Rosalinda Aria Escuadro Perez
Malamig na gabi
"Tama na, Lando! Hindi mo na nga mapakain ang anak mong si Este, pag-aaralin mo pa sa kolehiyo 'yang si Rory!" sigaw ni Tita Arlie sa ama ko. Nagtatalo na naman sila, ganito na lang palagi tuwing mag-uusap sila tungkol sa pag-aaral ko. "Buti nga nakakahuthot 'yan doon sa mayamang pamilyang pinagtatrabahuhan niya..."
"Kung hindi siguro paano na 'yan 'di ba?"
"Dalawang taon na lang si Estella, hindi pwedeng hindi mag-aaral ang anak ko, Arlie..." laban niya sa kaniya. Napabuntong hininga ako.
Nagpatuloy ako sa pagwawalis, palaging wala si Papa kaya minsan nagsusungit sa akin ang tiyahin ko, hindi ko nga siya masisisi kung sana ay may kaya na akong bumukod bubukod ako, pero ang tanong saan ako kukuha ng pera?
Tama rin na tinutulungan kami ni Maam Cath pero hindi ko gustong inaabuso ang kabaitan nila lalo na rin ng asawa niyang si Sir Vicente.
"Anong inuwi mong ulam?" tanong sa akin ni Tita Arlie.
"May pata ho riyan, pinauwi sa akin ni Nana Theresa..." sambit ko sa kaniya.
"Pata lang? Wala na bang iba?"
"Uh, may dalawa pa pong putahe... hindi lang po ako nakakuha ng iba dahil sa bisita po at anak nila Maam Cath ang pagkain..."
"Mauubos ba nila? Ganuon karami? O baka nahihiya ka lang dumuwit...pagtutunan mo 'yan, Rory para naman may ambag ka rito... kawawa si Este, baka magkulang pa ito sa kaniya kapag kumain ka pa, huwag ka nang kumain..."
Aangal pa sana ako nang magsalita si Papa.
"At bakit hindi niyo pakakainin si Rory? Rory, kumain ka..." utos ni Papa.
"Kumain na po ako kanina...Papa..." sagot ko na lang.
"Tingnan mo, kumain na..."
"Arlie, huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang anak ko kapag wala ako rito! Sinasabi ko sa 'yo... paalisin ko kayo ng anak mo..." tumingin ako kila Papa, tahimik akong nakikinig. Ayoko nang makisabat dahil hindi naman importante.
Isang kiliti lang ni Tita sa kaniya agad na ring tatango si Papa.
"Masyado mong binibaby ang bata, hindi na nga nagsasalita!" sigaw niya sa amin.
"Paano ngang magsasalita ang bata kung panay ang pigil niyo sa kaniya..." usal pa nito. Ibinigay sa akin ni Papa ang isang kare kare, mukhang napabili pa siya ng ibang lutong ulam at hindi na nalaman na may inuwi ako.
"Pero papa, busog naman na po ako..."
"Busugin mo ang sarili mo, anak. Bukas kasi nasa trabaho kami at isang linggo ako ron mahigit, hindi ako makakauwi rito..."
Tumango ako at kumain.
"Kapag wala ako, doon ka kila Maam Cath magpalipas ng gabi..." sabay ngiti ko naman at tumango ako.
"Oho..."
"Huwag mo lang masyadong pagurin ang sarili mo, baka masyadong mabibigat ang trabaho kaya ang hina hina ng katawan mo, kumain ka rin sa tamang oras... huwag kang magpapagutom... huwag ding mahihiya kumain..."
Tumango ako.
"Opo, papa..."
"Naku, huwag ka sa akin magpaalam... duon sa mga anak ni Maam Cath dahil katiwala lang ako rito, panigurado papayagan ka naman ng mga 'yan hindi naman din sila madamot..." paliwanag niya sa akin. Tumango ako at dala dala ang mga pamalit, nagsuot na lang din ako ng oversize shirt at maluwang na pants.