Parang damit
"Dito pa..." sigaw ng isang customer at nagbigay na ako ng drinks na order nila. Kanina pa sila tingin nang tingin sa akin, nakasampong balik na ako dahil palagi nila akong tatawagin kapag may order sila.
Hindi ko na lang pinapansin.
"Sinasadya naman yata nila..." puna ni Lilibeth sa akin.
"Hayaan mo na, baka gusto lang nila uminom..." tumango na lang siya sa sinabi ko at ibinigay ang panglabing isa nilang bote. Marami sila kaya naka VIP, meron pang nagbibigay ng tip sa akin hindi ko na tinatanggihan dahil parte na 'yon ng trabaho ko.
"Huwag mong pababayaan at babastusin 'yan, mga VIP 'yang mga 'yan... ibig sabihin mayayaman... kapag binastos ka... hayaan mo na lang..." sambit ni Maam Choleng na bagong manager ng bar.
Tumango na lang ako.
"Maam, 'di naman pwede 'yon... anong akala niyo kay Rory?" laban ni Lily sa akin.
"Aba hindi sila pwedeng mawala, Lily! Ibahin niyo ako sa lumang manager niyo..." sikmat ng matanda sa amin. Pinigilan ko na lang siya kaysa magbitiw pa ng masakit na salita, pinatahimik ko na. Baka malintikan pa kaming dalawa.
"Kapag binastos ka, huwag mong hahayaan... sampalin mo..." bulong lang nito sa akin at tumango na lang ako. Suot suot ang maigsing skirt ako na naman ang nagserve sa kanila, nagulat ako nang may humipo sa aking hita, napatingin ako sa kanila.
Tumaas ng kamay ang isang lalaki na parang sumusuko, abot ang tahip ng aking puso dahil sa ginawa niya.
Anong sabi ni Lily? Sampalin ko? Baka matanggal ako, sayang naman ang trabaho.
"Sir..."
"What?"
"Oh, huwag mong pakailaman mga trabahador dito ah..." sikmat nito sa kakbarkada niya. Nahihiya akong umalis at kuhanin ang trey para makalabas na, tulala lang ako. Ganon pala kapag nababastos, hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganoon pero siguro dahil sa trabahong 'to normal lang.
"Ano? Ayos ulit?" paninigurado sa akin ni Lily.
"Oo..."
"Good..." siniko ako ni Lily at nginuso ang mga barkada niya.
"Sama ka sa amin, gusto mo?" tanong niya.
"Ah, saan ba 'yan?"
"Diyan lang sa kabilang bar... huwag dito masyadong maraming tao doon hindi..." tumingin ako sa kanila at nagbubulungan din. May tiwala naman ako kay Lily pero sa mga kabarkada niya? Baka wala.
Hindi ko kasi sila kilala.
"Pass na muna..."
"Hay, ganon? Minsan lang naman! Sama ka na! Sa susunod hindi mo na magagawa 'to!" pagpupumilit sa akin ni Lilibeth.
"O sige na nga..."
"Huwag kang mag-alala, hindi man mapagkakatiwalaan ang mukha mababait naman 'yan... mukha lang hindi..." napangiti na lang ako. Tumango na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na lang muna sa pagpupunas ng lamesa habang may napansin akong lalaking pamilyar sa kabilang dulo.
Madilim ang lugar kaya hindi ko siya masyadong maaninag kaya pasimple akong tumingin sa gawi niya, madilim na nakatingin ang mga mata niya sa akin habang humihithit ng sigarilyo... habang nakapiko ang dalawang tuhod
Wala ba siyang kasama? Ano, Rory? Lalapitan ko ba siya?
Isang buwan yata siyang hindi nakabalik, malalaman ko na lang din mag-aaral daw pala siya rito. Hindi ako makapaniwala, pamribado ang bagay sa kaniya pero bakit siya mag-aaral ng kolehiyo rito?