THIRD

0 0 0
                                    

NAGISING ako ng maaga dahil rin siguro sa body clock. Sanay na gumising yung katawan ko ng 3:30 ng umaga. Wala pa ko tulog 1 am ako umakyat ng kwarto ko ewan ko lang sila kung anong oras natapos. Mag lalakad lakad na lang ako sa dalampasigan dahil sabi nila may dagat daw dito na di namn kalayuan. Walking distance lang. Pero dahil madilim pa sa labas malamng madilim pa sa dalampasigan. Pupunta na lang ako convenient store may pinuntahan namn kami kahapon na walking distance lang din.

Sinuot ko yung jacket ko at bumababa ng kwarto. Pag daan ko sa pool side hindi pa rin pala sila tapos mag inuman. Lumapit ako sakanila.

"Oyy kaye kala ko natulog ka na?" Tanong ni justine nung makita nya ko. Lumapit ako sa gilid ni kevin na nakadukdok na sa lamesa. "bat nyo namn nilasing tong bff ko?" Tanong ko sakanila. Kasi mukang nadaya nila si kevin at eric dahil mga lasing na lasing na to kung si kevin sa lamesa nakatulog si eric sa upuan.

"Mga mahihina yan! HAHAHA!" tawa ni Drei. Baliw talaga to mataas kasi tolerance sa alak. Kaya matino pa pero for sure tipsy na.

Kinalabit ko si kevin, "boy, anjan na mama mo hindi ka pa daw nag sasaing." Bulong ko sakanya. Nagulat ako bigla syang bumangon. "Asan si mama? Nag saing na ko ha?" Sagot nya  ng sobrnag bilis. Tawa kami ng tawa. Nung humupa tawa ko pinaakyat ko na sya ihahatid daw muna nya si eric. Kaya tumayo sya tas lumapit kay eric, "pre, pre, pre, buntis daw papa mo" sabi nya dito. Tumawa nanamn kami.

"Ha? Si papa...? Buntis...? Tanga ka bat mo tinira si papa?" Sabi nito nag tawanan lang kami. Pinaakyat ko na sila kasi hindi na nila kaya ihahatid daw ni Justine yung dalawa dahil baka daw sa ibang kwarto pumasok. Kaya pa namn nilang mag lakad.

Humakbang na ko paalis sana ng mag tanong si Drei, "San ka pupunta?". Lumingon ako sakanya, "bibili lang jan sa convenient store" sagot ko namn tas tumalikod na ule. Bigla syang napunta sa tabi ko, tinignan ko nmn sya na parang kinuquestion sa ginawa nya.

"Samahan na kita, bawal umangal hindi kita paalisin mag isa. Kung ano talaga maisipan mo ginagawa mo parang di delikado mag lakad mag isa tas babae ka pa?" Sermon nya sakin. Nag make face lang ako tas ginagaya sya. "Hoy babaita wag mo ko ginagayan baka ma ano kita" banta nya sakin.

"Maano sige?" Tanong ko pa na parang ako pa matapang. "Mayakap, miss na kita ng sobra." Derechong sagot nya. Tipsy na nga sya hindi na nya kaya controllin lumalabas sa bibig nya. Nag kunyare ako na walang narinig dahil hindi ko na maaring patulan pa yun engage na sya at ayoko maging kabit ng kahit sino even ng taong mahal ko. Ayokong makasakit ng kapwa ko babae.

Nag patuloy lang kami sa pag lalakad ng mapunta na kami convenient store. "Kuha ka ng kahit anong gusto mo boy, libre na kita wala ako regalo sayo eh" sabi ko at namili na rin ako ng gusto ko. Hinayaan ko na lang sya. Nang matapos kami mamili nag lakad na kami pabalik sa villa medyo lumiliwanag na pagkatapos mag almusal for sure maliwanag na.

Nang makapasok kami sa villa tinanong ko sya kung gusto nya ba kumain muna bago matulog. Hindi sya tumangi, dapat tumangi ka eh. "Upo ka lang jan boy ha weyt mo to, gusto mo ba coffee or Milo?" Tanong ko pa sakanya. "Milo.." naupo lang sya sa upuan habang nag aantay.

"BAKIT ang aga mo magising?" Tanong nya habang kumakain kami. Nag kibitbalikat ako, "sanay na katawan ko gumising ng gantong oras, tatambay na lang muna siguro ako sa dalampasigan pag tapos kumain" sagot ko sakanya.

"Sama ako" sabi nya na parang bata. Umiling ako. "Sama na nga ako, please?" Umiling ulit ako. "Sasama ako bebu" hindi ko narinig yung huli nya sinabi kaya napa "huh?" Ako. "Sasama po ako please?". Napabuntong hininga ako, "pano ka sasama eh hindi ka pa nga natutulog tas lasing ka pa oh?" Sermon ka sakanya.

He pouted, "hindi namn po ako lasing eh dinaya ko po sila, gusto ko po kasi magising maaga alm ko morning person ka. tsaka po hindi pa rin ako inaantok" he reason out. Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kung di pumayag.

Naglakad kami papuntang seashore pasikat na yung araw. Naka kita ako ng puno na may duyan kaya tumakbo ako don. "Ahhh relaxing~" sabi ko. Nung makarating sya sa may duyan kinalabit nya ko, "Patabi" sabi neto tumango lang ako at hinayaan sya.

Nabalot kami ng katahimikan kaya naisipan kong basagin yun, "alm mo masaya ako para sayo" sabi ko ng may ngiti pa sa labi. Hindi sya nag salita. "Sabi ko before ayoko kakong mag asawa. Kahit noong naging tayo alm mong ayoko kasi feeling ko hindi ko magagampanan yung tungkulin. With this profession and my personality? I doubt na kaya ko." Sabi ko habang naka tingin sa dagat.

Isinandal ko yung ulo ko sa duyan,"I prayed na sana makakita ka ng taong para sayo at pag nangyare yun sana andun ako. Tinupad nmn nya.. andun ako nung nag announce ng engagement mo—Emcee pa nga. It's ironic nga eh. I knew that you made me change my mind about the wedding thing. Kaso everything crumbled. Eto naman dapat, You're my greatest love but I'm not yours." I laughed. Tinignan ko sya naka tingin sya ng malalim sa dagat na parang tinatanggap lahat ng sinasabi ko.

"Aalis na ko." Sabi ko bago tumingin ulit sa dagat. "Sama mo ko" nagulat ako sa sinabi nya. Natawa ako ng bahagya,"silly, you have a soon-to-be wife already. Japan is my dream country hindi ko lang sure kung mag settle down ba ko dun or babalik ako dito." Sabi ko sakanya.

"Ayokong ikasal" mahina nyang bulong pero narinig ko pa rin. Humiga sya sa likod ko malaki kasi yung duyan tas niyakap nya ko, "antok ako" sabi nya hinayaan ko na lang sya. Maya maya lumalilim na yung paghinga nya indication na nakatulog na nga sya.

Some people in our life are meant to be our greatest lesson and inspiration. Loving someone doesn't mean na they need to reciprocate your feeling. Let yourself love them without expecting them to love you back.

Maya maya inantok na rin ako kasi sobrang relaxing ng dagat. Inanggat ko muna yung paa ko sa duyan kasi baka mangalay ko kung makakatulog ako ng ganun. Being hugged by him again makes me feel safe.

Cherishing everything.. every moment because tomorrow is never a promise.

Wounds of Fate: Love's Inevitable TiesWhere stories live. Discover now