𝟎𝟕

95 4 3
                                    

Binabaklas ko ang corridor ng building ng engineering, katulad ng dating dadaanan ko sa tuwing may ipapasa ako o kaya ay ipinapatawag ako ng prof namin sa kanilang office.

Class president pa nga, laging pinapatawag. Inaatasan ako minsan kapag may mga additional information about sa plates namin na nakalimutan lang ng prof na sabihin. Baka ay tungkol na naman ito sa last plates namin dahil patapos na ang third year second semester.

At nung pabalik na ako ganoon din ang ginawa ko, nilingon ulit ang room nila Nereus pero wala pa rin siya.

Palagpas na ako sa room nila nung may lalaking humarang sa akin dahilan para mapatigil ako at tingnan ito, hindi ko ito kilala pero 'yong buhok niya pamilyar. May dala itong tatlong kulay pula na rosas sa mga kamay kaya napataas ang aking mga kilay.

Valentine's day is on the air talaga. Muntikan ko nang makalimutan na valentine's pala ngayon... May nakita nga ako kaninang mga estudyanteng naglalandian sa likod ng building at may nagbibigayan na ng mga bulaklak sa hallways, may pa surprise pa nga 'yong mga jowa ng iba. Sus, maghihiwalay din ang mga 'yon.

Kaunti lang ang distansya sa akin ng exit ng building nang makita ko ang lalaking muntikan ko nang makabanggaan na papalapit sa akin, hanggang sa huminto ito sa tapat ko.

"Excuse me..."

Mukhang muntikan ko lang naman makabanggaan kaya lalagpasan ko lang ito. Isang kilometro lang ang distansiya ko sa lalaki nang bomoses ito.

"Miss?" may kaunting pagtatanong sa kaniyang boses. I took a pause before turning my head to him, raising my brows. "I just want to give this to you..." Alegro niyang inabot sakin ang hawak-hawak niya kaninang rosas kaya mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ko. Seryoso ang mukhang iginawad niya sa akin.

Napalingon-lingon ako sa mga gilid at tinitignan kung may iba pa bang tao bukod sa aming dalawa. Itinuro ko ang aking sarili para siguraduhing ako ang kaniyang tinutukoy.

He nodded with a slight smile.

Did the girl he courted or baka girlfriend niya didn't accept the roses kaya ipapamigay niya na lang sa mga random girls?

Tiningnan ko ang inaabot ng lalaki. It's a piceous dark red roses in a clear bouquet wrapper na sa tingin ko ay nasa three hundred pesos ang halaga. Hindi ko ito binigyan ng motibo na kukunin ko ang rosas, embes ay tinaasan ko lang ito ng kilay.

Hindi ako ganun noh! Tatanggap ng rosas na hindi naman pala talaga para sa akin.

"Please, accept this..."

"Bakit naman?" tanong ko sa lalaki. Nagkasalubong din ang aking mga kilay. Nag a-alinlangan din ang itsura nito.

"P-palagi kitang nakikitang dumadaan dito sa building namin, and y-you caught my attention... No. I mean, I-I'm your a-admirer" nagsalita rin ito.

Namilog ang mga mata kong nakikinig sa mahaba at nauutal na pahayag ng lalaki sa akin, habang pinipilit niyang inaabot sa akin ang dala. Mukhang nahihiya siya dahil hindi nito magawang tumingin sa mga mata ko, at kung tumingin man ito ay mabilis naman niyang iniiwas sa akin.

Pinasadahan ko muna ito ng tingin mula paa hanggang ulo bago nagsalita. Nakasuot ito ng pula na basketball jersey. Matangkad at sa maliit na pulang tina palang sa kaniyang buhok, alam kong isa itong varsity. At mukhang sa nakikita ko, matino at hindi rin matatanggi na matipuno ang lalaki.

"Flaming dragons?" marahan kong binasa ang nakasulat sa jersey nito.

Tumango ito.

I know the flaming dragons, ang Isa sa mga university's varsity teams bukod sa silver breakers na team nila Nereus. Sa pagkakaalam ko ay medyo ka-level din ng varsity na ito ang silver breakers.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mending The Heart (CollegeGirls Series #1)Where stories live. Discover now