Hindi maaari to, Ayoko naman din pag usapan dito sa department namin.
Pumasok ako dito para lang magtrabaho hindi para magpaligaw na kahit sino dito.
Pero kung may ano ano na tumutulak sa akin na itry ko naman kasi tumatanda naman din ako 24 years old na ako pero kahit naging boyfriend wala pa ako.
Nangunguna kasi ang takot ko na baka pag nakuha na niya ang gusto niya, iiwan nalang ako gaya nung ginawa nung wala kong hiyang ama.
Tahimik ako muli sa trabaho at hindi na muli pa nakipag usap ka'y allen dahil alam kong mas lalo lang niya ako kakausapin kapag pinansin kopa ito.
Mabilis lang natapos oras namin sa trabaho, kaya dali dali agad ako bumaba at tinanggal ang make up ko. Sa totoo lang hindi ko naman kailangan mag make up dahil mas bagay kopa na hindi naka make up. Yun ang sabi nila mama at mga kapatid ko
Hinahawi ko ang buhok ko gamit sa kamay ko, Habang nakatingin ako sa isang maliit na salamin sa locker ko. Biglang sumulpot si allen sa tabi ko
"Coffee?" Aya niya sakin at hindi ko ito tinignan.
"Now lang naman, trif" Pagsusumamo niya sa akin at agad naman ako humarap dito.
"Okay" Maikli kong sagot at kita ko ang pamumula niya sa buong mukha niya. Daig pa niya nanalo sa lotto.
"Yes!" Mahinang bigkas niya at pero masaya.
Ewan koba bat ako pumayag dito, e hindi naman ako sanay na may kasama akong lalaki na umaalis.
Sabay kami lumabas sa trabaho namin, at kinuha niya ang sasakyan niya. WOW yayamanin pala pero kailangan pa din magtrabaho e mayaman naman.
Huminto siya sa harap ko at sumakay na ako sa tabi niya.
"Yaman mo pala, tapos nagtatrabaho kapa." Sabi ko sa kanya at bigla naman itong ngumisi
"Gift lang ni daddy, e ayoko naman lagi humingi sa kanila gusto ko may sarili naman akong ipon." Sabi niya at humanga ako sa kanyang mga sinabi.
Grabe, Sanaol.
Samantalang kami kailangan namin magtrabaho para kumita. Sila nagtatrabaho dahil ayaw nilang humingi sa pamilya nila at may sariling pera.
Agad kami nakarating sa coffee na sinasabi niya, Hindi ako umiimik nung bigla niya tinanong na "What coffee"? Agad ko itong tinignan at Sinabing "Caramel Machiato" mabilis na sagot ko sa kanya.
"Bread?" Tanong ulit niya at umiling nalang ako sa kanya, okay lang kasi sakin na coffee lang.
Nakapag order na siya at umupo na siya sa harapan ko. Ramdam na ramdam kona ang antok pero nilalabanan kolang ito.
"Wala kang boyfriend? Baka may bigla nalang sumusuntok dito trif ha" Pabiro niyang sabi at natatawa pa siya.
"Wala." Maikli kong sagot sa kanya
"Bakit? Balita ko hindi kapa daw nagkaboyfriend, totoo ba iyon?" Tinapunan ko siyang masama at iniisip ko saan naman niya galing ang tsismis na iyan.
"O easy, Mukha nga wala kapa naging boyfriend." Sabi niya at biglang nag init mukha ko sa sinabi niya. Nakakahiya
"Ikaw ba, wala kang girlfriend?" Pabalik na tanong ko sa kanya at nakatingin lamang ako sa daliri ko.
"Wala, Hindi rin ako interesado. Sayo lang kasi ako interesado e." Bola niyang sabi sa akin at grabe nga naman bigla ata namula pisngi ko shit ka talaga allen.
Naputol ang usapan namin nung inihatid na yung coffee namin sa table namin dalawa. Parang nagdedate huh baka may makakita sa amin dito.
Baka kalat na nga sa department namin ito.
"Hatid na kita ha, Wala kanang masasakyan dito e." Offer niya sa akin. Tumango lamang ako dito habang nakatingin ako sa malayo. Bigla nawala ang antok ko sa coffee na ito.
"Same sched pala tayo maya huh, GY parin tayo." Sabi niya sa akin at lumingon ako sa kanya. At sumagot na "Oonga." Maikli kong sagot.
Bakit kaya ako ang niyaya niya? e ang dami maganda sa casino pwedi naman iba yayain niya.
Sana kapag dumating ang araw na nagugustuhan kona siya, hindi siya magbago.
Ayoko masaktan, ayokong maging katulad ni mama na laging iniiwan ang mga lalaki minamahal niya.
Aanakan siya tapos iiwan din. Minsan na akong nagalit kay mama noon dahil hindi siya nagsasawa masaktan.
naputol ang iniisip ko nung bigla siya nagsalita.
"Ang lalim niyan ha, sisirin koba?" Sabi niya at bumalik ako sa sarili ko.
"Gago" malutong na mura ko sa kanya.