Chapter 05: Purple Blood
Napakabilis ng mga pangyayari na halos hindi ko na namalayan ang lahat. Every moment felt like a blur as I tried to take in all the new details.
After the first council member announced that I am now the new keeper of the sacred orbs, there was a brief ceremony. Pinaluhod nila ako sa harap ng mga estudyante sa bulwagan at ipinasa nila sa akin ang golden seal na pinagkaloob ng Supreme God kay Eldara--ang matandang babae na unang tagapangalaga ng mga orbe.
Suddenly, the seal entered my body. Nabigla ako nang sa unang pagkakataon sa aking buhay ay nag-iba ako ng anyo, panandalian akong naging puting usok nang pumasok sa katawan ko ang golden seal, tulad ng nagagawa ng matandang babae. It felt strange and disorienting, like I was disappearing into thin air.
Hindi ako makapaniwala sa lahat. Ang daming mga tanong sa isip ko ngayon. Bakit ako? Hindi kaya nagkamali lamang sila? But the old woman said that this is the reason why I could see all the sacred orbs, dahil ako ang pinili ng Supreme God na mangalaga sa mga ito. Ngunit bakit nga ako?
Napatingala ako, kahit pa hindi kita ang kalangitan mula sa loob ng bulwagan. My thoughts were a whirlpool of doubt and confusion, desperately seeking answers that I knew were out of reach.
Why me, Supreme God?
Alam kong alam ng Hari ng Kalangitan na isa akong evtus, isang nilalang na hindi katanggap-tanggap sa mundong ito. Ngunit bakit?
Eldara held my hands and looked at me with a smile. "Kailangan ko nang umalis, binibini."
Her eyes were warm, yet I sensed an unspoken sadness.
"Unang kita ko pa lamang sa iyo sa kagubatan, alam ko nang ikaw ang..." napahinto siya at nagawi ang tingin sa Divine Council.
Kumunot ang noo ko. "Ako ang..?"
She looked at me again and shook her head. "Malalaman mo rin sa takdang oras. Ang masasabi ko lamang ngayon, isang malaking papel ang nakatakda mong gampanan balang araw, at tama ang iyong desisyon na pumasok sa akademyang ito. Nawa'y mahanap mo ang kasagutan sa lahat ng mga nais mong malaman. Ngunit... huwag ka sanang magpapadala sa kadiliman, Hemera. Hanggang sa muli."
Nanlaki ang mga mata ko nang sambitin niya ang pangalan ko. But she quickly turned into white smoke again and left the Aredian Hall.
Anong nalalaman niya tungkol sa'kin? Alam niya bang isa akong evtus? At anong papel ang nakatakda kong gampanan? Anong huwag magpapadala sa kadiliman?
Bakit ba umalis siya agad?!
"We'd like to know the name of the new keeper." I looked at Councilor Herald as he said those words to me with a smile. Lahat sila ay nakatitig na sa akin ngayon.
I looked at Rasmus. He smiled and gave me a slight nod.
"My name is Hemera.." pagpapakilala ko.
Ngunit bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Councilor Herald. The whole Divine Council seemed surprised by what I'd just said. The sudden change in their expressions made me feel a mix of fear and concern.
"L-Lapastangan!" nagulat ako nang sumigaw ang ikalimang miyembro ng banal na konseho. Her voice was filled with shock and anger, echoing through the entire hall.
Among the five members of the Divine Council, only the first and fifth were goddesses.
If the first one had a very cold and unreadable expression, the fifth councilor was more emotional and seemed to be on the verge of tears from anger. I feel like she was about to explode.
BINABASA MO ANG
Journey of Triadah
FantasyHemera is a half-immortal fairy who has spent 117 years in the paradise of Linje. Though it is a place of beauty and serenity, Hemera feels like a prisoner, longing for the freedom to explore their world beyond its boundaries. Determined to break fr...