"Malayo paba?"Tanong ko, pagod na. Ilang minuto palang naman kaming nag lalakad pero halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Siguro dahil na rin sa nilakad ko kanina at sa taas ng rock formation!
"Medyo." Sumulyap siya sa akin. Agad kong inayos ang tayo ko. He chuckled a bit. Nag init naman ang pisngi ko.
"Bakit kasi dito pa tayo dumaan."
"I already told you, mas ligtas dito."
"Malayo naman..."
Umiling siya. "You mean, ayos lang sayo ang delikadong daan basta malapit?" Inangatan niya ako ng kilay.
"Oo! Mag iingat naman!"
"Walang pag-iingat sa aksidente, Amari."
Pakiramdam ko umiinit ang ulo ko sa kanya. Kung tutuusin ay wala namang kuwenta ang pinagtatalunan namin pero nakakainis parin.
Ngayon ko lang naranasan na sabihin ang opinyon ko sa iba. Sanay akong kinikimkim iyon pero ngayon...
Tama naman talaga siya pero ewan ko ba bakit ayaw kong tanggapin ang pagkatalo nang opinyon ko siguro dahil ito ang unang beses na naglabas ako ng opinyon sa isang bagay at mali pa ang pinaglalaban ko...
Tumikhim ako. Mukhang malayo layo pa ang lalakarin namin.
"Siya nga pala, 'yung bayad ko sa paghatid mo sa akin sa Hotel."
Lumingon siya. "Libre 'yun."
My lips parted. Anong libre? Libre iyong ganun?
"Sa hotel ka pala talaga nag tatrabaho."
Nakita kong sinipa niya ang maliit na bato sa kaniyang harapan.
"You can say that."
Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita.
Mula sa di kalayuan ay natanaw ko na ang DMH. Tumalon ang puso ko, sa wakas ay makakapag pahinga na rin!
"Dito nalang ako." Sabi ni Isaac noong nasa tapat na kami ng Hotel. Nakahalukipkip siya at bahagyang nakayuko sa akin.
Walang ekspresyon akong tumingin sa kanya. "Sige... Bumalik ka na roon sa mga kaibigan mo."
"Uuwi na ako."
Nagulat ako, uuwi na siya agad?
"Ha? Hindi ba magagalit ang mga kaibigan mo?"
Hinaplos niya ang kaniyang leeg pagkatapos ay mas yumuko pa para matignan ako.
Naiinis ako sa ayos naming dalawa. Bakit kasi ang tangkad niya at hanggang dibdib lang ako, para tuloy akong bata sa ayos namin ngayon!
"I'll text my friend when I got home."
Kuryuso ang mga mata niyang nakatitig sa akin ngunit may kasamang diin iyon. Uminit ang pisngi ko, ginawa ko ang lahat para hindi niya mapansin iyon.
"S-Sige..." Agad akong tumalikod para pumasok na.
I heard him chuckled a bit pagkatapos ay narinig ko rin siyang bumulong "hirap na hirap mag pasalamat eh..."
Mas lalong namula ang mukha ko. Binilisan ko na ang lakad papasok sa Hotel.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pinagpasiyahan kong mag hanap ng trabaho ngayong araw. Isang buwan o mahigit ang ilalagi ko dito sa Isla Paraiso. Hindi naman talaga ako pumunta dito para mag bakasyon. Gusto ko lang makapag isip at makahinga sa magulong buhay sa Maynila.
Kaya habang nandito ako mas maganda na mayroon akong libangan. Naisip ko rin na kakaunti ang dinala kong mga damit. Baka mamili nalang ako sa bayan hindi ko alam ang papunta roon, magtatanong tanong nalang siguro ako.