako pero parang nakita ko si Renzy.

Para patunayan ang iniisip ko, sinilip ko sila mula dito sa loob. At napagtanto ko ngang siya iyon.

Nakita ko siya kasama si Dylan at yung ibang kaibigan nila.

But why is he here?

Dito na ba ulit siya mag-aaral?

Baka nagbabakasyon lang sila ulit. Pero diba tapos na bakasyon. Nagstart na ang klase last week pa kaya imposibleng he's here for vacation. Or napadaan lang.
Eh, ang layo layo nito sa Maynila bat siya mapapadaan lang.

Don't tell me totoo talaga yung rumors na siya yung magte-train samin!

ps: naubusan ako ng english😭

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rallying HeartsWhere stories live. Discover now