"Mira, this is Miguel. Say hi to him, ija.", Papa said while gently pushing me papalapit doon sa batang lalaki na kung susumahin ay kaedaran ko lamang.
Tiningnan ko lamang ito mula ulo hanggang paa. He's wearing a blue polo and jeans with his cowboy kinda type of boots. Well, it's common to wear those types of shoes, even if I were wearing these cute brown boots with ribbons on the side.
"H-hi, I'm Miguel Santos. I am 9 years old, I'm from Quezon City. N-nice meeting you Mira.", pa-bulol na sambit nito sakin.
Tipid lamang na ngiti ang ginanti ko rito habang inaabot ang kamay para makipag-handshake.
"Mabuti naman at nakarating kayo dito Gia. Akala ko 'di na matutuloy ang pagtitipun-tipon natin ngayong taon.", bungad ni mama mula sa kusina habang nakipagbeso sa isang ginang na tinawag nyang Gia, nanay ni Miguel.
"Aba! Kay traffic ba naman kasi.", singhal nito at naupo sa sofa habang naiwan kami ni Miguel sa may harap ng pintuan at nagtitinginan lamang.
"Pare! Ito na ba si Miracle? Ang laki nya na, parang nung dati lamang ay anim na taong gulang palang ito.", pinukulan ko nang tingin ang isang matipunong lalake na kakababa lamang sa kanyang kotse at may dalang mga bagahe.
"Tulungan na kita riyan.", salubong sakanya ni Papa.
Nasa salas silang apat, si Papa ay nakaupo sa isang sofa katabi si Mama habang nasa katapat naman na sofa ang dalawang bisitang mag-asawa.
Nabaling ang tingin ko sa kaharap kong batang lalaki na namumula ang mga pisnge at nakatitig lamang sa'kin, kung kaya't hinawakan ko kamay nito at kinuha ang aking sumbrero.
"Papa, ipapasyal ko lang po siya.", saad ko habang tinuturo ang batang lalaki.
"Oh sige ija. Mag ingat kayo, kung maari ay 'wag kayong lalayo sa sakop ng ating hacienda. Mahirap na at baka mapano pa kayo dahil pagabi narin." paalala nito at tinuloy lamang ang pagsipsip ng inuming kulay ginto mula sa baso nito.
"Migs, you behave huh. Always listen to your ate Mira.", dagdag ng ginang na babae na nakatingin sa batang lalaki.
"Yes, mom." sagot nito.
Umalis na kami ng bahay at hawak ko parin ang kamay ng batang ito. Tinungo ko ang kamalig upang kunin ang aking kabayong si Pancho. Naglakad kami sa damuhan patungo roon.
"Where are we going?", biglang tanong nito.
"Sa kamalig.", sagot ko.
"What's that?", tanong nito.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap, sinenyasan ko lamang ito na tumahimik at 'wag na magtanong pa ng kung anu-ano.
"Pancho!", masaya kong tawag sa isang kulay kayumangging kabayo at agad na pinakain ng mga dayami.
"Kumusta na ang paborito kong Pancho.", maligalig na sambit ko habang nilalaro ito.
"Can I touch him?", tanong nito.
"Sige, basta dahan-dahan lang. Ayaw niya sa ibang tao.", paalala ko rito at inabot ang tali nito.
"Hi, horsey.", mahinhin na sabi nito at unti-onting hinahawakan si Pancho.
Nagulat nalamang ako ng 'di umangal si Pancho sa paghawak sakanya ni Miguel.
"Mukhang nagustuhan ka n'ya. Dalawa na tayong nakapagpa-amo sakanya.", nakangiti kong sabi.
Tiningnan ako ni Miguel ng nakangiti.
"Can I call you Mira?", tanong nito sa akin, tumango lamang ako sensyales nang pagsang-ayon.
YOU ARE READING
Tayo Kaya?
RomanceThis is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual pers...