06

10 0 0
                                    

Kyle's POV

I went home nearly 10 pm. Galing pa kasi kaming bar nila Aaron. As usual nag-inuman na naman. Weekend kasi kaya free day.

"Adrian," mom called me, nasa hagdan siya at bumababa na ngayon. Akala ko tulog na sila. Kaya nga ganitong oras na 'ko umuwi eh.

"Good evening, mom," I greeted. Lalapitan ko na sana ito nang bigla siyang nagsalita.

"Ano itong nabalitaan ko na may binully ka na naman," as expected ganiyan na naman ang sasabihin niya. "Baka nakakalimutan mo, college graduating ka na. Hindi ka na elementary o highschool para gawin mo 'yang ganiyang mga bagay." Panenermon nito sa akin. Hindi na lang ako sumagot dahil nahihilo na ako. Gusto ko ng umakyat sa kwarto ko para maka ligo at makapagpahinga na.

Pero hindi doon natatapos ang lahat. I hate this kind of conversation.

"I will make sure na makakarating ito sa ate mo," she said in a serious tone. Hindi ko na lang ito pinansin dahil nasa iba ang tuon ng atensiyon ko.

Tumango na lang ako at nagpaalam sa kanya na magpapahinga na ako. Wala naman itong nagawa kundi hayaan akong umalis.

Lumipas ang ilang sandali, hindi ko pa rin makuha-kuha ang tulog ko. Hindi ko alam kung ano ang bumabagabag sa aking isipan. That's why I decided to get up and bring myself in the terrace of my room with my laptop on my hand and a glass of water.

Siguro mag bo-browse na lang muna ako sa mga socials ko, total ito naman ang laging ginagawa ko kapag gusto kong magpa-antok.

I clicked my Instagram account and started browsing my friends post. Hindi naman ako anti-social kaya ko ito ginagawa.

Minutes had past pero hindi pa rin ako inaantok. Should I drink milk? Milk my ass. Ano ako bata?

And then... vampire girl suddenly pop up to my mind. She called me 'bata' huh, because she thinks I'm immature and childish. Well, that was... a little bit true.

Hindi ko namalayan na kusa na pa lang gumagalaw ang mga daliri ko para itipa ang pangalang Faith Xenon.

Search not found ang lumabas.

Inulit ko pa ito ng isang beses, ngunit kagaya ng una... Search not found pa rin ang lumalabas.

Anti-socials ba ang isang 'yon? but why am I even curious?

Pinatay ko na lang ang laptop ko at tuluyan ng nagpahinga. I don't care kung anong oras o ilang oras ang tulog ko.

Trixie's POV

"Teh anong balak mong gawin ngayon? Don't tell me hihalata ka lang buong magdamag kagaya kahapon." Ang aga-aga boses agad ni Iyah ang maririnig ko.

Linggo ngayon, walang masyadong ginagawa kasi weekend at wala namang iniwan ang mga prof namin na mga mabibigat na homeworks... buti na lang talaga.

Grabe isang linggo na rin pala akong namamalagi dito sa Pilipinas. Pero pansin ko lang na wala pang masyadong nangyayaring hindi kaaya-aya. As if magugustuhan ko kung sakali mang meron.

"Hoyy, ano na," Iyah's said while hitting my back kasi nakahiga pa ako ngayon sa aking kama at nakatalikod sa kanya habang nakapatong ang kumot ko hanggang baywang.

"Ano ba, Iyah!" kunwari'y inis kong saad. "Natutulog 'yung tao eh," medyo antok ko pang dagdag. Gusto ko pa kasing matulog kasi bukas delubyo na naman.

"Wow," she shockingly said. Nag-form pa ng O ang bibig. "May natutulog bang nagsasalita? ano 'yan, sleep talking lang?" dagdag pa nito at sinalampak ang katawan sa kama ko. Nadaganan tuloy ako kaya napabalikwas na lang ako ng bangon. Epal naman ang isang 'to.

Time To Escape (Time Series #01)Where stories live. Discover now