Chapter Two

14.4K 409 70
                                    

DIANA'S POV

    KUMUNOT ang aking noo dahil naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama mukha ko.

Sino bang hayop ang hindi nagbukas ng window blinds?

Masyadong tirik ang araw, baka mabilad at masunog ang mukha kong almost perfect. 

Mabilis akong tumalikod sa gawing nasisinagan ng araw dahil inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog, 'no! Antok na antok pa ako. Gusto ko ng balde-baldeng tulog.

Pero tangina! Hindi ko na talaga mabalik ang sarili ko sa pagtulog dahil naalala kong nabura na ang sunscreen ko at kailangan kong i-re-apply iyon. Masyado kasi akong napagod kagabi kaya hindi ko namalayang nakatulog ako.

Isang nakakapagod na gabi na naman ang nagawa ko sa buhay ko. Well, 

Inis akong napamulat ng mga mata nang mapagtanto kung ano ang iniisip ko. Tangina, oo nga pala, may nakatikim na naman sa masarap kong katawan kagabi.

Lihim akong napangiti nang maisip na mukhang napagod din yata ang kasama ko kagabi dahil hindi pa ako nito ginigising. Mukhang ako yata ang unang nagising, ah! 

Nakangiti kong kinapa-kapa ang kama para mas lalong gumanda ang umaga dahil may nakaumbok na makapal na kumot sa tabi ko ngunit nang walang maramdaman ay mas lalong kumunot ang noo ko. Bahagya akong nagtaka. 

Wala na siya rito? Iniwan ako?

Ano 'to? Sex and run? Pagkatapos niya akong gamitin, iiwan niya ako bigla?

Hindi naman sa gusto ko siyang mag-stay, hindi ko lang yata siya nasabihan. Ayoko kasi sa lahat ay iyong iiwan ako matapos masarap sa akin. Walang utang na loob, duh!

Nakabusangot akong tumayo, doon ko lang napagtanto na wala pa pala akong suot maski isang saplot. Bigla akong nahiya sa sarili ko pero hindi ko rin naman pinansin iyon dahil maganda naman ang katawan ko.

Duh. I always maintain my body figure.

Ginalugad ng paningin ko ang mga nagkalat naming damit. Iniisip ko, kung susuotin ko pa ang damit na ginamit ko kagabi, medyo kadiri na iyon dahil hindi naman ako nag-uulit ng damit kahit na alam ko sa sarili kong, kahit gamit na iyon, mukha pa ring bago. Mas mabango pa iyon sa bagong laba, 'no!

Kaya naman, pumulot ako ng t-shirt na alam ko sa sarili kong unbranded iyon at saka sinuot, kahit hindi naman talaga ako nagsusuot ng unbranded clothes because I prefer wearing Dolce & Gabbana sa morning, pero sige, p’wede na ito, for now. 

I just wore a huge size t-shirt na hindi familiar sa akin kung kanino kasi hindi naman ako familiar sa lalaking naka-sex ko, and panty since I prefer wearing those kind of clothes kapag nandito lang ako sa bahay. Mabuti na lang at lagi akong may dalang extra panty sa bag.

Huminga ako nang malalim at sinuklay nang bahagya ang buhok ko gamit ang kamay ko nang maalala na hinahanap nga pala ng paningin ko 'yong lalaki.

“Teka, nasaan ba ang lalaking ‘yon?” Luminga-linga pa ako sa kwarto nang makakita ako ng usok mula sa veranda, at tangina naman ang aga-aga para makakita ng hubad na lalaki. Pero maayos na rin 'yon, macho naman siya.

Maglalakad na sana ako patungo sa veranda para kausapin siya kaso masyadong maganda ang view para um-eksena akong literal na kakagising lang, medyo err.

Maganda naman ako at walang dapat na ikahiya. Pero ayoko lang talaga nang humaharap sa ibang tao na hindi pa nakakapag-ayos. Tinuruan naman ako ng tamang manners, 'no!

Makapag-ayos na lang muna tutal mukha namang feel na feel niya 'yong pagpapabuga niya. At mukha rin namang aalis rin siya kapag nakita niyang wala na siyang kasama. Sana lang dahil baka mahuli pa kami ng fake husband ko at baka isiping ang landi ko. Pero ano bang paki ko? Kaya nga fake lang, eh.

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon