Chapter Five

10.4K 310 90
                                    

DIANA's POV



Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang pag-uusap namin ng walang hiyang si Kelvin tungkol sa kaniya-kaniya naming buhay. Actually, hindi naman talaga pag-uusap iyon dahil wala siyang kwenta kausap.

Minsan lang siya kung magsalita, madalas puro pambabara pa. Halos hindi na rin kami nagkikita sa condo unit dahil pareho kaming abala. Aalis ako, wala na siya. Darating ako, tulog na siya. 

It's not like that na gusto kong nagkakasalubong ang landas namin. Thankful nga ako dahil nababawasan ang stress ko kapag hindi ko siya nakikita. Para kasi siyang stress na tinubuan ng katawan at kaunting mukha.

Mabuti na nga lang talaga at busy na ako sa pagharap sa totoong buhay ko. 

I mean, being the foster child of the Silvester's and the owner of my own business. At kung ano iyon? Siyempre, makeup brand! 

Lalayo pa ba ako sa hilig ko? 

Ilang branch na rin ang napapatayo ko. So far, nasa higit 20 branches na rin iyon all over the country. Thanks to Astrid and Nadine who really supported me from the very beginning. 

Until now naman. Subukan nilang hindi ako suportahan, magkakalimutan talaga.

Nadine was my first endorser. Libre nga iyon dahil ang kapal naman ng mukha niya kung magpapabayad pa siya sa akin. Anong silbi ng friendship card ko kung hindi ko gagamitin, 'di ba? 

Kaya ko naman siyang bayaran kahit isampal ko pa sa kaniya lahat ng perang mayroon ako pero mabuti na lang at siya na rin ang nagsabing libre iyon. Sino bang tatanggi sa libre?

Si Astrid naman, bukod sa kilatisin ang mga bagong produkto ng business ko, wala na siyang ibang ginawa. Sa tamad ng babaeng 'yon? Parehas kasi kaming mahilig sa mga ganito kaya siya ang katuwang ko sa pagpapalago nito. Pero hindi niya sinasabi sa iba na kasosyo ko siya. Ayaw niya raw ma-involve sa akin. 

Napakahayop na kaibigan, 'di ba?

Oo, si Astrid nga iyon.

Siyempre, dahil ubod ako ng ganda, may times na busy ako. Tulad ngayon, tambak ang mga papers na babasahin ko para sa new investors ng sarili kong negosyo.

Nagsisimula na rin kasing sumikat ang business ko kaya marami ang may gustong kunin ang brand ko. Sa tulong iyon ni Nadine at ng mga friends niyang artista. Siyempre, may mga bayarang endorsers din ako na siyang nakadagdag ng points para mas lalong sumikat ang produkto ko. 

Kaya hindi na rin kataka-taka kung marami ang gustong maki-sosyo sa akin o hindi naman kaya ay kunin ang brand ko under ng brand nila. Siyempre, hindi ako pumapayag sa mga ganoon. Ano sila? Sinuswerte? Mukha ba akong tanga sa paningin nila para gawin iyon? Sa ganda kong 'to?

Kahit sikat na brand pa ang lumapit sa akin para i-under sa kanila ang brand ko, hindi ko gagawin.

Duh. Kaya nga ako nagsarili, 'di ba? Kaya nga hindi ako umaasa sa biological at foster parents ko dahil ayokong galing sa kanila lahat ng pinanggagastos ko sa sarili ko.

Habang nagbabasa ako ng mga nakaka-boring na business plan, bigla naman nag-vibrate ang phone ko. Medyo nagulat ako roon. Yes, slight lang kasi maganda ako.

Hindi ako nagulat nang rumehistro sa mamahalin kong cell phone ang numero ni Astrid.

Bitch Astrid calling...

"Buhay pa pala 'to?" usal ko sa kawalan bago sagutin ang tawag ng bitchesang spoiled brat. "Oh?" bungad ko pagkasagot ng tawag.

"Where are you?" mataray niyang tanong sa akin sa kabilang linya.

MARRIED - (Status Series #1) [R18+] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon