AMAYA
I have never experienced this kind of feeling before; it seems as though Kai and I have a connection that we are still unaware of.
However, if I were to find that connection, I personally hope it would be something worthwhile and special.
Yung tipong sa bawat hawak niya, mararamdaman mo ang kaginhawaan na matagal mo nang hinahanap.
As we walked through the dark road of the alley, I felt his light energy. And that energy makes me feel like I'm always safe beside him.
Tumingin ako sa kanya habang hawak-hawak niya ang kanan kong kamay, he was guiding me with his light powers.
Habang naglalakad kami bigla siyang tumigil sa paglalakad, sa kalagitnaan ng madilim sa kalye huminto kami at nakatayo lang habang nakaharap sa liwag niyang dala.
He faced me while looking at his palm where his light power summoned, he smiled before staring right through my eyes.
Kitang-kita ko ang maabo niyang mga mata, wala akong ibang magawa kundi tingnan lang ito.
Kai sa mga tingin mong yan alam kong mahuhulog ako sayo, ngunit kapag yan ay mangyari iwanan mo ako.
"I'll show you something." he smiled.
Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at nilagay ang dalawang kamay ko kung saan niya ginamit ang kanyang kapangyarihan.
His attributes illuminate the dark alley, summoning hundreds of fireflies. Spreading his light around the place.
"Pure light manipulation" he said.
Nakinig lang ako habang nakatingin sa mga alitaptap. "My power is called pure light manipulation."
"Ang ganda ng kapangyarihan mo noh." masayang sabi ko habang nagsimula kaming maglakad sa maliwanag na daan papunta sa bahay namin. "Alam mo nag-iisip din ako ng kapangyarihan ko, kapag makukuha ko ang nakatagong kapangyarihan sa kagubatan na iyon dapat masmalakas pa ang kapangyarihan ko kaysa sayo." biro ko.
He laughed while staring at the way that leads to my house.
"Ano bang gusto mong kapangyarihan kung makukuha mo iyon?" tanong niya.
Tumawa ako bago sumagot sa tanong niya. "Palagi ito nasa panaginip ko, gusto ko ay shadow or darkness" mahinang sabi ko. Tumango lang siya at ngumiti.
"Ah kabaliktaran sa kapangyarihan ko, darkness manipulation."
Tumango lang ako habang nakatingin sa dinadaanan namin. Huminto kami ni kai sa harap ng bahay namin. Humarap ako sa kanya at nagpasalamat bago nagpaalam sa kanya.
Pumasok ako sa bahay, walang tao at tahimik lang. Nilapag ko sa mesa ang dala kong bag at kumuha ng baso para uminom ng tubig. Tinali ko muna ang buhok bago kumuha ng tubig sa kusina.
Nabigla ako nang bumungad sa akin si mama, nangitim ang kanyang mga mata. Parang handa akong suntukin niya.
"Ma!" sigaw ko habang dala-dala ang baso. Lumapit siya sa akin at naramdaman ang isang malaking sampal na dumampi sa pisngi ko.
"Ano ba iniisip mo maya!" sigaw niya. Wala akong masabi o magawa kaya umiyak na lang ako sa harap niya. Aalis na sana ako sa harap niya ngunit hinila niya ako paharap.
"Kausapin mo ako-"
"Ma hindi ka ba napapagod!" sigaw ko. Nabigla siya sa sigaw ko at tahimik si mama habang nakikinig sa akin. "Ma gusto ko makamit ang hustisya para kay papa-"
"At bakit naman amaya-"
"Kasi alam kong ang pakiramdam na mawalan ng ama! Ni hindi ko man lang siya nakita sa huling oras niya! Ma naman... ang hirap na sa akin na tinitiis lang ang lahat!" sabi ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at nakita si ate at yung bunso namin.
YOU ARE READING
WARBOUND: BATTLE FOR JUSTICE
FantasyThe "chosens" are fifty teenagers from each of the four Zatara nations who are selected annually. The people battling for their own territory in pursuit of Lord Zatara's one and only gift are the selected. And the ability to govern over the four nat...