prologue

76 8 9
                                    

Tahimik lang akong naka-upo habang ginagawa ang plate namin sa aking laptop. May mga kagrupo naman ako, Si Daniela at Patricia. Katulad ko ay busy rin ang dalawa sa kaniya kaniyang laptop.

Iba-iba naman kasi ang naka assign sa amin na perspectives o kaya model na gagawin. Kaya pokus lang kami sa mga screen.

"Tapos na ako mag render," bulalas ko habang may kung ano pang kinalikot sa laptop. Nasa harapan ko lang ang dalawa. "Kayo ba?"

"Almost..." tipid na pahayag ni Daniela. Sinundan naman ito ng tango ni Patricia.

Kasalukuyan kaming nasa isang bench sa labas ng building ng architecture na may rectangular table. Saktong alas kwatro nung nagsimula kami sa plates namin at alas sinko y media na nang masulyapan ang relo ni Patricia. Kaunti na rin ang mga estudyante rito sa uni at maya-maya ay aalis na rin kami.

Sa susunod na Lunes pa naman ang deadline ng plates namin pero sa kagustuhan nga naming tapusin agad nang wala na kaming masyadong gagawin ay ginawa na namin. Sunod-sunod kasi ang mga plates namin kaya sinusubukan talaga ang time management namin.

Ang pinagawa kasi ng prof namin ay isang resort hotel. Hindi naman kasi madaling gawin kahit na group project iyon. Kailangan malaking design with 3D modeling and different perspectives. Kailangan nga rin e-explain ang design in a powerpoint presentation. Kaya nga nanlaki na itong mga dark circles sa mga mata namin. Buti keri pa ng concealer ko.

Nung tumayo na nga ang dalawa ay nagpasiya nang umuwi. Pagabi na rin at malayo-layo pa ang uuwian namin ni Daniela. Pareho kami ng barangay ni Daniela kaya sasabay narin ito sa akin. Naging close na kaming dalawa mula nung pumasok kami sa parehong elementary school at highschool noon. Siya nga itong kasama ko sa pag-uwi minsan.

At bago tuluyang umuwi ay huminto muna kami sa isang karinderya para maghaponan at bumili na rin ng ulam. Kasama rin namin ang pinsan kong nasa tourism course at ka batch lang din namin.

Si Daniela nalang daw ang o-order sa pagkain at hinayaan nalang kaming umupo sa table namin at mag usap ng kung ano-ano. Wala naman kaming masiyadong topic at puro tungkol sa mga course at projects namin na nagkakasunod this week.

Sa likoran naman ni Shexian, I watched how the sun set and the city lights became brighter. The whole place is illuminated by the moon, reflecting on the stripes of the beach just a few distances away from where this karinderya is. Kaya paborito naming mag hapunan dito minsan.

Dito rin minsan namin nakikitang kumakain ng lunch o hapunan ang mga ibang estudyante sa iba't ibang university.

Naitaas ko nalang ang mga kilay nang alegro akong kinalabit ni Shexian sa kamay na nakapatong lang malapit sa kaniya.

May itinuturo ito sa likod ko gamit ang nguso kaya lumingon ako kung saan ang tinuturo niya at ibinalik din kaagad ang tingin sa babae. Ngayon ay nakangiti ito sa akin. She's looking at me teasingly.

Kilig na kilig pa ang itsura kaysa sakin?

Napangiti rin ako at alegrong hinampas ang kamay ng babae nang pang ilang beses. Pero sinubukan kong huwag mag ingay. Sa kabilang table na nasa likoran ko ay nandoon ang crush ko na isang civil engineering student. Kasama ang mga barkada nito na kilala rin namin.

Nagtatawanan ang mga kasamahan habang itoy kumuha pa ng isang upuan dahil ay hindi kasiya sa kanila ang chairs ng table.

"Mukha mo. Harot mo na naman..." bulong ni Shexian pabiro ko itong sinamaan ng tingin.

Dumating na si Daniela na hawak-hawak ang orders namin. Tinulungan naman namin ang babae na ilapag ang mga ito sa lamesa. Dahil dalawang tray ang dinala nito.

Mending The Heart (CollegeGirls Series #1)Where stories live. Discover now