Chapter 24

400 14 15
                                    

DIANA'S POV

   I AM so furious that I left right away without even packing my stuff. Kelvin, my great husband trying to chase me? I've never even heard of that. I don't even care about them.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kahit gusto kong intindihin, hindi talaga kaya ng matalinong utak ko na intindihin sila.

Especially Kelvin. Of all people, siya pa talaga ang gagawa n’on sa pussy ko? Whatever their reason is, hindi ko talaga sila mapapatawad kapag may nangyaring masama sa pusang uod na ‘yon.

Hindi naman ako kasing tanga ni Thalirra para magpaapi na lang sa kanila, no? Kung gusto nila, pwede ko namang ipalamon na lang sa kanila ‘yung unit ko. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit doon ako nakatira samantalang kayang-kaya ko bumili ng house and lot ora mismo.

Lintek na pagkokontrol nila sa buhay ko. Masyado na silang masaya. Masyado ko na silang pinagbibigyan.

Tangina. Saan ko ba hahanapin ang pusang ‘yon?

Ihahampas ko sana ang kamay ko sa manibela ng kotse ko pero naisip ko, bakit ko sasaktan ang magaganda kong kamay para sa kanila, ‘di ba? Neknek nila.

Sa sobrang inis ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa pinakamalapit na pet shop. 

“May binenta bang pusa rito?” inis na tanong ko sa unang lalaking nakita ko. Kumunot naman ang noo niya at nagkibit-balikat. “Hindi mo alam? Bakit hindi mo alam?”

“Customer po ako, ma’am.”

Bumaba ang nakataas kong kilay saka ako napatingin sa malayo bago binalik ang tingin sa lalaki. Tangina, malay ko ba?

“Nasaan ang personnel?” Muling nagkibit-balikat ang lalaki. “Hirap mong kausap, ‘no?”

Tiningnan lang ako ng lalaki na tila nagwi-wierduhan sa akin. Hinayaan ko lang naman siya dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Since wala namang ibang tao, sinubukan kong hanapin ang uod kong pussy sa nakahilerang mga hawla. Nagbabakasakali na nandito ‘yung bulateng ‘yon. Pero nabigo ako.

Muling tumindi ang inis ko. Tangina, bakit ba kasi hindi ko na lang sila tawagan para malaman kung nasaan si Caterpillar? 

But no, I won’t. Kapal naman nila kung makakatanggap pa sila ng tawag mula sa akin.

Just as I was ready to walk out of the pet store, I heard my phone ring. The unexpected call from an unregistered number startled me. Unregistered calls are generally not answered, but it looks like someone has put pressure on me to do so. So I did.

“Sino ka—” 

“Ate…”

Kumunot ang noo ko.  “Sino ba ‘to?”

“Ate, nandito ‘yung pusa mo sa bahay—”

Hindi ko na pinatapos magsalita ang bunsong kapatid ko na si Jackson. Hindi na nga rin ako nagkaroon ng oras para magtaka kung paano siya nakatawag sa akin gayong hindi ko naman inaasahan na kakausapin niya ako. Agad kong pinalipad ang kotse patungo sa mansion ng magulang ko. Ipinagtaka ko na hindi namalayan kung gaano ako kabilis nakarating. Nagulat na lang ako nang makitang nasa harapan ko na si Jackson. Bitbit niya sa kanyang braso ang tulog kong pusa habang dahan-dahan niyang hinihimas ang makapal nitong balahibo.

Agad akong lumuhod upang magpantay ang tingin namin ng bunso kong kapatid saka ko dahan-dahang kinuha sa kanya si Caterpillar. 

“Sino ang nagdala nito dito?” Mabilis kong tanong.

Nagkibit-balikat siya. “Nakita ko na lang na papaalis ang kotseng pagmamay-ari ng Silverters, ate.”

Bumuntong-hininga ako. Bagamat nagtataka ay pinalampas ko iyon. Ang mahalaga ay hindi naging siopao ang mabalahibo at mabango kong pussy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon