03

7 0 0
                                    


Kasalukuyang nag-di-discuss ang aming prof ngunit wala na akong naiintindihan sa iba niyang sinasabi. Wala na ro'n ang atensyon ko dahil naglalayag na ang isip ko.

Pre-occupied na naman ako. Hindi ko maiwasang isipin siya pagkatapos ng mahabang taon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, magiging masaya ba ako, malungkot, ma-excite, kabahan... hindi ko na alam.

"Miss Xenon," tawag ng prof namin, "I said Miss Xenon!!!"

Bigla na lang akong natauhan at agad tumayo nang marinig ko ang boses ng prof namin. Kanina pa pala niya ako tinatawag. Masyado akong nalunod sa iniisip ko.

"Yes Sir?" Kinakabahan kong saad.

"Are you listening? Kanina pa kita tinatawag pero masyado atang malalim ang iniisip mo. You're spacing out miss Xenon." Sabi ng prof namin, hindi siya strikto pero dapat hindi ko 'yun ginawa.

"No sir, I'm really sorry po," paumanhin ko habang nakayuko. Nakakahiya talaga 'yun. Pinagtatawanan pa ako ng mga classmates ko. Highschool moments lang.

"Okay, you may sit down now." Hays ang bait nga.

Agad akong umupo at tinapik si Iyah sa tabi ko b'wisit na babaeng 'to hindi man lang ako sinabihan na kanina pa pala ako tinatawag ni sir.

"Hoy ba't hindi mo man lang ako sinabihan na kanina pa pala ako tinatawag ni sir?" pinanlakihan ko ito ng mata.

"Busy ka kasi sa iniisip mo kaya hinayaan na kita. Looks like so importante, kaya hinayaan na kitang mag daydreaming," sabay ngumisi pa ang loka.

"Ewan ko sa 'yo," 'yan na lang ang nasabi ko.

Pagkatapos ng mahabang lecture, sa wakas makakaalis na rin.

Pumunta ako sa locker ko para ilagay doon ang ilang gamit at nagpaalam naman sa 'kin si Iyah para bumili ng food namin. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang garden, bigla akong napaupo dahil may pumatid sa 'kin. Ano 'to 'hes into her 2.0 version' lang huh sensui at taguro ganon?

Shit lang talaga dahil sobrang sakit ng p'wit ko. Hindi agad ako nakatayo dahil masakit talaga 'yung pagkaupo ko, na-unbalance ako. Tumayo na ako pagkatapos ng ilang minutong ninamnam ko ang sakit dahil marami ng studyanteng nakatingin sa 'kin. Sakto namang dumating na si Iyah.

"Trixx ayos ka lang, sinong may gawa niyan sa 'yo?"

"Ayos lang ako," humarap ako sa mga estudyante at tinanong ko sila kung sino 'yung pumatid sa 'kin, "Sinong may gawa nu'n?" kalmado kong tanong sa kanila pero walang sumagot ni isa. "Ba't yaw niyong sumagot? kalmado ko pa ring sabi sa kanila.

Bigla naman lumabas sa gilid ng pader si Mr. Mayabang. Sanaol gilid ng pader.

"Ako," proud niyang sabi "Ako ang pumatid sa 'yo." Taas noo niya pang saad, proud talaga sa ginawa niya. Jerk talaga, this is the second time. Okay self calm down.

"Hmm, ikaw pala 'yun. Masaya ka ba sa ginawa mo?" kalmado kong saad sa kanya.

"Oo, masaya ako sa ginawa ko," tapos ngumisi pa ang gago. Kapag hindi ko mapigilan ang sarili ko babaliin ko talaga ang mga buto nito.

"Ang babaw naman ng kaligayahan mo," Tapos nginisian ko rin siya.

"You don't know me, miss. Don't try me," wow huh... wow na wow.

"Hindi kita kilala at wala akong oras kilalanin ka." Wow that is amazing goshh.

"Sure naman akong nabasa mo na 'yung sulat ko sa 'yo." Tsk sulat ewan na walang kwenta.

"Anong sulat? Love letter ba?" at nagtawanan ang mga estudyanteng nakikinood sa eksenang nangyayari. "Oh I remember, 'yung death threat letter na nakita ko sa locker ko, 'yun ba?" nakita ko naman siyang ngumisi. Hobby niya talaga ang ngumisi akala niya siguro matatakot niya ako sa pa ngisi-ngisi niya.

Time To Escape (Time Series #01)Where stories live. Discover now