Alice's POV:
Maaga pa ngunit tila ba napakalalim ng iniisip ni Mayor Alice. Nakaupo siya sa kanyang opisina, tahimik at nagmumuni-muni, nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat siya at agad na bumalik sa reyalidad.
"Sen. Loren, ikaw pala iyan," sabi ni Alice, agad na bumangon upang batiin ang bisita.
"Good morning, mayor. Oh, bakit parang tulala ka diyan? Kumain ka na ba?" tanong ng senadora, na halata ang pag-aalala sa tono ng kanyang boses.
"Ah, naku, wala po, Sen. May iniisip lang," sagot ni Alice habang pilit na ngumingiti.
"Naku, mayor, baka kung ano na iyan ha. Magpahinga ka nga muna, masyado kang focus sa trabaho at napapabayaan mo na ang sarili mo. Baka mamaya ay bumigay na iyang katawan mo," paalala ni Senadora Loren.
"Wag niyo na akong alalahanin, Sen. Tsaka marami pa po akong aasikasuhin. Dinidistract ko na lang sarili ko sa mga bagay-bagay," tugon ni Alice na may bahid ng pagod sa kanyang tinig.
"Ah, siya nga pala, aalis kami ni Pia ng mga dalawang buwan. Yayain sana kita na pumunta tayo sa bahay ampunan ng mga madre. Magbibigay kami ng ayuda sa mga bata para kilalanin sila at makapagbakasyon na rin, pero mukhang busy ka yata," alok ng senadora.
"Kailan po ba alis niyo, Senator?" tanong ni Alice, na bahagyang nagliwanag ang mukha.
"Next week aalis na, mayor, kasi excited na akong makita ang mga bata doon," sagot ni Loren, na halatang nasasabik sa kanilang plano.
"Ah, ganun po ba. Sige po, pag-iisipan ko muna. I-text ko na lang po kayo kapag nakapagdesisyon na ako, Sen.," sabi ni Alice, na nagdadalawang-isip ngunit interesado.
"Oh, siya sige, mauna na rin ako at kukunin ko na iyong donuts sa labas. Kanina pa ako natatakam doon," biro ng senadora habang papalabas na ng opisina.
Tumawa si Alice at sinabing, "Padalhan na lang kita mamaya sa inyo, Sen. Para sa staff ko kasi iyon sa office."
"Hay, ano ba 'yan, pero sige na nga, sabi mo eh. Mauna na ako, bye, mayor!" paalam ni Loren.
"Ingat sa pag-uwi, Sen.," huling bati ni Alice bago tuluyang umalis ang senadora.
Nang maiwan mag-isa, napagpasyahan ni Mayor Alice na mag-ikot muna sa bayan, umaasang makakatulong ito upang maibsan ang bigat ng kanyang iniisip.
Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw, agad umuwi si Mayor Alice sa kanyang bahay. Sa sobrang pagod, hindi na siya nag-abala pang kumain at dumiretso na lamang sa kanyang silid.
Pagkahiga niya sa kama, naramdaman niya ang bigat ng bawat hakbang na ginawa niya sa araw na iyon.
Wala nang lakas pang mag-isip, unti-unti siyang nilamon ng antok at tuluyan nang nakatulog, umaasang makakahanap ng kapahingahan mula sa kanyang mga alalahanin.
~~~~~~~~~~~~~~
Ilang araw ang lumipas nang biglang tumawag si Senator Loren kay Mayor Alice. Agad naman niyang sinagot ang tawag.
"Good morning, dear!" bati ni Senadora Loren.
"Good morning din po, Sen! Napatawag po kayo?" tugon ni Alice, na may halong pagkasabik.
"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na sa susunod na araw na tayo aalis. Ano, sasama ka ba?" tanong ng senadora.
"Naku, pasensya na po, Sen, nakalimutan ko po kayong i-text, pero tungkol diyan, opo, sasama po ako," sagot ni Alice na may bahid ng paghingi ng paumanhin.
"Buti naman! At wag kang mag-alala, andun din si Senator Imee, apat tayong pupunta," dagdag ni Senadora Loren.
"Noted po, Sen. Saan nga pong lugar ulit iyon? Nakalimutan ko pong itanong sa inyo," tanong ni Alice, na bahagyang nag-aalala.
"Sa Negros tayo, Mayor," sagot ni Loren.
"Sige po, Senator. Magpapaalam muna ako," sabi ni Alice, na nagplano na sa isip ang kanyang gagawin.
"Okay, okay. I-send ko na lang sa'yo yung location kung saan tayo magkikita-kita. Thank you so much, Mayor," sabi ni Loren bago ibaba ang telepono.
"Walang anuman po," tugon ni Alice, sabay balik sa kanyang trabaho.
Tinapos niya ang mga papeles at siniguradong organisado na ang lahat para sa susunod na buwan.
Ilang oras ang lumipas at umuwi na si Mayor Alice sa kanyang bahay upang mag-impake ng mga dadalhin, lalo na’t dalawang buwan silang magbabakasyon sa Negros.
YOU ARE READING
The Lost Heir
FantasySi Mayor Alice Leal Guo, kilala sa Bamban, Tarlac bilang isang mabuting lider na laging inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili, ay may matagal nang iniindang sugat sa kanyang puso-ang pagkawala ng kanyang anak na labing pitong taon na ang nakal...