Chapter 02

4 0 0
                                    

Utang

"Ito na lang ang suotin mo..." ani Grace. Nagdadalawang isip akong kuhanin, hindi kasi ako sanay magsuot ng maiigsing damit sa pampublikong lugar, lalo na isang sando lang 'yon at isang mini skirt, nag-aalalangan kong kinuha.

"Nu kaba, huwag kang mahiya no... buti nga hindi tayo pinagsusuot ng mga hentai costume..."

Nang makapagpalit, hinintay ko si Grace makayari at pumunta na kami sa barista para maglista ng orders nila.

"Huwag kang mahiya ah... ganuon lang din naman... hindi ka mahihiya hindi rin sila mahihiya sa 'yo pero once na may mambastos magtawag ka ng bouncer pwede mo silang ireklamo, pero kung simpleng hipo lang huwag kang oa..."

Tumango ako.

"Stand straight ka na lang, mawawalan ka pa ng trabaho kapag nagsumbong ka..."

"Duon ako banda rito, doon ka.." utos niya sa akin at tumango ako.

Ginagaya ko na lang din ang ibang ginagawa ng mga naglilista ng orders, may tumaas ang kamay at ngumiti ako habang lumalapit.

"What's your order sir?

"4 margarita..." sinulat ko 'yon, may napapansin din akong patingin tingin sa akin, kaagad kong binaba ang skirt ko dahil sobrang ikli niya talaga. Pero sinabi naman ni Grace sa akin na pampalakas daw ito lalo na sa mga customer kaya hindi na ako nagreklamo.

"Bago ka lang ba dito?" tanong ng isa pa sa mg lalaking kasama niya.

"Yes, Sir."

"Kaya pala, I haven't seen you... akala ko matagal ka na... what's your name?" tanong nito. Mukha naman silang mababait kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumagot.

"Rosalinda po..."

"Oh... what beautiful name..." ngumiti lang ako sa kanila at kinuha ang order, marami pa ang umorder bukod sa kaniya, minsan nagugulat na lang din ako kapag nagbibigay sila ng tip, kapag ibabalik ko ang sukli hindi na nila kukuhanin.

Nahihiwagaan tuloy ako, wala bang kapalit ito?

"Ang ganda ng babaeng 'to..." kumento ng isang lalaki, hindi ko na lang sila pinansin at inayo ulit ang aking skirt. Luminga pa ako at nagbigay ng drinks sa ibang customer. Naramdaman ko ang pagdapo ng kamay niya sa aking braso at nagulat ako ron.

"Hey..."

"H-ho?" kabadong tanong ko sa kaniya.

"Kabadong kabado ka ah..." sita niya sa akin. Mukhang manyak ang lalaki, hindi ko siya pinagbigyan pang lapitan. "Raiver..." pakilala niya sa akin at ngumiti lang ako sabay tango.

"Thank you, Sir... nice to meet you po..." nahihiya mang magbigkas ay nakaya ko naman.

"Mukhang mapapadalas yata ang pagpunta ko rito... ang ganda ganda ng hita mo..." sabay ngisi. Hindi ako umimik, pero siguro normal din ang mabastos dito sa ganitong lugar, o baka talagang manyak lang siya. Marami akong nabigyang drinks hindi naman sila kaagresibo masyado.

"Rory..." tawag sa akin ni Grace. "Mukhang tiba ka sa tip ah?" sipol niya ngumuso lang ako at ibinalik sa aking bulsa ang mga perang natanggap ko. "'Di ba sabi ko sa 'yo maganda ang trabahong 'to eh..." paninigurado niya pa sa akin.

"Ikaw na ang maghatid ng order duon sa kabilang side," ibinigay sa akin ni Grace ang drinks, tumango ako at naglakad na papunta sa side na tinuturo ni Grace, nagtaas naman ng kamay ang mg lalaki, nakaprivate table din sila sa iisang flor.

Yumuko ako at ibinigay ang order nilang lahat, hindi pa ako mag-aangat. Baka manyak na naman ang makasalamuha ko kaya minabuti ko na lang na hindi tumingin.

Young Love #3: heart promisesWhere stories live. Discover now