"Maayos na ba lahat ng dekorasyon? Ang mga bisita nariyan na ba?", sunod-sunod na tanong ni Mama kay aling Pasing, personal na alalay nito."Ma, umupo ka muna. HAHAHAHA! Parang ikaw ang may kaarawan.", naaliw kong sambit habang inaalalayan itong umupo sa tabi ko.
Dumampi ang mainit at malambot na palad ni Mama sa aking mga pisngi habang bakas ang ngiti sa mukha nito. Napansin ko ang nangingilid niyang mga luha. Hinawakan ko ang kamay nito at ginantihan ito ng ngiti.
"Ma, kaarawan ko lang, 'di pa ako ikakasal.", biro ko.
"Iyon na ang kasunod nito.", saad nito.
"Tama na 'yan. Pati ako'y napapa-iyak sa tuwing nasisilayan kong may bahid ng lungkot ang mga mukha ng dalawang pinaka-importanteng babae ng buhay ko.", bungad ni Papa habang inaayos ang kanyang suot na puting amerikana.
Tumayo kami at sinalubong ito ng yakap.
"Dalaga na ang aking unica ija.", saad nito at hinaplos aking buhok.
"Mawalang galang na po, magsisimula na ho tayo.", saad ni Aling Pasing.
Umalis na sina mama habang naiwan ako rito sa kwarto na kung saan nagkalat ang mga iba't ibang uri ng kolorete. Sa tabi ko naman ay nakahilera ang iba't ibang kulay ng sutlang mahahabang damit na aking susuotin sa buong pagdiriwang.
"You're so gorgeous, Mira."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako at dali-daling tinungo ang taong iyon at sinalubong ng yakap.
"Miguel! Akala ko ba'y babalik na kayo ng Amerika?", naguguluhang saad ko rito habang nakayakap parin.
"I wouldn't dare to miss the 18th birthday of my precious girl.", mahinahon na sambit nito at bumitaw na sa yakap namin. May bigla itong inilabas na isang makinang na bagay.
"Para sa'yo.", maikling sambit nito at isinuot na sa akin ang kwintas.
Pinagmasdan ko lamang iyon habang may ngiti sa aking mga labi. Hugis kabibi iyon at may perlas na palawit.
"Can I be your escort for tonight?", aya nito. Nginitian ko lamang ito at inangkla ang aking kamay sa mga matitipunong bisig nito.
Nasa tapat kami ng isang malaking pintuan at rinig mula roon ang mga boses na nasa likod ng malaking pintong nasa harap namin.
"Huwag kang mabalot nang pangamba, magiging maayos ang lahat.", pagpapakalma sa akin ni Miguel, nginitian ko lamang ito at inayos aking sarili habang sinabayan iyon ng malalalim na paghinga.
"Bago ko makalimutan, maaari ba tayong mag-usap pagkatapos ng selebrasyon? May sasabihin lamang ako saiyo.", saad nito at ginawaran ako ng halik sa noo habang may isinilid na papel sa aking bulsa.
"Huwag mo munang basahin. Pag natapos na ang selebrasyon maaari mo nang buksan ang sobre. Hihintayin kita mamaya sa may pasilyo patungong hardin." saad nito.
Naestatwa lamang ako roon at 'di alam anong mararamdaman ko. Bumukas ang malaking pinto at sinalubong kami ng mga palakpakan. Bumitaw si Miguel at inalalayan akong maglakad sa entablado. Ginawaran ko lamang ng matatamis na ngiti ang mga taong nasisilayan ko. Natanaw ko sina Mama at Papa kasama ang mga magulang ni Miguel. Narating ko na ang dulo at naupo ako sa isang engrandeng malambot na upuan na may mga dekorasyon ng iba't-ibang bulaklak. Inayos ko ang suot kong pulang mahabang bestida na napapalamutian ng makikintab na dyamante.
Nagsimula na ang seremonya. Tumapat ang liwanag sa isang matipunong lalakeng naka-itim na amerikana.
"Maaari ba kitang maisayaw, Binibini?", nakangiting tanong ni Miguel habang inaabot sa'kin ang isang pulang rosas.
YOU ARE READING
Tayo Kaya?
RomanceThis is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual pers...