FIRST

1 0 0
                                    

"TEACHER, ako po may tanong!" Sigaw ng kung sino. She stood up. Ngumiti ako sakanya, "yes, therese?" Tanong ko pa sakanya. Malapit na mag uwian. Ang pangit nga ng new curriculum kasi dati whole day ang pasok ngayon half day na lang tas mas pinaikli pa yung period ng every subject. Good thing na nag offer yung school namin na mag karon ng home room subject every friday bago mag uwian. This help students to relax and bond with their advisors pede rin namang gamitin for important matters like meeting ng nangyayari sa school.

"Ma'am kasi po while scrolling po sa fb kagabi I saw your shared post po na about sa red string? Ano po yun? Hindi ko po kasi masyadong naiintindihan kasi po medyo magulo" tanong nya

Ahh yung red string..

Napasandal ako sa table sa harap, "ah when I was in your age back then madaming naniniwala sa red string. Kasi daw sabi sa Japanese and Chinese mythology, Yung red string is nakatali sa atin since birth. It can be tangled and it's so stretchable, but it can never break. Sabi nila connected yung kabilang dulo neto sa nakatadhana nating mahalin or makilala. So meaning to say, nakatali ang dalawang dulo neto sa dalawang taong naka destiny sa isa't isa." Paliwanag ko.

Napatanggo tanggo sila at nag bulong bulongan. Tinitignan pa nila yung mga kamay nila. Nakakatuwa talaga mga bata to. Sooner or later mag m-matured na to at mararanasan na rin nila ang mga bagay na tinatanong nila sa isa't-isa.

"Ma'am, edi po yung red string ay parang soulmate po?" Tanong ni sofia. Hinawakan ko yung baba ko na parang nag iisip, "soulmate kasi anak madami tayo nyan. Soulmate na kaibigan, soulmate na pamilya, at romantic soulmate. Ang red string ay naka focused sa romantic partner." Paliwanag ko.

I clapped my hands once, "okaay, tama na tayo sa relationship topic. Hindi sa pinag babawalan ko kayo mag boyfriend or mag girlfriend. Mga anak madadaanan n'yo yan along the way pero sa ngayon mag aral muna kayo masyado pa kayong bata para mag matured ng maaga. Mga babies ko pa kayo eh. Mag laro muna tayoo!" Nag suggest sila ng mga laro at napag desisyonan naming mag stop dance ang mananalo ay may plus sa quiz kaya ganadong ganado sila.

"GOODBYE po ma'am, enjoy po sa long weekend!" Sabi ni Johanna. Binati ko rin sila and I waved them goodbye. Chineck ko pa kung may naiwang kalat bago ako pumunta sa faculty room. Uuwi na ko dahil wala na kong klase ngayong araw kaylangan ko pang gumayak at baka sakalin ako ng mga kaibigan ko. May pupuntahan kasi kaming birthday daw bukas at dederecho sa beach or private resort hindi ko alam yung details kasi kapit bahay ko naman si Angel—bestfriend ko since college—sa condo. Nakarating na ko sa bahay ng tumunog yung phone ko.

I picked it up, "hello" sabi ko kahit hindi ko tinignan kung sino yung tumawag.

"Kaye! Nakagayak ka na ba" sabi ng nakakairitang boses ni kevin.

"Kakauwi ko lang galing school, anong oras ba kasi aalis" sabi ko

Parang maingay sa paligid nya siguro nasa byahe sya, "tungeks, mauna na kami ni Eric sa resort. Dito na daw kasi gaganapin yung birthday. Tutulong kami sa pag aasikaso nakakahiya naman kasi sinagot nila yung resort"

"Bakit niligawan ba sila?" Tanong ko

"Huh?" Litong tanong nya

"Ha?" Tanong ko rin. Bago tumawa ng malakas.

"Ewan ko sayo, susunduin ata kayo ni Justin. Chat mo na lang sya sa details. Byeee! Kala kasi namin natulog ka pa eh" sabi nya bago patayin yung tawag

Dapat talaga matutulog pa ko pag uwi kasi sabi nila 10pm pa namn daw kami aalis tas ngayon ng iba. Mga weirdo talaga sila paiba iba ng isip. I open my Spotify app then play my favourite playlist bago kumilos at mag impake. I need clothes for atleast 5 days and swim wears. Resort yun alam ko eh nalimutan mo nga lang kung saan. Palagi kasing sasama lang ako at sila na bahala sa lahat kaya nasanay akong ganun. Hindi ko nga lang alam kung anong oras aalis. Mas okay na tong kumilos agad ako para pag dating nila aalis na lang.

Wounds of Fate: Love's Inevitable TiesWhere stories live. Discover now